Chapter 12: Mine

595 5 4
                                    

Chapter 12

Isang buwan na rin ang lumipas mula nung anniversary namin. So far, wala pa namang balitang nalaman na ng pamilya ni Christian yung tungkol samin. Things are going well...

until one Friday afternoon.

Kakatapos lang ng class ko and may pinuntahan si Kate at Mia, kaya mag-isa lang akong uuwi.

Mga 5pm pa lang nun. Dumaan muna ko ng locker ko para kunin yung camera ko. First class ko was photography kaya iniwan ko muna dun.

Pagkabukas ko ng locker, I heard voices na papalapit. Ang iingay nila. Group of guys, with their girlfriends.

"Christian, free ka ba mamaya?" A girl said. Nagpantig ang tenga ko. Christian daw. Siya kaya yun?

"Uhm..I'm not sure." Oh. Si Christian nga yun.

"Sama ka na samin. Free drinks sa bar na yun mamaya." Another guy said. Kateam siguro ni Christian.

"Oo nga, Ian, sama ka na." Yung kaninang nagsalitang babae, nagsalita na naman.

"Oo nga, Ian, sama ka na."

"Oo nga, Ian, sama ka na."

"Oo nga, Ian, sama ka na."

"Oo nga, Ian, sama ka na."

Inulit-ulit ko yun sa utak ko, at nung magsink-in na, nagpantig ang tenga ko.

Ian?! At ang pacute pa ng pagkakasabi ng babae. Ganun ba sila kaclose para may sarili siyang tawag kay Christian?!

"Wow Angela, makakapit sa braso ni Christian a. Kayo na no?" Sabi ng isa pang kasama nila. "Oi Christian Dy, umamin ka na. Kayo pala, di ka man lang nagsasabi. Kelan mo pa siya pinormahan ha?"

"H-hindi kami." Di ko alam pero nananakit ang dibdib ko. Ngayon lang sakin to nangyari. Thank God, natatabingan ng pinto ng locker ang mukha ko.

"Ui, wag nyo nga lokohin si Ian. Kayo talaga." Si Angela naman ang nagsalita.

"O sige nga ikiss mo sa lips si Christian kung hindi totoo yun!" Another girl said.

"Hey," Christian protested.

"Anong problema dun e single naman kayo pareho? Walang magagalit!" Gusto ko nang umalis dito.

Pero napako na ang paa ko sa kinatatayuan ko. I couldn't move.

"Kiss! Kiss! Kiss!" Lahat na sila nagsasabing gawin nila yun. Ayoko na dito. Gusto ko nang umalis. Nanginginig ang mga kamay ko.

At nakisama talaga ang panahon. Nahulog ko pa yung lens ng DSLR ko. No, no, no. Bakit ngayon pa? Ang lakas ng pagkakabagsak.

Sinara ko na yung locker ko and kinuha ko yung lens habang nanginginig ang mga kamay.

Natahimik sila. Walang nagsasalita. Sinara ko na yung locker ko. Ayokong tumingin sa kanila, pero binigo ako ng mga mata ko. Parang may sariling utak. Napatingin ako sa kanila. And there, I saw him and he's looking at me. He's shocked. I looked away.

"Ayan, sign na yun guys. Gawin nyo na daw kasi. Kiss na! Smack lang! Or else, may something talaga sa inyo?" Sinabi ng nanguna sa dare na yun.

Nakatalikod sakin yung girl, kaya di ko siya makita. Pero si Christian, kitang-kita ko. At alam kong tinitingnan nya din ako.

"Kiss! Kiss! Kiss!"

And then it happened.

Christian Dy - EnrichWhere stories live. Discover now