Chapter 9: Surprise Oral Quiz

4.5K 222 27
                                    

Pagkatapos ng mga napagusapan sa meeting kanina, I remembered my life outside. Ano na kaya ang nasa utak ng mga parents ko? I'm sure na nag-aalala na sila sa akin at miss na miss na nila ako at ganon din ang nararamdaman ko para sa kanila. Ano na kaya ang nangyayari sa labas? Bakit kahit kailan walang sumugod at nagreklamo sa University na ito? Nakakapagtaka lang talaga na kahit sa tagal ng walang balita ang mga parents sa kalagayan ng anak nila sa loob ng school, walang dumating na kahit isang parent dito para mag reklamo at wala ring ginagawang aksyon ang pamahalaan, wala na ba silang pakialam sa amin? O malaki lang talaga ang tiwala nila sa school?

Malapit na mag 6:00 pm at yun na nga, nakikita namin ni Kazumi at nararamdaman ang mga takot at pangamba ng bawat estudyanteng naglalakakad papunta sa kanilang mga room. Mga estudyanteng natatakot kung mabubuhay pa ba sila sa araw na ito, mga estudyanteng namimiss na ang buhay at pamilya sa labas. Lahat ng students ay na sa rooms na nila ng nag ring ang unang bell para sa first subject naming Science 1.

HIGH SCHOOL DEPARTMENT: FIRST YEAR LEVEL (84 students left)

Third Person's POV:

Sabay sabay na nagsimula ang pasok sa unang subject ng mga students na Science 1. Hindi nila inasahan na may surprise oral quiz pala sila sa kanilang first subject. There are 727 students pa na natitirang buhay. At ngayon may bagong style o paraan na pinairal ang mga teachers para sa ELIMINATION OF LIVES ito ang tinatawag na "Hit the Target". Ito ang bagong paraan nila para kumuha ng buhay, kung saan 50:50 ang chance na mabubuhay o mamatay ang mga students. Sa style na ito tatawag ang mga teachers ng 3 random na pangalan para tanungin at bibigyan lang sila ng 5 seconds para makasagot, only the first answer will be accepted, no answer or wrong answer ay paparusahan sila ng mga teacher ng hit the target. Bubunot ang mga teachers ng hindi tumitingin kung anong gagamitin nilang pampatay sa nagkamali. Maaring mabunot nila ay matulis na kutsilyo, maliit na axe o matulis na itak. Pagkatapos makabunot ay ilalagay sa target area ang student na mali o hindi nakasagot, patatamaan siya ng teacher habang naka blindfold gamit ang nabunot na weapon, depende na kung saang banda o gaano kalala ang tama ng student para malaman kung mabubuhay pa siya o hindi pag hindi naman siya natamaan, swerte siya at mabubuhay pa. Pagkatapos maipaliwanag ng mga teachers sa Science 1 ang instructions nagsimula na silang bumunot ng pangalan para sa oral quiz. Tatlo ang teachers sa Science sa bawat year level at department pero napagkasunduan nilang isa na lang ang magtatanong at pumatay at sa susunod nalang ang iba. Si Mrs. Luciana Ranygan ang unang papatay na Science 1 teacher sa first year high school o grade 7.

"Ok class we will have an oral quiz, surprise!!".

Nagulat ang lahat ng grade 7 sa sinabi ng guro, hindi nila inaasahan na oral ang ibibigay, inexplain ni Mrs. Luciana ang instruction at nagsimula na itong bumunot at nagtawag ng mga pangalan.

"Ok para sa unang matatawag". Sabi ni Mrs. Luciana habang bumubunot ng pangalan.

"Hmm, let's see.... Aha, Eula Ranster".

Tumayo ang estudyante matapos matawag ang kanyang pangalan at agad siyang tinanong ni Mrs. Luciana about Science.

"Give me the scientific name of goat".

"Ahmm, Capra aegagrus...aegagrus.."

"3..2.."

"aegagrus.."

"1!!". Nagulat si Eula ng naubos na ang time niya at hindi pa nakakasagot. Nangamba siya dahil isa lang ang ibig sabihin nun, maaring ito na ang katapusan ng kanyang buhay.

Killer TeachersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon