CHAPTER 9.3

16.1K 362 6
                                    

HALOS mabali na ang leeg ni Stacey sa kakalingon sa mga taong nilalampasan nila. Naroon sila ngayon sa Puerto Princesa. Dinala siya roon ni Hades sa tulong ni Mang Waning. Hindi na nito sinubukan pang gamitin ang yate dahil alam nitong mas lalo silang makikilala sa lugar kung makikitang lulan sila ng sasakyang-pandagat ng binata na nagkakahalaga ng milyones.

Gusto raw nitong magtungo sa mga mall doon kaya naman madaling-araw pa lang ay umalis na sila dahil may kahabaan ang travel time mula sa private island nito patungong Puerto Princesa. Naka-disguise na naman sila.

Ang hindi niya maintindihan, pakiramdam niya ay may mangilan-ngilang tumititig sa kanila. Hindi kaya nakikilala na ng mga tao si Hades?

"Relax," bulong ni Hades nang makita kung paano manlaki ang mga mata niya dahil kailangang tanggalin ng lalaki ang suot na bull cap at shades pagdating sa entrance ng mall.

Hindi na sila mga mukhang gusgusin gaya noong una silang mag-disguise. Malaki ang tyansa na makilala sila—lalo na si Hades—ng mga tao.

Mabilis niyang ipinabalik ang cap. "For Pete's sake, ikaw si Hades Vaughn!" pabulong niyang saway.

Sa halip na patulan ang pagiging paranoid niya ay kinuha nito ang kamay niya at ikinulong iyon sa kamay nito. Kahit naiinis tuloy, hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig.

"Tapos na 'yung period mo, 'di ba?" bulong nito sa kanya habang naglalakad sa loob ng mall. "Papausin kita mamaya sa kakasigaw sa pangalan ko para hindi na mainit 'yang ulo mo."

Nag-init ang magkabilang pisngi niya. Kung sa kabilang street lang siguro ang mansiyon ng lalaki ay kakaladkarin niya na ito pabalik doon. Isang linggo siyang hindi nadiligan nang dahil sa period niya kaya naman sabik na sabik na ulit siya sa pagsasaluhan nilang gabi sa mga susunod.

"Hades, ano ba," bulong na lang niya.

Naglibot muna sila sa SM Puerto Princesa. Bumili siya ng ilang bagong damit nang mapadaan sila sa mga nadaanan nilang boutique. Ilang beses siyang pinilit ni Hades na ito ang magbabayad pero tumanggi siya. May sarili siyang pera. Ayaw niyang magmukhang babaeng nanghuhuthot lang ng pera sa mga mata ng lalaki.

Nasa Aldo boutique sila para tumingin ng mga bag at sapatos nang lapitan sila ng isang sales staff doon.

"Pwede pong magpa-picture?" tanong ng bagitong staff.

Namutla siya sa narinig. Shit. Iyon na nga ba ang sinasabi niya. May makakakilala pa rin sa kanila anumang pagtatago ang gawin nila.

"Kayo po si Miss Stacey, 'di ba? Lagi pong viral ang mga picture niyo sa Facebook." Lumapit pa ito nang kaunti at halos pabulong na dinugtungan ang sinabi. "'Tsaka siya po si Hades Vaughn 'di ba?"

"Nagkakamali ka lang," tugon niya na pinipilit ngumiti at maging kalmado.

Lumapit si Hades mula sa tinitingnang sapatos. "What's the matter?"

"Honey, gustong magpa-picture ng staff. Napagkamalan tayong celebrity. Kamukha mo raw si Hades Vaughn," aniya bago kumapit nang mahigpit sa braso nito.

He realized what was happening. Ngumiti ito at nakisakay sa palusot niya. "Ang gwapo ko pala. Napagkakamalan akong singer. Pwede ka namang magpa-picture sa 'min kaso hindi authentic na Hades Vaughn 'tong mukhang 'to."

Matapos ang tatlong selfie shot ay halos kaladkarin niya na si Hades palabas sa boutique na iyon.

"We have to go now. This is dangerous. Baka kumalat sa social media 'to," natitilihan niyang babala.

Kibit-balikat lang ang lalaki. To her surprise, parang wala lang dito na pagpipiyestahan sila ng mga netizen anumang oras.

"Don't mind them, baby girl." Muli nitong ginagap ang kamay niya. "We're here as tourists."

"Bakit parang hindi ka man lang affected? Pa'no kung masira 'yung career mo?"

He cupped her face and kissed her forehead. "It doesn't matter. Ang tagal ko nang pinipilit umayon sa gusto ng lahat. I just want to enjoy my life now. Music ang kini-cater ko, hindi personal na buhay."

She couldn't protest anymore. Hindi niya kasi maintindihan ang sarili niya. Ayaw niyang maeskandalo, pero gusto niya ang sinabi ng lalaki. Gusto niya rin ang ideyang malalaman ng lahat na may namamagitan sa kanila.

Ang hindi niya lang alam, kungano nga ba ang "meron" sa kanilang dalawa.    

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkWhere stories live. Discover now