Chapter Three

3.2K 86 3
                                    

Two weeks had pass and I believe my English is improving. Joke. May mga words pa din naman na hindi ko alam, or maybe alam ko pero hindi ko alam gamitin into sentence.

Next month pa ako papasok sa school ni Alyssa since late na daw ang enrollment ko. Kaya tambay muna.

"So, what do you do in your spare time?" Biglang tanong ni Alyssa sa tabi ko. "Any hobbies?"

"Ah, pwedeng slow down sa pagsasalita? Hindi ko kasi masundan yung pananalita mo."

Shit. Nakakahiya.

"Oh. Sorry," napatawa siya ng mahina. "My bad." Bulong pa niya.

"Yes, your bad."

Uncle Andrei laughed half heartedly because of our conversation. Lumingon siya sa amin at tumitig kay Alyssa.

"We both know your tagalog is still straight, right?" sabi niya kay Alyssa.

"Yes, uncle Andrei."

"So, maybe, mix your words? English and Tagalog?"

Alyssa looked at me. "So, ano ngang ginagawa mo during your spare time? Like, any hobbies at all? For example..."

"Marunong kang mag tagalog? Why don't you just speak in tagalog instead of giving me a hard time?" Tanong ko habang nakatitig sakanya.

Namula ang mukha ni Alyssa. Kaagad siyang lumayo na nag pasimangot saakin. What did I do now?

"You spoke in English! Straight pa yun, Dennise!" Masayang sabi ni Myco sa harapan ng sasakyan.

"Nagbabasa kasi ako ng libro at dictionary sa kwarto. I learned a lot, I think?" Hindi ako sure sa last part. Did I said it right? "Ah! Yun nga, Alyssa."

Humarap ako sa katabi ko na biglang tumahimik. Hala. Baka nainis na.

"Sorry kanina. Hindi ko naintindihan yung tanong."

"Okay lang. Nasagot mo na." Sabi niya kaagad at saka ngumiti saakin. "So, you are coming with me, right?"

Bago pa ako makasagot ay huminto na ang sasakyan. "Okay, Alyssa, take care of Dennise." Sabi ni uncle Andrei at pinag buksan kami ng pintuan.

Alyssa wanted to hang-out with me daw. Kaya sasama daw ako sakanya kasama mga kaibigan niya.

She has two friends, yun ang nasabi niya saakin. Minsan lang kami mag-usap pero it's all about her friends which is okay lang naman.

Nang makapasok kami sa mall ay kaagad siyang nag tanggal ng jacket. Ginaya ko siya. Hinawakan ko ang jacket ko at saka siya sinundan sa isang itim na pintuan.

"Oh, you came! Hindi ka late ngayon ah?"

"Never naman akong nale-late ah?"

"Sus. The last time I checked, ikaw lagi yung late!"

Napatingala ako kila Alyssa at sa babaeng kausap niya. Maiksi ang buhok, at naka turtle neck na long sleeve. Tumingin siya saakin at ngumiti.

"Hello po, kuya." Bati ko at kinamayan siya.

Ang gwapo niya.

"Oh shit! Kuya!" Bigla niyang sabi. "Mukha akong kuya? What's your name? Type na kita! Sino to, Alyssa?" Tuluy-tuloy niyang tanong kay Alyssa pero saakin naman nakatingin.

Alyssa removed her friend's hand on mine and pull it on my side. She stand behind me. "Hands off my sister, Ara."

"Dude, this is your sister?"

"Sister? Kapatid mo?" Tanong ko din kay Alyssa. "No. Hindi kami mag kapatid ni Alyssa. Pamangkin siya ni tito Andrei which is boyfriend ng mom ko. And Dennise pala name ko." I explained. I looked at Alyssa who only nod her head.

"Victonara, call me Ara." Sabi niya at hinila ako para yakapin. "Hindi ako lalake. I'm a girl."

"Oh." Yun lang ang nasabi ko at saka humakbang palayo sakanya. Hindi niya iyon napansin nang may babaeng lumabas sa pintuan sa likuran niya.

"Babe," sabi ng babae kay Ara at hinalikan siya sa labi. Humarap siya saamin ni Alyssa. "Alyssa, you made it! And oh, with a girlfriend?"

"No. She is not my girlfriend. She is my sister." Sabi ni Alyssa pero hindi pa din nag patigil ang babae at hinila ako para yakapin.

Tumayo lahat ang balahibo sa katawan ko. Pakiramdam ko, nandidiri ako. I'm being hugged by a sinner.

"Hello. I am Shiela Pineda. Girlfriend ni Ara, best friend ni Alyssa."

"Oh. Hindi ako makahinga." Sabi ko at saka bahagya siyang tinulak palayo saakin. "Dennise nga pala."

"A pretty name for a pretty girl."

"Okay. Tama na. Leave my sister alone." Sabi ni Alyssa at pinaupo ako sa nag iisang upuan sa tabi ng couch. "Dennise, these are my friends, mag jowa nga sila. Ara and Shiela. They are the bestest friends, trust me."

Ngumiti lang ako sa dalawang babae sa harapan ko. Nag umpisa na silang mag-usap-usap. Hindi ko alam makisabay kaya nakinig nalang ako sa usapan nila.

Nalaman kong lesbian nga ang dalawa. Lesbian o tomboy, which is bawal sa pamilya namin.

"Kumusta naman ang Canada, Dennise?" Biglang tanong ni Ara. "Yung weather? Food? People? I don't know, anything?"

"Okay naman. Nasa bahay lang ako, nagbabasa ng libro to enhance my way of speaking English."

"Your little session in your house have paid off." Sabi niya ng nakangiti. "Why don't you let me teach you every after school? I'm a good tutor."

I've been asking my mom to teach me with my English kasi ang basic palang ng alam ko. Pero busy naman siya sa work. Myco found his own friends and I don't want to hang out with him. Kasi nga, ganun siya.

"Oh yes, Ara is a good tutor!"

"She is?" I asked Alyssa as we walked at the side walk. "How is it to be friends with lesbians, Alyssa?"

"What do you mean, how is it?"

"I don't know. Kasi hindi pwede yung ginagawa nila."

"Anong ginagawa nila?"

"Bawal ang babae sa babae sa bibliya." Mabilis kong sabi at saka naglakad palayo sakanya. "Huwag nalang natin pag-usapan."

Nakakahiya. Bakit ba hindi nalang ako umalis kanina nung makita ko palang yung mga kaibigan niya? Bakit ba ako nag stay?

Kailangan kong magdasal at ipag-dasal ang mga tao sa paligid ko.

Our FightWhere stories live. Discover now