CHAPTER 16.2

19K 404 3
                                    

STACEY was so confused. Ang alam niya ay mayroon silang taping ngayon sa isang abandonadong warehouse sa Cavite. Hindi siya tinawagan ng PA niyang si Mocha nang araw na iyon kaya siya na mismo ang nagkusang pumunta.

She found that warehouse empty. Mukhang hindi nasabi sa kanya na wala silang taping. But how come? Siya ang lead actress ng series na iyon. Dapat siya ang unang ini-inform!

Madilim sa loob ng warehouse. Nagsisimula na rin siyang matakot. Paano kung may nagtatago palang serial rapist doon? O kaya mga adik? O kaya kahit sinong pwedeng manakit sa kanya? She was so alone. Dios mio. Kung anu-anong nai-imagine niya. Sana pala ay naging manunulat na lang siya.

She was walking her way out of the creepy warehouse when someone from behind grabbed her and cover her mouth. Gusto niyang magtitili ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng estranghero sa bibig niya.

Nang sa wakas ay makawala siya sa lalaki matapos niyang gamitin ang mga natutunan niya sa self-defense ay bigla itong tumakbo papunta kung saan. Her body was so sensitive now. Mabuti na lang at hindi siya nito nagawan ng anumang masama. Hahabulin niya sana ito nang biglang bumukas ang mga ilaw.

Great. What the hell was that?

Nilingon-lingon niya ang paligid. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang mga staff and crew ng "Agartha." All were clapping loudly. May ilan pang napasipol. Her eyes looked for Mocha. Nang masentrohan ng mga mata niya ang PA niyang magaling ay nag-two thumbs up pa ito.

"Ano ba 'to?" malakas niyang sabi sa mga nakapalibot sa kanya.

Kung prank ang ginawa ng mga ito sa kanya ay hindi siya natutuwa. Sisiguraduhin niyang makakarating sa mga big boss ng TV network ang ginawa ng mga ito sa kanya. She almost had a heart attack, for Pete's sake!

Imbis na sagutin ay nagtilian ang mga ito. Lahat ay nakatingin sa likuran niya. Nang lingunin niya ang pinagkakaguluhan ng mga ito ay nanigas ang buong katawan niya. In front of her was a man standing more than six feet. He had a tan skin complexion. His body was hard and well-built. His face was perfectly made by all the gods she knew. His aura was exceptional. His eyes could take off any woman's clothes. He was oozing with sex appeal. The scent coming from him was also mesmerizing.

"H-Hades..."

Hades smiled at her, tickling her hormones. Nakatingin ito nang diretso sa mga mata niya. Hawak nito sa isang kamay ang isang bouquet ng red roses at nakahawak naman sa mikroponong may stand ang isa.

It was just weeks ago when he left, pero pakiramdam niya ay limang taon niya na naman itong hindi nakita. Her heart was leaping out of her chest. She knew she must be mad by this time but she could not. Paano niya paiiralin ang galit gayong mas nananaig ang pagka-miss niya rito? Ni sa panaginip niya ay kasama niya pa rin ito.

Before she could say anything, bigla na lang may tumugtog sa background. And before she could blink her eyes, Hades began to sing his version of Justin Bieber's "Sorry."

"You gotta go and get angry at all of my honesty. You know I try but I don't do too well with apologies," umpisa nito sa kanta.

Walang humpay ang tilian ng mga tao lalo na nang mas lumapit pa ito sa kanya. Wala naman sa sariling tinanggap niya ang bigay nitong bulaklak. Oh, how she missed this man in front of her.

Habang mas lumalapit ito sa kanya ay mas lumalalim naman ang kanyang paghinga. Bukas, laman na sila ng balita sa buong mundo. Pero wala siyang pakialam. Mas nangingibabaw ngayon ang pagwawala ng sistema niya.

Hindi rin niya maipaliwanag ang lahat. Paanong naroon na ito ngayon sa harap niya? Dalawang linggo lang ang nakakaraan nang tawagan siya ng personal assistant nito. She said he would never come back again. Pero ano na naman ba ito? Dapat ba siyang matuwa? Magalit? Umiyak?

She needed answers. Lalo na ngayong tumatambol ang puso niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Maybe she was overwhelmed. O baka kinikilig siya. Hindi niya alam.

"Is it too late now to say 'sorry'? 'Cause I'm missing more than just your body." Walang anu-ano'y hinapit siya nito sa baywang.

Natilihan siya. Halos magwala ang hormones niya nang muling magdikit ang kanilang mga katawan. Kung wala lang sigurong ibang tao ay baka kung ano nang kalokohan ang ginawa niya rito. Oh how she missed his warmth and his strong, hard body.

"Yeah I know that I let you down. Is it too late to say I'm sorry now?"

He was about to sing another part of the song but instead, he pulled her closer and occupy her lips with his. They shared a passionate kiss in front of all the people watching and filming them with their phones.

Kusa siyang napapikit nang maramdaman niya ang hagod ng mga labi nito sa kanya. She was longing for that kiss. And honestly, there was no other man like Hades that she would love to kiss all over again.

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay masuyo rin siya nitong hinalikan sa noo. "We'll talk about everything later okay? I'll explain what happened when I was at LA."

Tango na lamang ang naisagot niya. Nang yakapin siya nito ay nagpalakpakan muli ang mga tao sa paligid. They were cheering loudly. Bukas, alam niyang laman na sila ng lahat ng headline sa America, dito sa Pilipinas at sa iba't ibang panig ng mundo.

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkDonde viven las historias. Descúbrelo ahora