CHAPTER 8.2

17.8K 378 5
                                    

"HOW DID YOU LEARN to bake? This one's the best," satisfied na sabi ni Hades matapos matikman ang mango symphony na b-in-ake ni Stacey kani-kanina lamang.

Hindi siya nag-aksaya ng panahon nang sabihin ng babae na pwede na nila iyong tikman. Ang akala niya kasi kanina, once na ma-bake na ay diretso na iyong makakain. Kailangan pa palang ilagay sa refrigirator. Ano ba ang alam niya roon? To hell with baking!

He was not a fan of sweets at all. Endorser pa siya ng isang mamahaling bakeshop sa America. Pero ang cake lamang na gawa ni Stacey ang gusto niyang lantakan. Humahabol ang sarap nito sa mga natitikman niya sa US.

She would always be his favorite person to be with. Magaling magluto, malambing, at bonus na magaling pa sa kama.

"Last year lang din ako natuto. Nu'ng niyaya ako ng pinsan kong si Pria na mag-aral ng baking," tugon ng babae bago isinubo ang isang malaking piraso ng cake.

Naroon sila ngayon sa terrace at pinagsasaluhan ang matamis nilang miryenda. Sabay nilang pinapanood ang mga banayad na hampas na alon at ang paglipad ng mga ibon sa himpapawid.

"You know what? My mom used to bake pastries for me when I was a kid. 'Tapos 'di ba rito sa Pilipinas, uso ang siyesta? Hindi ko makakain ang baked cookies or sweets niya kapag hindi ako natulog sa tanghali," natatawa niyang kwento habang sinasariwa ang mga masasyang alaala niya kasama ang yumaong ina. "Pero siyempre hindi ako magpapatalo. I would sneak and get some before going to bed. Minsan, nahuli niya ako. Ipinakain niya sa lahat maliban sa 'kin 'yung miryenda ko."

Natawa si Stacey sa kwento niya. Ngayon niya lang ito natitigan ulit habang tumatawa. She looked so gorgeous with her beautiful set of teeth. Her smiles and laughs were good enough source of energy and happiness.

"Ang takaw mo pala. Kaya pala na-issue ka sa Mexico last year na may 'Dad Bod' ka na raw," pang-aasar nito habang panay ang tawa. "Hindi ko ma-imagine kung anong hitsura mo habang nakikita mong kinakain ng iba 'yung pagkain mo nang dahil sa kakulitan mo."

Napangiti na rin siya. "Grabe. Halos wala rin naman kaming pera noon pero na-realize ko lately na ibinibigay pa rin ng mom ko 'yung best niya para matikman namin 'yung mga masasarap na pagkain."

Sumeryoso nang kaunti ang mukha nito. Inilapag nito sa coffee table sa harap nila ang hawak na platito. "You never told me about how hard your life was. Napanood ko lang sa isang interview mo 'yung tungkol sa naging buhay niyo. Tumira kayo sa isang abandoned zoo!"

May halong pait ang ngiting naging tugon niya. Hindi niya makakalimutan iyon. Hindi niya makakalimutan kung paano sila nabuhay na para ring mga hayop. Naghahanap ng makakain sa bawat araw. Nabubuhay sa mga tira-tirang pagkain mula sa mga kapitbahay na nagmamagandang loob.

"That was one of the toughest parts of my life, Stace," tugon niya bago muling kumain ng kapirasong cake. Nagbabakasakali siyang mababawasan ang pait ng nakaraan sa tamis ng pagkaing nasa harap niya ngayon. "Na-bankrupt ang maliit na negosyo. Nabaon sa utang. Na-ilit ng bangko ang bahay... Akala ko noon, hindi ko na mararating 'yung lahat ng meron ako ngayon."

"Kaya ba ipinagpalit mo ang lahat para lang sumikat?"

Napatitig siya sa babae. Seryosong-seryoso na ang mga mata at anyo nito. Hinahanap ang sagot sa mga mata niya. Isang tanong lang 'yon pero pakiramdam niya ay pina-recite sa kanya ang isang buong libro gaya ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal.

"Yeah." Iyon lang ang lumabas sa mga bibig niya. Matapos ang ilang saglit ay dinugtungan niya rin iyon. "I had to make a choice. I had to choose what's best for my family. Kaya kahit maraming bagay ang nawala sa 'kin, masaya ako na naibigay ko pa rin ang magandang buhay sa parents ko, lalo na kay mommy. Bago man lang siya nawala, naiparamdam ko sa kanya kung paano mabuhay nang walang pinoproblemang utang."

He stared at her serious face for a moment. Hindi niya na ma-distinguish kung ano bang nararamdaman nito sa mga sandaling iyon. But for a moment, he also found out how beautiful she was. Through the years, women would start to have wrinkles and dull skin. Pero si Stacey? The woman was glowing. Para itong rosas na nasa kalagitnaan ng pamumukadkad.

"You're so gorgeous," wala sa sariling nasabi niya rito.

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. And that was so cute, lalo na nang mamula ito na parang isang teenager.

He scooped a small amount of icing from the top of the cake using his index finger. Bigla niya iyong ipinunas sa ilong nito. It was to erase the serious atmosphere between them. Halata namang nagulat ang dalaga, kasunod ang isang nagbabadyang tingin.

"How dare you—"

Hindi na nito tinapos ang sasabihin. Bigla na lang din itong kumuha ng icing at ipinunas sa pisngi niya.

"Hey!" natatawa niyang sita sa babae.

Kumuha ulit siya ng icing. Higit na mas marami kinuha niya at ipinunas iyon sa mga labi nito. Napakalakas ng tawa niya habang inis na inis naman itong dumukwang para punasan siya sa baba.

Hinuli niya ang mga kamay nito. He then pulled her closer and cleaned the mess on her mouth using his own. In just a snap, they were already French kissing.

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkWhere stories live. Discover now