Chapter 25: The Flashdrive

4.8K 157 259
                                    

Nagising na lang ako ng may tumatawag sa pangalan ko. Kinurot ko ang kamay ko baka kasi panaginip na naman to pero nasaktan ako kaya hindi ito isang panaginip. Anong oras na ba?

1:43 am pa lang?! Sino kaya ang tumawag sa akin? Kinakabahan na ako dito ha, kanina lang parang ang bigat ng pakiramdam ko kasi parang may nakamasid sa amin tapos ngayon naman may tumatawag sa akin pero wala namang tao, haunted din ba ang school nato?

Pumikit na lang ako ulit kasi baka guni guni ko lang yun. Malapit na sana akong makatulog pero may tumawag na naman sa akin, kanina boses babae ngayon naman lalaki?! Ano ba? Ano ba naman ito?

Pumunta ako sa may bintana dahil doon nangagaling ang boses, pag lingon ko sa taas, gilid at baba ay wala naman akong makita. Except na lang siguro sa bagay na umiilaw sa baba ng bintana ko na nakasabit. Ano kaya yun?

Hindi ko maabot kasi medyo malayo ito at wala rin akong magamit sa kwarto ko para kunin yun. I turned on the flashlight galing sa phone ko para malaman kong ano iyon.

Isang flashdrive?

Ngayon ko lang yan napansin ha? At sino naman ang maglalagay niyan diyan? Hindi kaya yung taong tumatawag sa akin? Saan ba sila? Bakit ayaw nilang magpakita sa akin?

Out of curiosity ko at kahit medyo natatakot ako ay nagawa ko pa ring lumabas ng room para makuha ang flashdrive. Kinuha ko ang jacket ko kasi nilalamig ako.

Paglabas ko ng room isang malamig na hangin agad ang bumati sa akin. Ang tahimik pala ng Stavard sa ma ganitong oras. Siyempre tulog lahat eh.

Bumaba na ako, medyo malayo rin ang lalakarin ko kasi kailangan ko pang umikot sa building ng rooms namin. Andun kasi yung bintana ko at ang flahsdrive. Kinuha ko ang cellphone ko at I turned on the flashlight again. Medyo maliwanag sa paligid nang building pero sa likod? Walang ilaw, tanging moonlight lang kaya medyo madilim dito. Habang papalapit na ako sa ibaba ng bintana ko ay nakaramdam na naman ako ng takot. Parang may nagmamasid na naman kasi sa akin eh. Nang makita ko na ang flashdrive ay kinuha ko na agad ito. Medyo mataas kaya gumamit pa talaga ako ng stairs para makuha ito mabuti na lang talaga may stairs doon.

Babalik na sana ako ng room ko ng napansin kong gumagalaw ang mga damo. Kanina ko pa yan napapansin pero binaliwala ko lang, lakad-takbo ang ginawa ko kasi baka kung sino yun o baka mga wild animals.

Nagmamadali akong makapunta ng room kaya hindi ko na medyo napansin ang paligid ko ng biglang...

Dugsh!!

Aray? Ang sakit nun ha? Teka sino yung nabangga ko?!

"Ms. Edwards??!!"
"Ms. Jhea??!!"

Sabay na tanong namin ni maam nung nakita namin ang isa't isat. Shet!! Sa mga tingin ni maam halatang gulat na gulat at galit na galit siya sa akin.

Pero teka??! Ano yung nasa gilid ng lips ni maam?

Shems.. Dugo ba yan??!!

Dahil sa nakita hindi ko na nagawang magsalita, gusto ko sanang mag sorry pero parang natatakot na ako.

"Anong ginagawa mo sa labas ng ganitong oras Ms. Edwards??!!" Galit na galit na tanong niya sa akin.

"Ah wala po maam sorry"

Akmang aalis na sana ako kaso hinablot niya ang braso ko.

"Wait, did I tell you to leave?" Mataray na tanong niya.

"No maam I'm really sorry" sagot ko habang nakayuko, di ko kasi ma dare na tingnan siya with the expression of her face.

"Ms. Edwards, alam mo bang ayoko sa mga taong sinungaling at walang respeto?! Kaya kong ayaw mong parusahan kita tell me honestly why are you here?!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Killer TeachersWhere stories live. Discover now