"Nakaw na Sandali"

281 5 0
                                    


Ayoko mang ika'y titigan
Ngunit mata ko'y sadyang makasalanan
Kahit ibaling ko man sa iba ang aking paningin
Mga mata ko'y pilit binabalik ng hangin.

Puso ko'y lumulundag-lundag sa tuwa
Sa t'wing ika'y aking makikita
Kamay ko'y nais na hawakan ang 'yong mukha
Bibig ko'y may gusto ibulong sa 'yong tenga.

Ewan ko ba kung bakit?
Mga ngiti mo kasi ay kaakit-akit
Daig ko pa ang bubble gum kung dumukit
Mga paa'y di na magawang ihakbang kahit anong pilit.

Kahit sa nakaw na sandali
Nag-uumapaw sa tuwa ang aking sarili
Isipan ko'y palihim na naka ngiti
Sa sobrang kilig katawan ko'y tila nakukuryente.

Gusto sana kitang yakapin
Ngunit may pag-aalinlangan sa aking damdamin
Pintig ng puso'y gusto mang sundin
Isipa'y takot sa hakbang na gagawin.

Ano ba? Ano ba itong aking nararamdaman?
Nakakahiya tuloy kung iyong pakinggan
Tinitibok ng puso ko'y di maintindihan
Gusto kang ilipad at dalhin sa kalawakan.

-December 20, 2019   9:25AM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon