CHAPTER 15.1

17.6K 397 21
                                    

MAGKATABI sila sa veranda. Pakiramdam ng lalaki ay nawala na ang lahat ng tama niya matapos makita ang mukha ni Stacey. Naligo lang siya sandali at pagkatapos ay niyaya niya ito sa veranda. The woman went with him silently.

Kapwa sila nakatunghay sa mga bituin sa langit. Fuck. Kung sa normal na mga araw na naroon sila at masayang magkasama, they should be fucking each other very hard by now. Pero hindi. No sex. No pleasures. All they had at the moment was pain.

"Stacey..." Bullshit. He couldn't ask nor tell her anything.

Mabagal siya nitong nilingon. She wasn't crying, but her eyes were telling him how much pain she got from him. "Bakit ka umalis, Hades?"

Daig niya pa ang ginulpi sa isang tanong na iyon. Apat na salita lang ang binitiwan ng babaeng kaharap niya pero parang naparalisa na ang buo niyang katawan.

Huminga siya nang malalim. He must have the balls to tell her everything. 'Tang ina. Hindi naman pwedeng lagi na lang niyang haharapin ang babae nang hindi nasasabi rito ang mga gusto niyang sabihin limang taon na ang nakakalipas.

"Noong mga oras na sinabi sa 'kin ni Sid at ng mama ko na pasisikatin daw ako ng manager ko sa Hollywood, ikaw ang unang pumasok sa isip ko. Naisip ko lahat ng mga pangarap ko para sa 'yo. Para sa pamilyang gusto nating mabuo sa future. I was so excited." Tiningnan niya ito. "But I realized, I had a big problem. Hindi alam ng mga magulang ko na ikinasal na ako sa 'yo. Ang alam lang nila, nagli-live in tayo."

Tahimik lang na nakikinig si Stacey. Ni hindi ito kumukurap.

Nagpatuloy siya. "Nu'ng dumating ako sa bahay natin—I mean, bahay mo, masayang-masaya ako. I really love you that much na hindi sarili kong kasikatan ang pinangarap ko kundi ang maibigay sa 'yo lahat ng hindi ko kayang i-provide noong mga panahong iisa lang ang pantalon ko at ni hindi kita mabilhan ng bulaklak. I know you didn't material things and money dahil mayaman ka at kumikita na ng sarili mong pera. But I felt so insecure during that time."

Humikbi ito. At saglit pa'y naglandas na naman ang mga luha sa magkabila nitong pisngi. Oh, her sweet fragile princess. Ang akala niya ay tuluyan na itong naging ibang tao makalipas ang ibang taon. Ang akala niya ay palaban na ito gaya nang una nilang pagkikita mahigit isang buwan na ang nakakaraan. But no. She was still the same.

"Tinanggap mo ako kahit wala ako ni piso sa bulsa. Minahal mo ako nang buo at ipinaramdam mo sa 'kin na hindi mo kailangan ng kahit anong materyal na bagay. Kaya naman nang umuwi ako kina mama para ipagtapat lahat at hindi nila matanggap ang pagpapakasal natin, nawalan ako ng mukhang ihaharap sa 'yo. Sid gave me one condition in order to help. Kailangan kong makipag-annul sa 'yo. Kailangan kitang iwan at kalimutan. That's the only way I could make it to the Hollywood, he said. Imagine? You accepted me with your both arms widely open but I had to leave you and ask you for an annulment."

"You should... You should have told me first. Mag-asawa tayo no'n, 'di ba? Magtutulungan naman tayo eh. Pwede naman nating palabasin na nakipaghiwalay ka. Or kahit sana sinabi mo man lang sa 'kin na mas pinili mo 'yang career mo kesa sa 'kin," lumuluhang protesta ng babae.

Marahas siyang napabuntong hininga. "Hindi ko na kayang harapin ka no'n. Wala akong sapat na kapal ng mukha para sabihin sa 'yong kailangan kong umalis para sa makipagsapalaran sa ibang bansa. My mom cried and begged me to pursue my career. She told me to forget about you because they needed me, too. You know how hard it is to say no to the persons who nurtured and loved you."

Kusa na itong napahagulgol. Gusto niyang pahirin ang mga luha ng babae. Gusto niya itong halikan. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit. Pero pinigilan niya ang sarili. Hindi naman siya siraulo para gawin iyon. Alam niyang masama ang loob nito sa kanya at hindi nito magagawang patawarin siya nang gano'n na lang.

