Chapter 5: A New Beginning

812 9 14
                                    

A/N: Salamat nicolenerveza. Sayo ko to idedicate kasi ikaw ang unang nagcomment. Thank you sa pagbabasa. :)

Chapter 5

Marami na ding nangyari mula nung gabi na niyakap niya ko. Isang bagay lang ang hindi nagbago - hindi pa rin kami nagkikita sa school. Masyado pa rin siya sigurong busy. Lagi ko na lang siya maaabutan, either naghihintay sa labas ng bahay namin o kaya naman nasa loob na at kinukulit si Manang Rose.

Natuwa ako, kasi kahit hindi kami nagkikita sa school, gumagawa siya ng paraan para magkita kami kapag wala siyang ginagawa. Nakakagaan sa pakiramdam na ganun niya itreasure ang friendship namin. I'm blessed to have him as my bestfriend. At sa mga ginagawa niya, mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Minsan nga, kapag tumitingin siya sakin ng straight sa mata, iiiwas ko agad, kasi ayokong makita niyang namumula ang mga pisngi ko. Ang awkward talaga.

It was Saturday at galing kami sa mall, nanuod kasi kami ng sine. His treat.

Nakarating na kami sa subdivision, and while walking, bigla na lang umulan. Wala kaming dalang payong, at palakas ng palakas ang ulan, kaya naghanap kami ng masisilungan. Buti na lang may waiting shed sa malapit.

"Han, panyo." Inaabot nya yung panyo niya sakin at di na rin ako nag-atubiling tumanggi. Basang-basa na ko. Hindi pa siya nagpupunas, inuna niya pa talaga ko. Ang gentleman niya kahit kelan. Pero nung aabutin ko na.. "No, forget it. Let me."

Dinampi nya yung panyo sa kanang pisngi ko. My knees are trembling. My heart is beating faster. Nakatingin siya ng straight sakin...until..

He kissed me.

♫ Now Playing: Kiss The Rain, Yiruma.

Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko. 5 seconds.. Ang tagal nang magkadampi ng mga labi namin. Hindi ko inalis yun. I felt so happy.

Idinikit niya yung noo niya sa noo ko. Then he told me, "I should've done this a long time ago. Han, I love you. I don't want to be just your bestfriend anymore. I love you more than that. Han, hindi ko sina-"

I kissed him quickly on the lips. "I love you, too." Hindi ko na to kayang itago. Lalo na ngayong mutual naman pala ang nararamdaman namin. Sobrang saya ko. Sobrang happiness. Ganto pala yung feeling na mahal ka ng taong mahal mo. 7th heaven. Cloud 9.

He hugged me. "Thanks, Han. Di mo alam kung gaano mo ko napasaya. I love you."

I just smiled. Speechless na talaga ko. No words can express my feelings that time.

"So Hannah..tayo na ba? Just making sure." Nakakatunaw yung tingin niya. Mahal nya ko. Mahal ko siya. Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa.

"Ano ba sa tingin mo?" I giggled. Umamin na nga ako sa kanya, itatanong niya pa yun?

"Yes!!!!" Ang lakas ng sigaw niya, buti na lang walang taong dumadaan kundi pagtitinginan kami. Kinuha nya ang kaliwang kamay ko at hinila niya ko palabas ng sinisilungan naming shed.

"Huy, Christian! Ano ba, nababasa tayo!" Ang lakas lakas pa rin kaya ng ulan.

"No. I just want to try something." Huh?

"Anong some-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. He kissed me again. I kissed him back, then our lips are moving.

We're kissing under the rain - sa gitna ng daan. It's so romantic. I love him so much. Parang yung pagmamahal ko sa kanya, dumoble pa lalo.

Si Christian Dy...

Mahal nya din ako.

Christian Dy - EnrichDonde viven las historias. Descúbrelo ahora