Chapter 19: First and Last

525 3 2
                                    

Chapter 19

Puro iyak lang ang nagawa ko sa guest room at hindi maubos ang luha ko.

I couldn't do this. I could not lose him. I couldn't bear the pain of not seeing him anymore. He's my bestfriend and lover. Siya ang sandalan ko sa lahat. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit nang wala siya. Hindi ko kaya.

Hindi ko kaya.

Pero ayokong maging selfish. Ayokong ilayo siya sa pamilya niya. Alam ko ang pakiramdam na kulang ang magulang. What more pag wala sila pareho? At ang mas mahirap pa dun, itatakwil siya ng pamilya niya. Hindi kaya ng konsensya ko. Hindi ko kayang gawin sa kanya yun.

Hindi ko kaya.

---

Nakatulog na pala ko dahil sa kakaiyak. Nagising na lang ako dahil sa malakas na ringtone ng phone ko. Kinuha ko na yun at nakita ko ang pangalan ni Christian sa screen. He's calling. Nakita ko pa lang ang pangalan niya, nanikip na ang dibdib ko.

Pero wala naman akong magagawa kundi sagutin ang tawag niya. "Hello?" Pinilit kong maging tuwid ang boses ko. Kaunti na lang at bibigay na naman ang mga mata ko.

"Babe! Kinakatok kita dyan kanina pa e. Pagpasok ko tulog ko kaya di na kita ginising. Ayaw kitang istorbohin."

"A-a-ah..I'm sorry. Inantok lang talaga." Nakatulog ako kakaiyak, Chris.

"Babe, tutal naman di pa masyadong gabi, punta ka sa kwarto ko, may papakita lang ako sayo."

Sa ngayon, parang ayaw ko muna siyang makita. I might break down anytime pag nakaharap ko siya. Pero kahit sa huling sandali, gusto ko pa rin.

"O-o sige. Wait lang."

Binaba ko na ang phone ko at pumunta na sa kwarto niya matapos ayusin ang sarili ko. Magang-maga pa rin ang mata ko. Hindi ako pwedeng magpakita sa kanya ng ganito.

---

Kumatok ako pero walang sumasagot. Nakatatlong beses na pero wala pa rin. Binuksan ko na lang ang pinto.

"Chris?" Walang sumasagot.

"Chris? Nasa'n ka? Papasok na ko ha."

Eto na yun, Hannah. Wag kang iiyak.

Wag kang iiyak sa harap niya.

Palakad na ko sa terrace. Sa bawat hakbang ko, sabay din ang paninikip ng dibdib ko.

Nakarating na ko at biglang may music na tumugtog.

---- > Play music

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagulat ako nang may table for two sa gitna ng terrace. Ang ganda dito dahil ang ganda ng view sa labas. May nakahanda na rin na pagkain.

(A/N: Dahil namiss ko ang Katorse.)

Words nothing but words

For me to show

How much my love for you unfolds..

Pagkatapos ng lahat ng masamang nangyari ngayong araw, ngayon na lang ulit ako napangiti.

Through trouble and fears

This love feels so real

And I need you to know..

Christian, mahal na mahal kita.

Even though we're far apart

You're right beside me in my heart..

 Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, mas lalo akong nahihirapan sa desisyong pinili ko.

Hindi ko na napigilan sa pagtulo ang mga luha ko.

Don't you know my love is here?

Don't you know my love is real?

You should know by now

This much is true

My love is here for you..

Nagulat na lang ako nang may yumakap sakin mula sa likod.

Christian.

 "Babe, I'm really sorry about today. Gusto ko talagang bumawi sayo, kaya eto. Sorry ganito lang. Gusto man kitang ilabas, kaso gabi na."

I turned around and hugged him. Hindi ko na siya tiningnan dahil ayokong makita niya na sobrang lungkot ko. Hindi ako nagsalita.

"Han, may problema ba?" He tried to break the hug just to look at me pero hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

"W-wala Chris." My voice broke. Nanghina ako kaya nakaya ni Christian na iharap ako sa kanya. Nakita nya tuloy na umiiyak ako.

"O Babe, bakit ka umiiyak? Ano ba talagang nangyari?" He brushed my tears away.

Umling ako. "No, Babe. M-masaya lang ako. S-salamat dito." Tinuro ko yung table. "S-salamat sayo. M-mahal na mahal kita." I couldn't stop my tears from falling.

He cupped my face. "Ssh..you deserve this. I love you so much. Kulang pa nga to e. Basta..dapat masaya tayo ngayon, okay? Wag ka na umiyak. I love you."

He kissed me lightly.

---

Kumain na kami at nagkwentuhan ni Christian habang nasa table. Sa tagal na naming magkasama, feeling ko di kami nauubusan ng kwento. Araw-araw, may bago. Hindi ako nagsasawang kausap siya.

Pagkatapos namin kumain, he asked me to slow dance with him. Sino naman ako para tumanggi?

I circled my arms around his neck, and he put his hands on my waist. We're just staring deeply into each other's eyes while dancing.

"Alam mo Babe, hindi ako magsasawang titigan ka." He pressed his forehead to mine.

"Hmm.. Ako din." I felt my cheeks flushed.

"Sana ganito tayo lagi. Masaya. Di na talaga ko makapaghintay na pakasalan ka."

Ako din, Chris. Hindi na rin ako makapaghintay. Pero alam kong di na mangyayayari yun kaya ang sakit-sakit.

I pulled him closer to me. "Babe.. Mahal na mahal kita. Alam mo naman yun diba?"

He nodded.

"Wag mong kakalimutan yun kahit anong mangyari. Ikaw lang yung mamahalin ko. Ikaw lang."

He grinned. "Babe, parang ang cheesy mo ngayong araw?" He kissed the tip of my nose. "Pero gusto ko yan." He laughed.

Mamimiss ko ang tawa nya na yun.

I smiled and moved closer to him.

One inch na lang siguro ang pagitan ng mga mukha namin. "E kasi....mahal kita."

And then I kissed him.

---

Our light kisses turned into deep ones. We're kissing passionately at hindi na namin namalayan, nasa loob na pala kami ng kwarto and still kissing.

I gave in to my burning feelings. Nung mga oras na yun, wala na kong ibang maisip kundi mahal na mahal ko siya at mahal niya rin ako at lahat kaya kong ibigay para sa kanya. Nakalimutan ko ang lahat-lahat...

And I knew right then, that would be the best night yet the saddest.

I'll be leaving in the morning. I'll be leaving him. And it kills me.

Christian Dy - EnrichOnde histórias criam vida. Descubra agora