Chapter 21: Deadly Friendly Battle - Single Battle Round

3.1K 103 11
                                    

Jean's POV:

Naguguluhan ako, magkakalaban ang buong tropa maliban sa akin, sinasadya ba nila ito o nagkataon lang? Nahihirapan kami at randam ko ang takot at tensiyon sa bawat isa, dahil ang mga mata at kilos na nila ang mismong nagpapahiwatig nito.

"Jean, I'm scared" naiiyak na sabi ni Kazumi sa akin.

"Jean, ayokong may masaktan o mawala sa atin" naiiyak ding sabi ni Sheena.

"Shhh, huwag kayong matakot ok? Magtiwala lang kayo, magtiwala lang tayo sa plano. Walang masamang mangyayari sa atin" sabi ko para patatagin ang loob nila.

"Tama si Jean guys, magtiwala lang tayo sa plano natin" -Jeff

"Guys, kung ano man ang mangyari, tandaan niyo masaya ako na nakilala at nakasama ko kayo. Isa kayo sa mga magandang nangyari sa buhay ko at mahal na mahal ko kayo" lumuluhang sabi ni Sky, ewan ko ito ang first time na nakita ko siya at silang umiyak kaya nalungkot talaga ako, pero I know na makakaya namin to.

Matapos ang ilang sandali ng paguusap ay may announcement na ibinigay si Ms. Jhea.

"Students, please proceed to your respected battle room, and to tell you we made some changes from the deadly friendly battle now, so it's not the same as before. Anyway, the full details will be explained to you inside the battle room. Go on now" -Ms. Jhea.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumunta na nga sa kanya kanya naming battle room.

Note: Nangyari ang mga susunod na pangyayari sa eksaktong parehong oras.

Third Person's POV:

Nakapasok na nga ang magkakaibigan sa kanilang battle room. Gaya ng inaasahan sinabi na ang full instructions and details about the deadly friendly battle, tulad lang ito sa sinabi ni Xander,pagpasok nila ay sabay inanunsiyo ang mga pagbabago sa deadly friendly battle.

"Welcome students, we would like to announce that for the single battle round, we would only have Science and History questions, and for the double battle round, you will know later if you survive" sabi ng boses galing sa mic.

Unahin muna natin ang laban nina Sheena at Margarette. Pagkatapos pumasok ay umupo na sila.

"Let the deadly friendly battle begin!!" - isang malakas na tunog galing sa loob ng battle room ng bawat isa.

Umupong kinakabahan si Sheena at Marga, umaasang di mabulilyaso ang kanilang plano at makaabot pa sila sa double battle round.

"Sheena and Marga, please press the blue button." Sabi ng boses na tunog robot galing sa mic.

Sinunod ng dalawa ang inuutos, pagkatapos ma pindot ang blue button ay may lumabas na hologram screen.

"Again, please obey all the rules and there's nothing bad that will happen." Pagtatapos ng boses galing sa mic ng maipaliwanag ang mga don'ts and do's.

"Students, are you ready?"

Bumuntong hininga ang dalawa.

"Yes"

"Then let's begin the battle. Question number 1 Science, what is the chemical name of Chinese salt?"

Killer TeachersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon