Chapter 12: Getting to Know Each Other a Litte Too Well

3.7K 126 12
                                    

Napakasaya na may halong takot ang araw na ito and at the same time nakakapagod rin. Nagbihis na ako ng pantulog ko at kumain na ng dinner. Gusto ko nang matulog dahil sa pagod, kaso napagtanto ko na medyo maaga pa pala at di pa naman ako inaantok kaya I decided na maglaro muna gamit ang cp ko. Sa kalagitnaan ng laro, biglang may nag pop up na message notification at dahil na curious ako, binasa ko ito.

"Kain ka na Jean, goodnight and sweetdreams in advanced". Ewan ko pero napangiti ako sa message niya, I mean sa message ni Sky, kaya nag reply ako sa kanya.

"Ikaw rin, sige matutulog na ako para di naman masayang ang goodnight at sweetdreams mo". Sabi ko habang kinikilig.

"Sige". Reply niya sa akin.

Ewan ko nga ba pero lately, parang di complete ang day ko pag di siya nakikita o nakakausap, OMG!! Is this pag-ibig? Lels ang OA ko naman, makatulog na nga lang.

Nakahiga na ako ngayon at dahil mahilig akong mag muni muni, tiningnan ko ang bintana sa kanan ko para tignan ang mga bituin sa langit. Nagulat ako ng parang may mga matang nakatitig sa akin ng malalim. Idinilat ko ang mga mata ko ng maayos baka sakaling nagmamalikmata lang ako, mabuti na lang at nagmamalikmata nga lang talaga ako. Dinalaw na nga ako ng antok at ipinikit ang aking mga mata, ngunit parang may mga mata na naman na nakatitig sa akin. Tiningnan ko ulit ang bintana pero wala naman kaya nag pray ako at salamat nakatulog ako ng maayos.

Pagkagising ko, kinuha ko ang phone ko para mag check kung may messages ba, di ko inakala na meron nga 2 ang natanggap ko from Stavard University at galing kay Sky. Of course inuna kung binasa ang message ni Sky.

"Good morning Jean!!". Message niya with heart emoji.

"Good morning  din". I replied.

Binasa ko ang message from Stavard baka importante.

"Prepare for some surprise tomorrow". Grabe buti na lang at di ito ang una kung binasa kundi sira agad ang araw ko. Salamat kay Sky at nag message siya nang sweet pampa good vibes lang sa umaga. Pero ano na naman bang pakulo ito ng mga guro? Ano na naman kaya ang bagong style nila para sa elimination of lives? May mamamatay na naman kaya bukas? Ah ewan, umagang umaga at ito agad ang proproblemahin ko? No way!!!

Nag reply na si Sky sa text ko kanina.

"Kumain kana ba nang breakfast mo?". Tanong niya na halatang concern. Siguro may nakain talaga itong di maganda kaya naging sweet bigla sa akin.

"Di pa nga eh, ikaw ba?". Reply ko kaagad sa kanya.

"Di pa nga rin eh, gusto mo sabay na tayo?". Tanong niya.

"Sige ikaw ang bahala". Reply ko na parang wala lang.

"Talaga? Sige hintayin mo ako diyan ha, saglit lang ako". Anong ibig niyang sabihin? Akala ko sabay kami pero dito ako sa room ko at dun siya sa room niya. Naku patay!! Nagtext pa naman siya na on the way na siya, wala na talagang atrasan to.

10 mintues after......

Sky's POV:

Grabe di ako makapaniwala na andito ako sa harapan ng room ni Jean ngayon para sabay kaming mag breakfast. Di na ako nagpaligoy ligoy pa at kinatok ko ang pinto ng room niya.

Tok!tok!tok!

"Ay andiyan ka na pala Sky, pumasok ka muna". Bati sa akin ni Jean with her very sweet voice, siyempre pumasok akong bigla.

"Salamat pala Jean ha, at pumayag ka sa pakiusap ko". Sabi ko sanya ng masaya.

Jean's POV:

Salamat? Eh hindi niya alam na na misinterpret niya ang sinabi ko kanina. Ok lang nakakabored din namang mag isa at masaya din namang kasama si Sky.

Killer TeachersWhere stories live. Discover now