Chapter 24 - After heartbreak

Começar do início
                                    

Napangiti ako bigla. Hindi na siya galit sa akin.

Sa loob ng dalawang linggong walang pansinan, isang yakap lang pala ang kailangan para magkapatawaran kami.

Pero di bale na, maayos na naman kaming dalawa ni Daniel at pati na rin kay Kris.

Wala pang 5 minutes ay nakasakay na kami ng jeep.

*************

6:45am na kami ng nakarating sa ICCT ni Daniel. Hanggang sa loob ng campus ay ayaw niya bitawan ang kamay ko. Para bang natatakot siya na hindi mo malaman. Pinagtitinginan na kami ng mga kapwa namin students mula sa hallway hanggang sa 5th floor. Sinalubong namin kami ng tropa at agad na napatingin sa kamay ni Daniel na nakahawak parin sa kamay ko.

" Ang aga aga naman ng sweetness niyo. Mukhang nagkabati na kayo ah? " Pang-aasar ni Mhel.

" Pbb teens ba ang tema niyo? Haha. Si Daniel oh? Kinikilig. Hahaha " Pagdugtong ni Peter at lahat naman sila ay sabay nang tumawa. Napansin ko naman si Renz na nakatingin lang sa akin pero nakangiti siya.

Agad naman kaming pumasok sa loob ng classroom at naupo. Nagulat ako ng biglang tumabi sa akin si Daniel.

>///<

Namiss ko talaga siya. Kahit na nakaupo na kami ay ayaw paring bitawan ni Daniel.

Ano bang nangyayari sa kanya? Parang takot na takot siya? Napansin ko naman na sumesenyas sina Peter na tanggalin na ang pagkakahawak sa kamay ko at padating na ang Prof namin. Ayaw kasi ng Prof namin na sweet ang mga may couple sa time niya.

Aminado ako. Nakakailang din pala na may humahawak sa kamay mo ng ganon katagal at ang Buong klase ay nakatingin sa amin at ang iba ay pinagbubulungan na kami.

Nagpresinta na ako na maunang magsalita.

" Ahm. . Daniel "

" Oh? " Pagtataray niya.

" Yung kamay ko. Pakibitawan na. Kanina pa tayo pinagtitinginan oh? " Bulong ko sa kanya.

" Paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba? "

Naku naman oh! Naloko na! Inatake na ng pagtataray si Daniel! Pinipilit kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito. Dito na ako nag-umpisa magalit. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at humarap sa kanya.

" Bakit ba ayaw mo bitawan kamay ko ha! Gusto mo ba akong bumagsak kay Prof Punzalan ha!! " Sigaw ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko. Nakaramdam na ako ng sakit mula sa pagkakahawak niya.

" Ano ba, Daniel! Nasasaktan ako. Bitawan mo na kamay ko. " Pagpupumilit ko pero ayaw parin tanggalin.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 5 minutes na lang ang nalalabi at mag-start na ang Macroeconomics class namin.

" Kapag binitawan ko ito, alam kong mababalewala na naman ako. Kaya nga hinihigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay mo kasi gusto ko akin ka lang. " Sabi niya with a cold voice.

Nakaramdam ako ng kilig at tuwa sa sinabi niya although na galit na galit ako. Naghiyawan naman ang buong klase sa narinig. Yung iba ay kinilig at yung iba naman ay nainis.

Nahihiya man ako sa inaasal ni Daniel sa akin pero kailangang kalimutan ang nadarama para sa grades ko.

" Alam ko na ayaw mo na akong makitang nahihirapan at nasasaktan pero please Daniel, ayaw kong bumagsak kay Sir Punzalan oh? Bitawan mo na ang kamay ko. Hindi naman sa ganyang paraan mo ipapakita ang concern mo sa akin. Pwede naman sa ibang paraan huwag lang sa ganitong way. "

Thanks For The Memories (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora