CHAPTER 13.1

17.2K 365 7
                                    

"BABY!"

Nagulat si Stacey sa sigaw na iyon ni Prince. Nakangising pumasok ang lalaki sa kwarto nila. Abala siya nang mga sandaling iyon sa pagkalikot sa laptop. Hindi niya kasi mahagilap ang isang bahagi ng thesis niya. Hindi niya mapigilang matawa nang makita ang masayang anyo nito. He was like a kid telling his mom how good he was at school.

Tatlong buwan pa lamang magmula nang maikasal sila. Maliban kay Pria at sa isang kamag-anak niya sa city hall sa kanilang lugar na mga naggsilbi rin nilang witness ay wala nang ibang nakaalam ng pag-iisang dibdib nila. It was a plain civil wedding but for her, it was perfect.

"Oh, bakit ang saya mo?"

Masuyo siya nitong hinalikan sa mga labi. Her smile widened when their lips parted.

"Baby, how about having a Hollywood singer husband?"

Namilog ang mga mata niya. "Anong pinagsasabi mo diyan? 'Di ba sa channel seven ka nag-audition?"

Ginagap nito ang mga kamay niya. "Makinig ka sa 'kin. Pumasyal dito sa Pilipinas 'yung dating co-performer ni mama at papa sa Hawaii. And guess what? Talent scout and manager na siya sa isang sikat na agency sa US. Tinanong niya ako kung gusto ko raw ba ng big break!"

Napatili siya. Ang asawa niya, magiging Hollywood singer na! She was the happiest wife at that very moment. He was now one step closer to success. Gusto niya itong magtagumpay, at gusto niyang magtagumpay ito nang kasama siya.

"Oh my gosh, babe!" Napataas na rin ang pitch ng boses niya dahil sa sobrang tuwa. "You've been waiting for this, right? I'm so happy for you!'

"Salamat, Rose. Para sa 'yo 'to," sagot nito.

Niyakap siya nang mahigpit ni Prince. Never did she knew that it was his last hug already.

After a week, he left her without saying anything. And he never had the chance to see his face again.

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkWhere stories live. Discover now