CHAPTER 2.3

22.9K 520 10
                                    

TAHIMIK na nage-empake ng mga damit si Stacey. Inipon niya ang lahat ng sexy pencil-cut dresses, lingeries at bikinis na nasa closet niya kasama na rin ang mga napamili niya nang magpunta sila ng pinsan niya sa mall. Sinikap niyang mapagkasya ang mga gamit sa maleta.
Isinalansan niyang mabuti ang mga damit at toiletries. May dala rin siyang limang bote ng sunblock. Mahirap na. Hindi niya gustong maging kulay tutong kapag natapos na ang kontrata niya.
Napabuntong-hininga siya. Napaka-uneasy sa pakiramdam. Bukas, nasa Palawan na siya. Nasa isang private island kasama ang isang sikat na Hollywood singer na hindi niya pa nga alam kung sino.
Bakit kaya ito magbabakasyon sa Pilipinas? Bakit dito? Bakit kailangan ng babaeng gaya niya? Kung sikat ito, malamang ay ito ang hinahabol at kinababaliwan ng mga babae. Gaya nina Justin Beiber, Charlie Puth at kung sinu-sino pang mga gwapong singer sa US.
Kunsabagay. Iwas-eskandalo. May kontrata. May panghahawakan. Hindi nga naman biro ang maging isang Hollywood idol na binubuntutan lagi ng mga paparazzi. She knew how paparazzis work dahil may kilala siyang kilalang paparazzi sa Amerika.
Somehow, it was nice to know na siya ang "masuwerteng" babae na makakasama nito sa pagbabakasyon. Her fee was 8 digits. Na-deposit na ang 50% sa account niya. Napakalaki na rin kung tutuusin. As far as she remembered, huli siyang nakakita ng gano'n kalaking halagang nakasulat sa isang tseke ay nang punitin iyon ng mommy niya sa harap ng babaero niyang ama.
Base rin sa kontratang pinirmahan niya kay Mr. Ramon, sigurado naman siyang hindi siya dehado. At hindi rin siya papayag kapag nagkataon.
Sa sandaling matapos niya na ang kontrata at makabalik na sa Manila, desidido na siya.
That would be the last.
She have saved enough money for her future. She have saved enough for business. Isa pa, itutuloy niya pa rin ang pagmo-model.
Sa full payment na makukuha niya sa huling transaction niya, sigurado siyang makakapagsimula na siya nang maayos na business. Hindi kalakihan pero sa tamang pagma-manage, she was pretty sure na mapapalago niya iyon.
Patapos na siya sa pagsasalansan ng gamit nang aksidente niyang matapunan ng tingin ang nakataob na picture frame sa tabi ng lampshade matapos niyang kunin ang isang bote ng pabango. Wala sa sariling dinampot niya iyon.
She saw a beautiful photo of a family. A family that she once had. She was once a five year-old little princess sitting on his father's lap, smiling beside her mother.
Parang nangulimlim ang puso niya. Hindi bumigat ngunit hindi rin natuwa. Nablangko ang isip niya. Bumabalik sa alaala niya ang lahat ng luhang inubos ng sarili niyang ina. Naalala niya ang huling halik ng kanyang ama sa noo niya bago nito sabihing "Magpapakabait ka."
"You must be fucking happy now, Dad." Pinahid niya ang mga luhang biglang naglandas sa magkabila niyang pisngi. Pinakatitigan niya ang litrato. "Mom's gone. At wala kang inakong responsibilidad. She did her best to send me to school. To feed me. Unlike you. You only care about your itchy dick."
Her mom and dad separated when she was young. Her mom was a beauty queen and her dad was a young businessman-slash-womanizer. Stacey saw how her mom slowly lost everything. Naging plain housewife ito. Nalosyang.
All for her stupid father.
Hindi niya rin makakalimutan nang tuluyang maghiwalay ang mga ito. Wala siyang nakakalimutan ni anumang scenario hanggang sa mga oras na iyon.
Kakauwi lang nila ng mommy niya mula sa paggo-grocery sa supermarket. Plano pa sana nilang dalawang manood ng sine dahil showing ang favorite niyang animated movie pero nagyaya na ang mommy niya na umuwi. Nag-aalala kasi ito sa daddy niya. Her father refused to go with them dahil masama raw ang pakiramdam nito.
To her surprise, wala ang daddy niya nang umuwi sila sa bahay. Her mom was silent all that time, but she knew something was off. She saw how her mom used its phone to track something. Pagkatapos ay hinaltak na lamang siya nito pabalik sa kotse. Two to three kilometers away from their village, pumarada sila sa harap ng isang motel.
Her mom forgot about her. Nagmamadali itong sumugod. Nagtanong sa receptionist. Halos umaangil na.
Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sariling katabi ang ina, nakatunghay sa hubad na katawan ng ama habang sinasakyan ng isang magandang babaeng wala ring saplot.
Buong lakas na ibinato ng mommy niya ang hawak nitong phone sa ulo ng babaeng walang-awang sinisira ang pamilya nila. Sapul sa ulo ang babae at maang na napatingin sa kanila, hawak-hawak ang ulong tinamaan ng awditibo. Doon lamang sila napansin ng baboy niyang ama. Akmang lalapit pa ito sa kanila nang batuhin naman ng mommy niya ang daddy niya ng pouch nito. Nasapul naman ang ari ng ama niya. Bumagsak ito sa sahig at namilipit.
She was very young, but she saw all of those scenarios. Ni hindi tinakpan ng sarili niyang ina ang mga mata niya. At a very young age, she found out how cruel, unfair and lustful the world was.
Napatingala siya nang ilang segundo at pagkatapos ay muling ibinalik ang paningin sa lumang larawang hindi na nasundan pa kailanman.
"Never ever trust a man, Anastacia. Play with their hearts before they get a chance to play with yours. Whenever you're in a situation wherein you have to choose whom to follow, between your heart or your brain, choose the latter." Iyon ang lagi niyang naririnig sa ina hanggang sa mga huling sandali nito bago gupuin ng cancer.
That's why there she is now. Enjoying men's body and company without the fear of being trapped in love.

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkWhere stories live. Discover now