Chapter 3: First Meeting

5.5K 105 5
                                    

Nagising ako ng 7:15 a.m ng walang sinet na alarm. I decided na mamaya nalang ako maligo. I want to visit Kazumi but before that tumingin ako sa bintana ng room ko, from a distance may nakita akong isang piraso ng sapatos na panlalaki sa daan papunta sa school's laboratory. Umagaw pansin yun sa akin kaya pagkatapos kong mag breakfast ay pinuntahan ko kaagad si Kazumi para magpasama sa kanya. Mabuti nalang talaga at mabait si Kazumi at sinamahan niya ako.

Nakita namin yung sapatos at pupulutin ko na sana ito ng may biglang sumigaw na parang nagbabanta.

"Wag mong pulutin yan?! Hindi yan sa inyo??!".

Nagulat ako sa nakakatakot niyang boses kaya nabitawan ko ang sapatos.

"Sorry po, di na po mauulit".

Nanginginig ang boses ko kaya alam kong  randam niya ang takot ko, umalis na lang bigla ang lalaki pagkatapos niyang makuha ang sapatos, balot na balot rin ang katawan niya.

Sa sobrang takot pumunta kami ni Kazumi pabalik sa room ko. Grabe nakakatakot ang lalaking yun.

"Jean aaminin ko na sa iyo, I think I want to go home na", takot na takot na sabi ni Kazumi sa akin.

I hug her and said,"It's ok Kazumi wala lang yun, may ibang tao talaga na masusungit".

I comfort Kazumi hanggang she's feeling better na. Grabe ang sungit ng janitor na yun.

STAVARD UNIVERSITY MAIN:

"Ano ka ba naman Mr. Joaquin, bakit hindi ka nag-iingat, sa susunod linisin mo nga ng maayos ang trabaho mo!!".

"Opo maam".

Third Person's POV:

Ang Stavard University Main ay isang sikretong lugar sa school, wala pang sinumang estudyante ang nakakapasok dito.

Jean's POV:

Pagkatapos ng nangyari kanina, sabay na kami ni Kazumi pumunta sa classroom namin, like other students we use our own scooters.

Pumasok na kami sa loob ng napakalaking classroom namin, wala pang 6:00 p.m kaya wala pa ang teacher namin, may 10 minutes pa kaming mag chika. Ngayon na rin ang chance namin na makausap namin ang mga teachers.

"Guys!! Who's ready for some party!! Dugs dugs dugs dugs dugs"Whooo!!".

Sigaw ng isang lalake na parang loko loko, pero matangkad siya, maputi, brown eyes, napaka cool at ok aaminin ko gwapo siya. Ang ingay nila sa room except sa tatlong students na ang seryoso, 2 babae at 1 lalaki. Di nagtagal at natahimik na sila dahil dumating na ang first subject teacher namin.

"Good evening class".

Grabe ang hinhin ng boses niya at ang ganda't sexy pa, feel ko agad mabait siya. Pero ang weird at nakakapanibago talaga na instead good morning ay good evening ang bati nila.

"Ok I'm Ms. Jhea Stavard at uunahan ko na kayo, yes Stavard ang apelyido ko dahil I'm the daughter of the owner of this school, by the way I'm your Science 1 teacher".

Nakakatuwa siya at dahil sa kanya medyo nabawasan ang takot namin ni Kazumi. Dahil di pa namin kilala ang isa't isa nag introduce yourself kami at Sky Barbers pala ang name ng gwapong lokong lokong yun.

Ganun din ang ginawa namin sa ibang subjects, 6 ring lang ng bell ang maririnig mo dahil 6 din lang naman ang subjects namin, one hour each subject in order from Science 1-Science 2- Math 1-Math 2- Economics-History same subject lang talaga from High School to College.

Tapos na kami sa aming History at ang teacher namin dito ay ang pinakaayaw ko sa lahat napaka strict, siguro dala na rin sa edad, matanda na kasi siya. Siya si Mrs. Barbara Mankin.

Sa wakas tapos na ang aming first day of school, magkasama kami ni Kazumi na umuwi. Pero bago kami umuwi tinanong muna namin si Mrs. Barbara about sa class schedule, nakalimutan kasi naming itanong kay Ms. Jhea eh kasi nadala kami sa tuwa.

Bumalik kami sa room ni maam, pero wala na siya dun, pano kaya siya nakauwi  agad? Ang bilis naman niya para sa isang matanda.

Kami nalang ang natira ni Kazumi kaya nagmadali kaming umalis, when we are about to ride our scooter, someone just grabbed us.

"Sino kayo? Anong lugar to?"

Third Person's POV:

Guys let us just assume na nagkakaintindihan sila lahat sa langauge na Taglish. Sorry po pero wala akong alam sa ibang language :)

Killer TeachersUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum