Hinanap ko si eightan para magtanong kung nasaan ba yung gamit ko ng makasalubong ko si kuya lalapitan ko sana siya pero ang sama ng tingin niya sa akin kaya natakot ako, hindi ko alam pero parang hindi na ako nasanay sa kanya. Kasi noong una ganon din niya ako tinatrato pero ngayon parang may iba.

"Eightan!" Sa wakas nakita ko din siya.

"Oh? bakit"

"Nasaan yung mga gamit ko?" 

"Nilagay na ng kapatid mo sa kwarto mo ah. Hindi mo ba makita?"

"Ah... baka kakalagay lang niya sa kwarto ko" sabi ko sa kanya at saka ako pumunta sa kwarto ko.

--------------------------

"Iba na talagang pinag bago mo boy. Ang tanong masarap kaya ang luto mo" Natatawang sabi ni jiro kay miko.

"Ako pa nag aral kaya ako mag luto ahahahahhahah" sabi niya kay jiro.

"Ano paba hinihintay natin kainan na" Nakangiting sabi ni miko at una siyang kumain ng kanyang niluto susubo na sana kami ng magulat kami dahil parang may nangyayaring masama kay miko kaya agad siyang nilapitan ni kuya.

"Uy miko uy!" Sigaw niya kay miko pero nawalan na ng malay si miko.

"Sh*t pre may lason yung pagkain" Biglang sabi ni jiro kaya lahat kami ay nagulat at nataranta pero bigla din kaming nagulat dahil biglang sumigaw si miko.

"JOKE TIME HEHEHEHHEHEHE!" Dahil sa kanyang ginawa ay sinapak siya ni kuya at dahil duon ay natawa kami dahil sa reaction ni miko.

"Ano ba miko hindi nakakatuwa yung joke mo akala namin kung napaano kana" Natatarantang sabi ni april.

"Sarili kong luto ito no, ano ako tanga papatayin ko sarili ko, uy hindi ako tanga no. sige na bumalik na nga kayo sa inuupuan ninyo at kumain na tayo. Wala nang joke joke pa" Sabi niya saamin kaya bumalik na yung iba sa kanilang kinauupuan kanina at nag umpisa na kaming kumain, ng biglang may sumaga sa aking isipan parang...............parang nangyari na ito sa akin.

Pagkatapos kumain ay nag volunteer ako na ako na ang maghihimpil nang pinagkainan namin. 

Tinulungan naman ako ni miko sabi ko sa kanya na kaya ko naman pati siya na nga nag luto ng pagkain namin siya pa yung maghihimpil nakakahiya naman yun.

---------------------------

Pagkatapos kong maligo ay tumaas na ako para pumunta sa aking kwato ng makita ko si kuya sa tapat ng pintuan ng kwarto ko.

Kakausapin ko ba siya tungkol sa nangyari kanina, pero natatakot ako. NAgulat ako ng bigla siyang lumingon kaya nakita niya ako na nakatayo lang.

Matipid siyang gumiti sa akin kaya nginitian ko din siya.

"Alexa pwede ba tayo mag usap sa labas?" tanong niya sa akin, tumango nalang ako sa kanya.

----

(Miko)

"Alam ninyo ngayon ko lang ulit nakita si alex na nagalit sa kapatid niya hindi katulad dati kung ipagtabuyan o kung paano tuwing umaga kung ano anong masasamang bagay ang sinasabi niya sa bago niyang kapatid" sabi ko sa kanila sinong sila edi silang lahat except kay alex at alexa na wala dito sa pagpupulong hahahha. Wala kasi kaming magawa eh.

"Paanong bagong kapatid?"  Tanong ni april saamin.

"Hindi ko din alam eh basta ang sinasabi niya bagong kapatid niya yun lang" Sabi ko sa kanila.

Ano nga  ba ang ibigsabihin sa kanya ng bagong kapatid?Dalawang klase kasi ang pagkakaalam ko eh kung ampon man o kaya mothers blood but different dad ganon diba.

-----

(Alexa)

Mahangin sa labas sobrang hangin, 7:30 pm na ng gabi.

"Ano pala paguusapan natin kuya?" tanong ko sa kanya. Naka upo kami sa swing hindi ko aakalain na may malapit palang play ground dito.

Para akong bata na inuuga ang swing.

"Sorry sa ginawa ko kanina, tama ka nga sa sinabi mo dapat nagsabi muna ako sayo" Dahil sa sinabi niya ay napatigil ako sa paguga ng swing ko para tumingin sa kanya nakatungo siya.

"Hindi kuya kasalanan ko din marami kasi ako naiisip ng mga araw na ito kaya hindi ko napansin na may taong nag aalala pala sa akin" Sabi ko naman sa kanya at sa langit na ako tumingin.

"Bakit dito mo kami pinapunta? i mean bakit dito mo na piling gumala?" Tanong ko sa kanya pero hindi ako nakatingin sa kanya.

"Ang totoo niya alexa dito ka unang nakita ni mommy at yang bahay na tinutulugan natin ngayon, bahay yan ni mommy" Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya napatingin ako sa kanya hindi ko alam na nakatingin pala siya sa akin.

"A-ano?" nauutal na tanong ko sa kanya.

"Alam mo naman na hindi kita tunay na kapatid, at nakita ka ni mommy sa may ilog na malapit lang dito. Hindi sinasabi sayo ni mommy noon dahil baka malito ka lang kaya ang sabi niya na sasabihin niya sayo kung saan ka daw niya unang nakita kapag may naalala kana. Kaya ngayon na mukhang may naalala kana ay ako na ang magsasabi sayo dahil wala ngayon si mommy para sabihin sayo. Pati siya na nag sabi sa akin ng mga araw na wala ka sa sarili mo sinabi ko din sa kanya ang totoo kung bakit nagkakaganan ka noon una nagulat siya pero akala ko matatakot siya na baka mawala ka sa kanya pero hindi siya natakot at natuwa siya sa nalaman niya. Pati baka makatulong sayo ang lugar na ito baka may maalala ka kung sino ka talaga" Kwento niya sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi, hindi ko pero gusto kong umiyak dahil sa mga sinabi niya sa akin.

Napatingin ulit ako sa langit para hindi tumulo ang luha ko.

"Ano gagawin mo kuya kapag tuluyan ko nang maalala kung sino talaga ako?" Tanong ko sa kanya.

"Hhhmmmm... Ano gagagwin ko edi magpapaalam ako sayo ng maayos dahil hindi naman pwede na saamin ka tumira hindi sa pinapalayas kita pero alam ko na may pamilyang nag hihintay sayo kaya kaylangan ko tanggapin na mawawala kana sa buhay namin" sagot niya sa tanong ko.

"Kilala mo na ba kung sino ka talaga?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya habang ang mga luha ko ay tumutulo sa aking pisngi at kasabay noti ay ang isang malakas na ihip ng hangin.

"Pakiramdam ko na ako si sam, ang taong hinahanap nila" Dahil sa sinabi ko ay nagulat si kuya kaya napatingin siya sa akin.

----------------------

November 20 2018

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon