Chapter 22: And we meet again.

519 6 0
                                    

Chapter 22

His POV

Pagdating ko ng Pilipinas, tinawagan ko kaagad si Mike - pinsan ko.

"Insan! Wait wait! Bago tayo umuwi tulungan mo muna ko. Tutal kasalanan mo naman to." Kasalanan? Kakarating ko lang may kasalanan na agad?

"Teka Mike, ano namang ginawa ko sayo?"

"E nambibigla ka kasi. Di mo sinabing magpapasundo ka. May dinner date dapat kami ng girlfriend ko ngayon e. Ayun, akala inindian ko siya dahil sa kung sinong babae. Masyadong selosa yun. Nag-away tuloy kami. Kailangan ko siyang puntahan. Baka iwanan ako, Insan. Ikaw ang sisisihin ko pag binreak ako nun!"

"Whoa whoa..slow down. Oo na sige na. Besides, I owe you for picking me up. San ba tayo?" Kahit may jetlag, pipilitin ko na lang sarili ko. Kawawa naman tong pinsan ko pag nagkataon. Ngayon pa lang yan nagseryoso sa babae.

"Sa photo studio ng kaibigan niya. Sigurado kong nandun yun. Dun siya pumupunta pag nag-aaway kami."

---

Her POV

"Big smiles, okay? 1..2..3.."

*click*

I looked at the picture, "Hmm, this is good. One more.."

"Hannah Christine Romualdez!" Sinong nakapasok ng photo studio at nang-aabala sa ganitong oras?

I turned to the door. Si Kate pala. "O Kate, anong ginagawa mo dito? Diba may dinner date kayo ni Mike?"

Binaba ko na ang camera ko at sinabi na sa model na tapos na ang shoot, then I went to Kate. Hindi maganda ang aura niya.

"Hannah. Parang namang hindi ka sanay sakin. Alam mo na kung bakit!" Ang init ng ulo ni Kate. Eto na naman, pumunta na naman siya dito sigurado para maglabas ng sama ng loob. May hindi pagkakaunawaan "na naman" sila ng boyfriend niya.

"Inom na lang tayo, friend!" Napakahilig talaga sa inuman. Walang pinagbago.

"Kate, you know I don't drink. Kay Mia ka na lang magpasama. Ganyan ka na lang lagi. Papahirapan mo lang akong ihatid ka sa bahay mo."

"E nung nag-away nga kayo ni Chr--ah I mean, natry mo na namang uminom dati, Hannah. One drink won't kill you." Oo, at di maganda ang kinahantungan nun. Nakatulog ako nang di ko namamalayan.

"No, Kate. Period. Sandali lang, tatawagan ko si Mia." I quickly dialled Mia's number pero cannot be reached siya. Nag-overtime na naman siguro. Napakaworkaholic talaga.

"Cannot be reached e."

Kate rolled her eyes. "Kaya nga ikaw na lang."

"No, Kate. How many times should I tell you? I-"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang may pumasok sa pinto. Ang dami namang nanggugulo sa studio ng ganitong oras. I turned around.

And my heart started beating again.

---- > Play Music

Christian Dy.

My Christian.

Nananaginip ba ko? Sana hindi. Ayoko nang magising.

Speechless ako nung nakita ko siya. Kasama nya si Mike - boyfriend ni Kate.

I can't believe na nandito na siya ulit sa harapan ko.

Hindi ako makakilos. Nakatingin lang ako sa kanya. Nang magtama ang mga mata namin, nahalata kong nagulat din siya.

Christian Dy - EnrichWhere stories live. Discover now