CHAPTER 2.1

25.5K 531 2
                                    

"SO YOU SLEPT with my son."
Isang kibit-balikat ang isinagot ni Stacey sa tanong na iyon ni Ramon Riva, ang may-ari ng agency na may hawak sa kanya. He's Razor's father.
Mali. Hindi naman iyon tanong kundi isang deklarasyon. Deklarasyong ng pagpapasaway niya at ng anak nito. Wala namang magbabago kung ipagtatanggol niya ang sarili. She knew the old man knows everything about his unico hijo.
Sino nga ba'ng mag-aakala na ang pamosong may-ari ng Riva Agency ay pasikretong nagpo-provide ng escort sa mga high-end na tao sa bansa?
"He requested," kaswal niyang sagot bago pinag-krus ang mga binti.
Naroon siya ngayon sa opisina nito. He called her earlier to discuss an important matter.
"You know I don't want you to do things that could damage your career. What if someone saw you with my stupid son? At alam mo namang nagre-recover pa ako sa ginawa ng palpak na 'yon kay Jen," litanya pa nito.
She secretly rolled her eyes. Kung mayroon man siyang isang attitude na masasabi, iyon ay ang pagiging iritable sa tuwing pinag-uusapan ang kahit anong pagkakamali niya. She had enough.
"That would be the last, Mr. Riva. Now, can we go straight to work? Anong importanteng bagay 'yung kailangan mong sabihin?" Sinadya niya nang ilihis ang usapan.
Napabuntong-hininga na lamang ito bago nagsalita. "Alright. I received a call. An offer. You'll be an escort for a month... A month or two to be exact."
"A month?" Naguluhan siya. Sino naman ang may gusto ng ganoong setup? "Please discuss the details. Hindi ba 'to trap ng authorities? Sigurado ka ba diyan?"
Pumalatak ang kausap. "Of course I'm sure about this. And the authorities? You know Razor's uncle, my cousin is DOJ secretary."
Humalukipkip siya. Iyon lang ang unang besed na may narinig siyang gustong kumuha ng escort for more than a month. Men could ask for a week, naranasan niya na iyon. At thrice lang naman talaga silang nagkita sa isang linggo.
"Hindi basta-basta ang nagre-request sa 'kin, Stacey. One of the best Hollywood singers. His manager is asking for the finest lady I could offer," pagpapatuloy ni Ramon. "And I believer that you're the best choice. We're talking about millions here."
Maang siyang napatitig sa kausap. Hollywood singer?
"He'll be having a vacation in his private resort at Palawan and you'll stay with him until he left the country to go back to States."
"Sino ba siya?" She was shocked and nervous at the same time.
Ngumiti ang matanda. Ngiting masaya dahil sa pera. "You'll meet him soon. So, are you going to say 'yes' for this project?"
Maang na lang siyang napatango.
"Good. He'll be here by next week. Friday to be exact. Go to the gym and tone your body. Isi-send ko na lang sa 'yo ang contract and innitial deposit." Iyon lang at d-in-ismiss na siya nito.
Wala sa sariling lumabas siya sa opisina ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon. Kakabahan? Matatakot? Matutuwa? Mae-excite?
All of the above na yata ang sagot niya. It'll be the first time. And she wasn't sure if she can handle being with a man for a month. She used to live on her own eversince everyone treated her like a rag.
She called her cousin, Pria. Pria was the only person na pwede niyang pagkatiwalaan at tanging pinagkakatiwalaan niya. They were bestfriends since elementary, and they were both beautiful. They were both born to be displayed. Ang kaibahan lang, her cousin was more conservative. Miss World-Philippines 2016 and Miss World-1st runner up. Kumbaga, mas pino ito. Mas refined. Mas matatawag na babae. Hindi gaya niya na maraming maruruming sikreto sa buhay.
"Hello, Pria?" bungad niya nang sagutin nito ang tawag.
"Staceyyy!" tili nito. "Na-miss kita. Bakit ngayon ka lang nagparamdam?"
"Samahan mo akong mag-shopping. Ang dami kong kailangang ikuwento sa 'yo."

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkМесто, где живут истории. Откройте их для себя