CHAPTER 2.2

24.1K 510 8
                                    

"I HEARD you're leaving the US for now."
Napabuntong-hininga si Hades sa bungad na iyon ni Reese nang sagutin niya ang tawag nito. Naroon siya ngayon sa sariling mansiyon sa LA. Bukas na ang alis niya patungong Pilipinas at sinadya niyang ilaan ang huling gabi upang ipahinga ang sarili. Pero heto siya ngayon at kumakausap ng babaeng kung mag-demand ay daig pa ang asawa.
He hated Sid to the core at that very moment. Sinabi na niya ritong ayaw niyang may ibang makaalam pero isang linggo lang ay nakarating na ito kay Reese.
Tumikhim siya. "Uhm... Yeah. Will unwind for a while before my Asian tour begins."
"You didn't tell me that!" asik nito mula sa kabilang linya. He immediately put his phone away from his ears for about three seconds then put it back afterwards.
He lazily walked around the house. Pinipilit niyang kalmahin ang sarili. He was annoyed. Bago pa lamang may mangyari sa kanila ng babae ay paulit-ulit niya nang nilinaw rito na he's only as good as a sex partner. Nothing more. Nothing less.
"Well, I just want to have some privacy right now."
"Privacy my ass. Maybe you're going to meet some Asians and fuck them all night long," puno ng sarkasmong sagot nito.
Well, I can do anything I want, bitch.
Hindi niya na sinagot pa ang mga walang kwentang argumento ng babae. He just said "goodbye" then ended the call.
Bullshit. Hindi niya alam na may ganoong ugali ang babae. She was so possessive and clingy. Bagay na hindi naman dapat dahil wala naman talagang kahit anong romantikong bagay na namamagitan sa kanila.
Tinungo niya ang mini-bar at binuksan ang isang bote ng mamahaling scotch. Mabigat ang katawan na isinalin niya iyon sa mamahaling baso ng alak at sinimulang lagukin. He was exhausted. Maghapon siyang walang ginawa kundi ang ngumiti sa fashion event ni Klauster Deveer, isa sa mga pinakakilalang designer sa buong mundo. He was invited to be one of the guests. Pero hindi niya alam na bukod sa pagiging part ng entourage nito ay mapipilitan din siyang kumanta ng isa sa mga hit song niya dahil daw sa request ng mga tao roon.
Of course, he could have said "no." Wala siyang appointment para mag-perform. Wala ang mga back-up singer niya. But his fucking manager agreed and he could not say the magic "no" anymore because a lot of cameras were focused on him.
Lumamlam ang mga mata niya. He's quite tired of being where he is now. He missed his quiet life back in the Philippines.
Pakiramdam niya ay may kulang sa kanya. And maybe that's happiness. Wala na siyang maituring na totoong kaibigan. Wala siyang masabihan ng lahat. The only positive part he could say he has now is the pleasure of having sex with the finest singers and actresses on Hollywood.
Napalingon siya sa isang sulok ng living room na katabi lang ng mini-bar. Napako ang mga mata niya sa isang malaking estanteng punung-puno ng mga tropeo. Five Grammy Awards, ten VMAs, seven BETs, eighteen MTVs, at ilang dosena pang iba't ibang award na ang naka-display sa mansiyon niyang puno ng mamahaling bagay pero wala naman talagang laman.
Mayroon na siyang isang private plane, isang mansyon sa LA, dalawang private island sa Pilipinas at Puerto Rico, tatlong pinakamamahaling sasakyan: isang Koenigsegg CCXR Trevita, Lamborghini Veneno Roadster, at isang Aston Martin Valkryie.
Meron na rin siyang iba't ibang negosyo sa Puerto Rico at Pilipinas. Hindi niya na rin mabilang. Hinahayaan niya na ang tatay at kapatid niya na mag-manage ng ibang properties na hindi na niya maasikaso.
His father, Manuel Joselito Dela Cruz. Ito na siguro ang pinakamabuting ama sa buong mundo. Iyon siguro ang isa sa mga magagandang katangian ng mga Pilipino. Mapagmahal at maalaga sa kanilang pamilya. And her Puerto Rican mother, Cardelia Beliz, was the most talented and loving woman his family once had. Kaya naman pakiramdam niya ay winasak ang masaya nilang pamilya nang pumanaw ang ina halos dalawang taon na ang nakakalipas.
Sa dami ng narating niya at sa dami ng naipundar niya, minsan ay napapaisip na siyang tumigil sa pagpe-perform. Hindi niya lamang iyon matuloy dahil mayroong mga sumusuporta sa kanya. Mayroong mga naghihintay sa bawat performance niya.
But sad to say, paminsan-minsan din ay ang mga taong iyon ang dahilan kung bakit pagod na siya.

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkWhere stories live. Discover now