"Kaya hindi na kita hinarap at kinausap. I was a coward douchebag back then. Natakot akong tawagin mo akong makasarili. Natakot akong isumbat mo sa 'kin ang lahat. Natakot ako na baka kapag nakita pa kita, hindi ko na magawang umalis pa. I asked Sid to take care of everything. Lahat ng bagay na involved ka, siya na ang umasikaso. He bought everything with his money. He invested a lot, so there's no turning back," dagdag niya.

Hindi niya alam kung may sense pa ba ang mga pinagsasabi niya pero gusto niyang malaman nito ang bawat detalye ng nakaraan. Iyon lang ang paraan para makawala na sila sa mga kadena ng kahapon.

"Yeah. Sid talked to me. Pinapirma ako ng annulment papers at agreement. Young and dumb, I signed it without thinking properly. Nang dahil sa pagkikita naming 'yon, nakunan ako. Nawala pa 'yung kaisa-isa sanang alaalang iiwan mo."

Natigagal siya. Ilang segundo siyang namingi sa sinabi nito. What did she just say?

"Y-You... You were pregnant then?" Parang dinaganan ang sistema niya.

"Yes," mahina nitong tugon kasunod ang ilang pagtango.

"Fuck!" mariing mura niya bago hinaplos ang basang pisngi ng babae. "I'm... I'm sorry, Stacey. Hindi ko alam."

Ngumiti ito nang mapakla. "Surprise ko sana sa 'yo pagkabalik mo from your parents' province. Pero wala eh. Hindi na umabot. Hindi rin siguro kinaya ng baby natin 'yung lahat ng nangyari."

Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Ipinagpalit niya ang isang masayang pamilya para sa career at pera? Sinaktan niya ang babae gaya ng pananakit ng ama nito sa puso nito noong bata pa ito. Kung nabuhay ang anak nila, malamang ay mahihirapan din ito gaya ni Stacey. Mabubuhay rin ito sa mga tanong at hinanakit.

He didn't waste any time. Lumuhod siya sa harap nito. Halata namang nagulat ang babae, pero paninindigan niya iyon. Kung iyon lang ang paraan para mapatawad siya nito, magdamag siyang luluhod doon. Alam niyang kulang na kulang pa iyon sa lahat ng katarantaduhang ginawa niya. He was so selfish. He was so dumb. Hindi makakabawas sa pagkalalaki niya ang paghingi niya ng tawad.

"Hades. Anong ginagawa mo? Tumayo ka diyan." She tried to lift him up but he resisted.

"I'm sorry for everything. I'm sorry for breaking your heart, for breaking my promises. I'm sorry for leaving you."

Their eyes locked. Matagal siya nitong tinitigan. She was annalyzing his words, his expressions and his actions. Oh, god. Despite of her swollen eyes, she was still gorgeous like an angel.

Makalipas ang ilang sandaling katahimikan, ngumiti ito.

"Kahit isang dekada pa ang dumaan, Hades. Kahit isang dekada pa, hindi ko magagawang hindi ka patawarin. Ayoko nang mabuhay sa hinanakit. Nakakapagod na," nakangiti nitong sabi habang pinupunasan ang mga luha. "Maybe it's about time to let go of everything. A time for a new beginning."

He stood up and hugged her tightly. "Can you still accept me, baby girl? Can we give it a one more shot?"

To his surprise, she hugged him back. Her warm embrace was very familiar. It was as warm as her first hug when she said "yes" to him years ago.

"Why not?" she replied in between her sobs. "Si daddy nga, pinatawad ko. Everyone deserves forgiveness."

Kunot-noo siyang kumalas mula sa pagkakayakap dito. "Wait. Your dad?"

She proudly nodded. Kita niya kung gaano ito ka-proud na nagawa nitong patawarin ang unang lalaking sumira sa buhay nito. He was proud of her, too. Alam niya kung gaano ito naghihinanakit sa ama kaya naman napakalaking achievement na ang magawa nitong magpatawad. She truly has a big heart.

Muli niya itong niyakap nang mahigpit. "I promise, baby girl. I won't hurt you again. You deserve happiness."

Mas hinigpitan nito ang yakap sa kanya. "Thank you. I love you. After all these years, I still love you. Akala ko nawala na 'yon at kaya ko nang harapin ka sa bawat araw. I thought I could resist your charm. Eh kaso, hindi mo lang ako sa kama binaliw. This past month, you gave warmth to my cold system and it melted the ice around my heart."

"I love you more, Stacey. You're still my baby girl after all these years."

Kinintalan niya ito ng halik at walang pasabing pinangko. They looked like newly-weds whenever he was doing that.

Napatili ito. "Sa'n mo 'ko dadalhin?"

"It's time to celebrate." Itinaas-baba niya pa ang mga kilay bago dire-diretsong binuhat ang babae hanggang sa kwarto niya.

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkWhere stories live. Discover now