CHAPTER 4.1 (SPG Level: 2.5)

30.5K 511 9
                                    

STACEY woke up with a very fresh feeling. Ang halik ng liwanag na nagmumula sa haring araw ang gumising sa kanya, kasabay ng marahang hampas ng mga alon mula sa dalampasigan na naririnig hanggang sa loob ng kanyang kwarto.

Naupo siya at nag-inat. Noon lamang yata ulit siya nagising nang ganoon kaganda. Pakiramdam niya ay isa siyang gadget na fully-charged na siguradong active na active sa buong maghapon.

She hopped out of her bed and excitedly removed the curtains. Gusto niyang makita ang magandang view na ibinibigay ng isla. At hindi nga siya nabigo dahil mula sa kwarto niya, tanaw na tanaw niya ang luntiang paligid, naggagandahang mga bulaklak, at ang sumisilip na karagatan mula sa hindi kalayuan.

Masaya siyang bumalik sa kama. Kinuha niya ang phone mula sa ilalim ng unan at saka bumalik sa bintana. It was a perfect time to capture the beauty of nature. Matapos ang ilang shots ay nakangiti siyang tumungo sa built-in closet ng kwarto kung saan niya inilagay ang mga damit niya. She reached for her red two-piece string bikini and headed towards the comfort room. Saglit pa'y tapos na siyang mag-brush, maghilamos at magpalit. Kumuha rin siya ng scarf na ipantatakip man lang sa katawan.

Nagmamadali siyang lumabas. Ni hindi niya na naalala na hindi niya iyon bahay, at na hindi pa siya nag-aalmusal. The child inside her was craving for the salty water and fresh air. Ilang hakbang lang ay nakarating na siya sa dalampasigan.

Napatili siya sa tuwa nang maramdaman niya ang paghampas ng banayad na alon sa kanyang mga binti. Oh, how she wished she owns an island, too. She really loved going to the beach and splunge into the sweet salty water.

She found herself laughing. Kung may makakakita siguro sa kanya ay iisiping nababaliw na siya. Pero ano ba ang magagawa niya? Masayang-masaya siyang magtampisaw sa tubig-dagat. Hindi niya na matandaan kung kailan siya huling pumunta sa isang beach para mag-relax at hindi para mag-photoshoot.

"This is quite fun!" she exclaimed, talking to herself.

"What a nice view."

Biglang naglaho ang lahat ng ngiti sa mga labi niya nang maulinagan niya ang isang baritonong tinig mula sa kanyang likuran. Napalitan iyon ng kaba... at ng kakaibang pakiramdam.

Dahan-dahan siyang lumingon sa dalampasigan kung saan nanggaling ang tinig. Ang pilyong ngiti mula sa mga labi ni Hades ang una niyang nabungaran. Hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya lalo pa't ni hindi man lang siya nagpaalam dito na magtatampisaw siya sa dagat. Ito ang may-ari ng islang tinatapakan niya. Ito ang dahilan kung bakit naroon siya pero halos kalimutan niya na ang existence nito.

"S-Sorry. Nakalimutan ko nang magpaalam sa 'yo. I got too excited," hinging-paumanhin niya.

Hades shook his head. "It's okay. You can do whatever you want in this island. Wala namang ibang tao. Wala namang ibang makakita ng ganyang biyaya kundi..." pinutol pa nito ang sasabihin bago siya pinasadahan ng tingin. "Kundi ako lang."

Hindi niya alam kung alin ang unang nag-init sa kanya nang dahil sa sinabi nito, ang pkaibuturan ng pagkababae niya ba o ang pisngi niya. Damn. Sinisimulan na naman siya nito. Pagkatapos ay bibitinin na naman siya sa ere.

Bibitinin? tudyo ng isang maharot na bahagi ng utak niya.

"Mind if I join you?"

Noon niya lamang napansin na naka-trunks lang pala ito. He was letting her see the perfectness of his body. The man was such a god! His lean, angular face could deceive millions of women if he wanted to. His body is oozing with sex appeal. At ang bukol sa gitna ng trunks nito? Goodness. Hades Vaughn was the greatest of them all!

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkDonde viven las historias. Descúbrelo ahora