CHAPTER 14.2

16K 396 6
                                    

TINITIGAN ni Stacey ang pangalang nag-register sa phone niya. Naroon siya ngayon sa gym at katatapos lang mag-work out nang mag-ring ang cellphone niya. When she checked it, nakita niya ang pangalan ni Sid. Nang huli itong tumawag ay s-in-ave niya ang number nito.

"Hindi mo ba sasagutin 'yan?" tanong ni Pria na umupo sa tabi niya. Mukhang tapos na rin itong magg-work out.

"For what? Hindi na mamatay-matay ang issue namin ni Hades, tapos wala pa ring tigil 'tong Sid na 'to. Hindi ko alam kung ano pa bang gusto niya." Pinunasan niya ang sariling mukhang naliligo na sa pawis.

Nagkibit-balikat si Pria. "If I were you, sasagutin ko. Baka importante 'yan, Couz."

Napabuntong-hininga siya bago dinampot ang phone. Walang kagana-gana niya iyong sinagot.

"What?" bastos niyang bungad sa banyagang manager ni Hades.

"Hello, Stacey. Let's talk."

"About what?"

"Hades is not answering my calls for days now. I called the caretaker of his island and I found that he's still there. He even shooed the poor man away and told him not to look after him anymore."

Hindi niya alam pero napuno ng pag-aalala ang puso niya. Ang akala niya ay umalis na ito pabalik sa US. Hindi niya alam na hanggang sa mga oras na iyon ay ina-isolate pa rin nito ang sarili sa isla.

Napalunok siya. "Are you sure about that?"

"Yes, yes," maagap na sagot ng manager. "I called you because I want to ask you a favor. Can you please go back to Camiaran and talk to him?"

"You don't want me to be part of his life, Sid," paalala niya.

Narinig niya ang pagpalatak nito. "I know. But that was before, woman. I need someone to take care of him for me." Natahimik ito nang ilang sandali. "You see? His mom's last wish was for me to always look after his only son."

"You can do that without involving me now," akmang papatayin niya na ang tawag nang marinig niya ang sunod-sunod na "wait" nito.

"Stacey." Marahas itong napabuntong-hininga. "Fuck this conversation. I'm sorry, okay? For everything I have done against you and your failed marriage with Hades. I just want him to be better. He's my best friend's son."

Hindi siya kumibo. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon niya lang narinig ang mga taong nanakit sa kanya na humingi ng tawad.

"Now, please. Go to Palawan and talk to him. Whatever happens. Whatever decision he's going to have, it's up to him now."

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkWhere stories live. Discover now