CHAPTER 12.1

15.7K 354 1
                                    

Six years ago...

"KUNG AKO SA 'YO, SASAGUTIN ko na 'yang si Prince. Ang guwapo kaya niyan!"

"Ew. Mahirap naman. Twenty one years old na kaya siya but still, first year college pa lang. Dakilang alalay pa du'n sa library."

"Scholar siya sa school. Ang sipag kaya ng tao. You know what, napaka-judgmental mo talaga. 'Yung mga type mo kasi, puro mga douchebag."

Naitirik ni Stacey ang mga mata sa ere habang nakikinig sa pagtatalo ng pinsan niyang si Pria at ng isa pa nilang BFF na si Ara. Naroon sila ngayon sa garden sa likod ng College of Arts and Sciences habang hinihintay ang natitira nilang subject. Natanaw nila na papalapit ang taong pinag-uusapan ng dalawa.

"Hi, Rose," magiliw na bati ni Prince Hades Dela Cruz. Ito lang ang tumatawag sa kanya sa second name niya dahil mas bagay raw sa kanya iyon. "Para sa 'yo."

Iniabot ng binata sa kanya ang isang pirasong pulang rosas. Sa loob ng anim na buwan, tatlong beses itong nagbibigay ng rosas sa isang linggo. She knew he was just gathering those roses from a relative's garden, but for her it was the sweetest. Isang beses nga, may dugo pa ang kamay nito nang iabot sa kanya ang paborito niyang bulaklak. Somehow, he was helping her cope up with her mom's death just a month ago.

Napangiti siya sa binata. She offered the empty space beside her. "Upo ka."

"Pasensya ka na kung hindi ako nakasabay sa 'yong mag-lunch kanina.Wala kasi akong ano..."Tila nahihiya itong magkuwento. "Ano..."

Alam niya na ang gusto nitong sabihin. He had no money. Pamasahe lang ang meron ito kaya nahihiya itong makasabay siya dahil bagoong ang ulam nito. She knew that because he admitted it once.

Aksidente niyang nakilala si Prince nang ipagtanggol siya nito sa babaeng nanghila na lang bigla sa kanya. Ipinipilit ng babae na nilalandi niya raw ang boyfriend nito na blockmate lang naman niya.

Magmula nang araw na 'yon, paunti-unti na siyang binubuntutan ng lalaki. Ihinahatid sa room, ipinagdadala ng gamit, ihinahatid sa bahay nila. She was aware of his status but she didn't care. Ano naman kung malayo ang agwat ng estado nila sa buhay? He deserved to be treated equally, too.

He was also a scholar, a Dean's lister, and a part-time gig performer. Sapat na sa kanya iyon, lalo na sa tuwing magkasama silang dalawa at kinakantahan siya ng lalaki. He would always serenade her with his beautiful voice. Plus na lang siguro sa kanya na half-Puerto Rican ito at ubod ng gwapo.

"Gutom pa rin naman ako. Gusto mong mag-lunch ulit?" nakangiti niyang tanong.

She knew some would be disgusted, but she would love to treat him with her money. Hindi naman iyon malaking kawalan para sa kanya. Her mom left a very huge amount of money for her entire college expenses. Milyon na ang naipon nito para sa kanya. Hindi pa kasama roon ang mga makukuha niya pang properties at shares sa mga business na pinasok ng namayapang ina. Aside from that, she was also earning her own money as a young commercial model.

Hindi ito sumagot. Napakamot lang ito sa batok, halatang nahihiya. Tahimik lang din ang pinsan at kaibigan niya.

Nang hindi pa sumagot ang lalaki ay tumayo na siya sa kinauupuan at kinuha ang mga gamit. "Tara na. Who knows? Baka makarinig ka na ng salitang 'yes' sa pupuntahan natin."

Umaliwalas ang mukha ng lalaki nang dahil sa narinig. Mabilis itong tumayo at kinuha ang mga dala niya.

"Tara," Ito na ngayon ang nagyakad at nakangiti pa na tila nanalo sa lotto.

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkWhere stories live. Discover now