CHAPTER 6.2

18.1K 406 3
                                    

NARINIG ni Hades ang pagpalakpak ni Stacey matapos i-apply ng babae ang huling press powder na hawak-hawak nito.

Almost an hour na silang nagkukulong sa kwarto ng dalaga para "ayusan" siya at gawing "normal" na mangingisda. Dumating na rin si Mang Waning ten minutes ago na magsisilbi nilang bangkero sa pagtawid patungo sa Balabac main island. Tinawagan niya ito kanina at sinabing mamimili lamang siya ng pagkain. Sa una ay ayaw pa nitong pumayag sa takot na malagot sa manager niya pero sadyang matigas ang ulo niya at alam niyang hindi ito magpapatalo.

"Tapos na!" masayang anunsiyo ng babaeng nasa harap niya.

Nagmulat siya nang mga mata. Pakiramdam niya ay may show siya ngayong gabi dahil tambak na naman ang foundation sa mukha niya.

"Hindi na ba ako gwapo?" birong tanong niya nang tingnan ang dalagang ngiting-ngiti habang nakahalukipkip at hawak pa sa isang kamay ang press powder na ginamit sa kanya.

Kunwari ay nag-isip ito. "Well, you still look handsome. But you totally look different. Mukha ka na talagang island boy. Medyo nahirapan lang ako. Tingnan mo kaya sa salamin."

Walang pag-aatubili niyang sinunod ang suhestiyon nito. Napangiti siya nang makita ang repleksyon sa salamin. He looked different indeed. Malaking tulong din ang suot niyang outfit ng mangingisda na hiniram pa nila sa damitan ni Mang Waning sa tinutuluyan nitong kubo sa likod ng mansiyon kapag wala siya.

Now, he looked so common and natural. Maging ang mga kuko niya ay pinagmukhang madumi ng babae. Pinagsuot din siya nito ng bull cap para makasiguro pa ring walang makakakilala sa kanya. Kung paano iyon nagawa ni Stacey sa kanya ay hindi niya alam.

Nang sipatin niya ito ay napangiti siya lalo. Ngayon niya lang na-realize na ibang-iba na rin ang hitsura nito. Pinaitim nito nang husto ang sarili. Pinatigas at sinabog nang kaunti ang malambot na buhok. Nagsuot lang din ito ng maluwang na t-shirt at pedal shorts na hiniram nito sa kanya.

"Ready ka na?" He could feel how excited she was. At hindi niya maitatanggi na ganoon din siya sa mga oras na iyon.

Lumapit siya rito. He touched her face and without a word, he gave her a sweet French kiss. Nanigas ito mula sa kinatatayuan hanggang sa maramdaman niyang unti-unti na itong tumutugon sa mga halik niya.

He explored her mouth with his naughty tongue. She tasted sweet as always. Kung siya ang tatanungin ay gusto niyang doon na lamang sa isla manirahan kasama nito. He would love to smell her natural scent in the morning and hear her moans at night.

Hindi niya na napigilan ang mga kamay nang kusa iyong maglakbay sa mga dibdib ng babae. Her tender breasts were always very proud and ready to be touched. Napaungol na lamang ito nang isiksik niya sa ilalim ng suot nito ang kamay. Marahan niyang pinisil-pisil ang utong niyon.

"Hades!" she exclaimed when she got a chance to escape from his mouth.

Pinalis nito ang kamay niya. "Mamaya mo na ako parusahan sa ginawa ko sa 'yo. Naghihintay na si Mang Waning sa labas."

Napakamot siya sa batok at napahawak sa bukol ng kanyang suot na kupas na pantalon. "Look, galit na 'tong alaga ko."

Natatawa nitong inikot ang mga mata sa ere. "Mamaya. Siya mismo ang magsasawa sa pag-explore."

"Fine, fine," pagsuko niya. Hindi niya rin naman gusto ang quickie. He wanted a sizzling sex with his beautiful partner.

Muntik na siyang masamid nang dahil sa huling salitang pumasok sa utak niya. Partner? He must be crazy.

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkOnde as histórias ganham vida. Descobre agora