Chapter 20: Deadly Friendly Battle - The Beggining

3.3K 79 21
                                    

Author's note:
Hi guys thanks ulit sa lahat!!
So ito na nga, deadly friendly battle na. Gusto ko lang sabihin na medyo mahaba ang deadly friendly battle kaya I decided na hatiin ito sa 2-3 chapters. So ito po ang unang chapter, at ang susunod ay abangan niyo sa next updates. Salamat ulit!!

Sky's POV:

Ito na nga, ito na ang araw na kinakatakutan at matagal na naming pinaghahandaan. Biyernes na ngayon, at sa mismong araw na ito gaganapin ang deadly friendly battle.

Pero kahit na, ang saya saya ko parin dahal sa nangyari kahapon sa amin ni Jean. Binigyan ko ng regalo ang mga kaibigan ko at ang special na tao sa akin na si Jean dahil sa isang rason. Oo, alam ko na pinaghandaan namin ng sobra ang araw na ito at may tiwala ako sa plano ni Jean, kaso nga lang hindi mawala sa isipan ko ang posibleng masamang mangyari, dahil alam ko na walang kasiguraduhan ang mga buhay namin sa gaganapin na activity.

Pero ganun paman, masaya ako na kung sakaling ito na ang huling araw ko sa mundo ay napasaya ko ang mga kaibigan ko at nabigyan ko pa sila ng regalo. Masaya na ako sa ganun pero mas masaya ako sa pagaaminan namin ni Jean. Hindi ko kasi lubos akalain na ang taong crush at ngayo'y mahal na mahal ko ay crush din ako. Yun nga lang, crush pa niya ako, kaya gagawin ko ang lahat para makasurvive sa araw na ito at pag nakaligtas ako, araw araw kong ipaparamdam kay Jean kung gaano ko siya kamahal hanggang sa mahalin niya na rin ako. At pag nangyari yun hindi ko hahayaang mapahamak at may masamang mangyari kay Jean at sa tropa ko at sisiguraduhin kong makakaalis kami dito ng buhay at maayos. Ewan ko ba, simula nung inamin niyang crush niya ako at nahalikan ko siya mas naging positibo ang pagiisip ko at determinado akong gawin ang lahat para makaligtas kami. Nahirapan nga akong makatulog kahapon sa kakaisip kay Jean, ewan ko ba pero nung una ko siyang makita biglang bumilis ang tibok nang puso ko at di nagtagal naramdaman ko nalang na mahal ko na pala siya. Sana, pareho kami ng nararamdaman ni Jean, pero ramdam ko rin naman na may gusto at mahal niya rin ako, kaso ayokong mag assume kasi may karibal ako na kababata niya na si Jeff.

7:11 am pa ngayon at mamayang 6 pm pa naman ang activity kaya may oras pa akong makasama ang kaibigan ko lalo na si Jean, we decided na magpahinga na kami ngayon kasi halos araw araw na rin kaming nag re-review baka ma drain ang utak namin sa sobrang daming iniisip. May plano ako, gusto ko sanang yayain ang tropa ko na magsaya ngayon, siguro mag pi-picnic ulit kami sa lugar kung saan nahulog si Jean. Ang ganda at ang payapa kasi ng lugar nayon kaya alam kong magugustuhan nila yun, at perfect na perfect yung lugar na yun as stress reliever at brain refresher.

Tatawagan ko narin si Xander at sina Rhyjem para mas marami kami at mas masaya, gusto ko sanang masolo si Jean pero baka di siya papapyag at ok lang naman sa akin kasi masaya rin naman kasama ang tropa lalo na ngayon na kasama namin ang ibang miyembro ng Night Owl.

"Hello bro, Xander?" Sabi ko habang tinatawagan siya.

"O bro Sky, bakit ka napatawag?" Sagot niya. Napagpasyahan kasi ng grupo na bro ang tawagan sa mga lalaking miyembro ng Night Owl at bra naman sa mga babae, hahaha joke lang!! I mean girl naman ang tawagan sa mga babae.

"Eh kasi bro, balak ko kayong imbitahin ng mga tropa mo na sumama sa amin magsaya, yun ay kung ok lang naman sa inyo." Sagot ko.

"Gustuhin man sana namin bro kaso may personal na lakad din kami ng tropa ko kasama sina Rhyjem, Sheena at Marga. Salamat na lang at pasensya na talaga bro." Sagot niya, Marga ay ang nickname ni Margarette.

"Ganun ba bro? Sige ok lang, ingat kayo sa lakad niyo." Sagot ko.

"Sige bro, salamat." Sagot niya at I ended the call.

Hmm, tawagan ko na rin ang tropa ko kasi for sure papayag yun, matawagan nga si Julius.

"Bro Julius, san ka? Balak ko kasing imbitahin ang tropa na magsaya, punta kayo ha." Full of confidence kong sabi.

Killer TeachersDär berättelser lever. Upptäck nu