CHAPTER 14.3

16.4K 391 7
                                    

MARAHAS na napabuntong-hininga si Stacey nang muli niyang itapak ang mga paa sa isla ng Camiaran, ang islang pagmamay-ari ni Hades. Hapon na nang matanaw niya ang isla. Halos parehong oras din nang dumating siya sa lugar mahigit isang buwan na ang nakakaraan.

She could still smell the warm breeze and hear the chirping of birds. Pero pakiramdam niya, malungkot na ang lugar. Hindi niya alam kung bakit pero parang wala na ang masayang atmosphere ng isla na araw-gabi niyang nararamdaman noon sa tuwing magkahawak-kamay silang naglalakad ni Hades.

Matapos kausapin ang bangkerong dati ring naghatid sa kanya patungo sa isla ay tahimik siyang humakbang patungo sa mansiyon. She was reminiscing every moments they had together at that island. Halos bawat sulok yata ng isla ay nabinyagan nila. They had sex everywhere. They kissed each other like they were not going to separate their ways again.

Namumugto na ang mga mata niya sa ilang gabing sunud-sunod na pag-iyak. She was very tired of crying pero mukhang maglalandas na naman ang luha sa mga mata niya anumang oras.

Hindi niya maiwasang mahabag maging sa mga halaman sa garden. Most of them were already withered. Wala na siya roon para diligan ang mga ito sa tuwing wala siyang pinagkakaabalahan.

She reached the front door and knocked several times. Walang nagbukas ng pinto. Siya na mismo ang pumihit sa doorknob at hindi na nagtakang bukas iyon.

Natutop niya ang mga labi nang makita ang lalaking nakahandusay sa sahig, may hawak na bote ng Bacardi. He was so hopeless and was so wasted. Gulo-gulo ang buhok, walang suot na pang-itaas at ni hindi man lamang sa couch nahiga.

Mabilis niyang ibinaba ang bag sa coffee table at halos takbuhin ang kinaroroonan ng lalaki. God, she was worried. Ilang araw na ba itong ganoon? Kumakain ba ito? Anong ginawa nito magmula nang umalis siya?

"Hades. Hades," paggising niya sa lalaki.

Binuhat niya ang ulo nito at ihiniga sa kandungan niya. "Hades, I'm here."

Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. Kahit halatang namimigat pa ang mga talukap nito ay kitang-kita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito.

"Stacey," he said before he hugged her waist. "You came back."

"Tumayo ka na. Magpahinga ka na sa kwarto mo. Mag-usap tayo kapag okay ka na. Kumain ka na ba?" Hindi niya mapigilan ang sariling mag-alala.

Mas lalong isiniksik ng binata ang mukha sa tiyan niya. Nakahiga pa rin ito sa sahig ngunit nakapatong ang ulo sa kandungan niya habang siya naman ay nakaluhod na rin sa sahig.

"Stacey, you don't know how hard it was for me to leave five years ago. I drowned myself on sex and alcohol but you're still haunting my life," saad nito sa groggy na boses.

"And you don't know how hard it was for me to wait everyday. I spent more than a year just to wait for you to come back, but you didn't." Tumulo ang sunud-sunod na butil ng luha mula sa mga mata niya. It's time to let go of everything tonight.

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkWhere stories live. Discover now