Chapter 8: Finding Answers

4.3K 108 3
                                    

Wednesday ngayon  at lahat kami ay kinakabahan sa pwedeng mangyari sa amin. Ayon nga naman sa Orientation Day namin kahapon ngayon daw magbabago ang takbo ng buhay namin. Pagkatapos ng orientation kahapon, marami parin akong tanong na hindi nasasagot dahil hindi naman ito na explain ng principal kahapon. Ano nga ba ang mystery behind sa time schedule namin? Ano ang ginagawa nila sa mga patay na katawan ng mga students? Ano ba ang final exam namin? Wala na bang ibang paraan para makaalis kami sa impeyernong to? Bakit walang lumalabas na teachers o stuff tuwing umaga at kung meron man bakit sila nakabalot?

Sinama ko si Kazumi para pumunta sa hideout ng Night Owl's Squad. Sa paligid marami kaming nakikitang mga umiiyak at natatakot na students, kami ni Kazumi kahit gusto rin man naming umiyak alam naming walang magagawa yan kaya tinitibayan na lamang namin ang aming loob.

Nagmamadali kami ni Kazumi na pumasok sa hideout ng may nabangga kami.

"Ah shit! Ano ba yan hindi nag-iingat", reklamo yun ng isang boses na tunog lalaki. Grabe ang sungit niya naman. Nung tiningnan ko siya para manghingi ng sorry isang pamilyar na mukha ang nakita ko.

"Jeff? Jeff Reyes? Oo ikaw nga!!".

"Jean? Jean Edwards? Oo ikaw nga!!".

"Uy Jeff dito karin pala nag-aaral? Namiss kita ha, Popoyo!". Inasar ko siya sa name na madalas kung tinatawag sa kanya, kasi nung bata pa kami ang tawag niya sa papaya ay popoyo kaya Popoyo na ang tawag ko sa kanya pag inaasar ko siya.

"Ikaw nga rin eh namiss kita Spongy!". Inasar niya rin ako sa pangalan na Spongy yan rin ang name na ginagamit niya pag inaasar ako, mahilig kasi ako kay Sponge Bob simula nung bata pa kami kaya Spongy tawag niya sa akin.

"By the way Jeff, si Kazumi pala bestfriend ko. Ahmm Kazumi si Jeff pala bestfriend at kababata ko".

"Hi Jeff!". "Hi Kazumi!". Binati nila ang isa't isa. Miyembro rin pala si Jeff ng Night Owl Squad at naghiwalay kami ng landas nung elementary, kasi mayaman si Jeff, di ko alam dito pala siya nag transfer at dahil bestfriend kami dream school din namin ang Stavard University noon pero ngayon isang school na na pareho naming kinamumuhian.

Masaya kaming tatlo habang nagkukuwentuhan ng bagay bagay ng may narinig kaming boses na para bang takang taka.

"Aherm, mmm sino siya?". Si Sky pala yun.

"Ahm, Sky si Jeff pala bestfriend at kababata ko, miyembro din pala siya ng Night Owl Squad".

"Ahhh, I see!". Sinagot ako ni Sky na para bang nagaasar kaso nga lang medyo iba ang tono at dating".

"So miyembro ka pala ng Night Owl Squad, kamusta naman ang experience ako kasi first day of school palang kinuha na nila agad bilang member, eh ikaw ba?". Pagmamayabang ni Sky kay Jeff.

"Ahaha, yun masaya maman ang naging experience ko, ang saya kasi dahil 1st year hanggang ngayon ay kasali parin ako sa organization na to". Sinagot ni Jeff si Sky ayon tuloy napahiya si Sky, grabe may bestfriend pala akong matagal na dito at member pa ng Night Owl Squad sa wakas marami na kaming mapagtatanungan ni Kazumi.

Matapos ang mahabang kamustahan at kuwentuhan pumasok na kami sa aming hideout. Eksaktong nandun si Xander kaya kinusap namin siya.

"Xander!!".

"Uy Jean andito ka pala saktong sakto kasi magpapatawag ako ng meeting ngayon, saglit lang ha ipapaalam ko muna sa ibang members".

Medyo badtrip lan na hindi ko man lang siya natanong pero ok lang may meeting pala kami. Dumating na ang ibang members ng Night Owl Squad kaya agad na nagsimula si Xander.

"Mga new at old students, kahapon sa ating orientation nalaman niyo na ang sikreto ng university. Pero alam ko rin na may iba sa inyo na may mga tanong pa na hindi masasagot, ngayon magkakaroon tayo ng forum, kung may tanong kayo paki raise lang ng kanang kamay niyo at susubukan naming sagutin to sa abot ng aming makakaya".

Sa wakas, this is the time na para masagot ang mga tanong ko. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at I raised my right hand para matawag. Swerte namang ako pa ang unang nag raise kaya ako yung natawag.

"Xander, bakit ba sa gabi tayo pumapasok?".

Umayon ang ibang students sa tanong ko at sinagot ako ni Xander.

"Good question Ms. Edwards ay Jean pala, malamang halos lahat ay nahihiwagaan nang unang malaman niyo ang ating time schedule at nakakalungkot na hindi ko rin alam ang sagot. Mga kaibigan yan ang rason kung bakit ko itinayo ang Night Owl Squad, para pag-isahin ang mga students at sama samang magtutulungan na hanapin ang mga sagot sa tanong natin at makalabas ng ligtas sa impeyernong university nato".

"Sir Xander, bago pa lang ang iba sa school nato at ikaw since first year ay andito kana, so may idea po ba kayo kung anong tinutukoy ng principal natin kahapon tungkol sa simula ng pagbabago ng buhay namin ngayon?", a random student asked.

"Oo may idea ako niyan, hindi nabanggit ni Mrs. Victoria Salvez kahapon na simula mamaya ang lahat ng students from each  department ay pag iisahin, ibig sabihin wala ng section section, ang lahat ng first year high school ay iisa na lang, gayun din sa ibang level at departments. Magiging kaklase ng lahat ng first year ang isa't isa, sa second year hanggang 4th year. Sa senior high naman lahat ng Grade 11 ay pag-iisahin at lahat ng Grade 12 gayundin kahit ibat iba man ang strands niyo. Sa college lahat ng students from each different courses ay magiging magklaklase din. Yan ang dahilan kung ba't pareho ang subjects ar schedule natin". Xander answered.

"Ahm wala na po bang iba?". The student continued his question.

"Mahalaga rin na malaman niyo na kailangan niyon mag-aral ng mabuti at iwasang magkamali ng mga sagot at bumagsak sa mga test, dahil walang awang paparusahan lang kayo o kayay papatayin ng mga teachers. Survival game ang patakaran ng school, kaya kung gusto mong mabuhay at magtagal maging matalino ka". Xander answered him again. I raised my hand and Xander called me.

"Xander, bakit ba walang teacher na lumalabas sa school tuwing umaga at anong ginagawa nila sa mga pinapatay nila".

"Once again Jean nice question kaso sorry hindi na naman kita masasagot. Ang layunin ng Night Owl Squad ay para masagot ang tanong niyo at malaman ang sagot tungkol sa misteryo ng school. At gusto kong sabihin sa lahat sa inyo na simula ngayon ay maghahanap at kikilos na tayo, aalamin na natin ang mga sagot dahil nauubusan na tayo ng oras at hindi natin alam kong sinong susunod na mamamatay. Sa umaga lang tayo malayang kumilos dahil pagdating ng gabi makukulong na naman tayo sa takot at pangamba sa ating buhay. Malapit na ang 1st grading at hindi natin alam kung ilan ang malalagas, kaya mas mabuting magsimula na tayo ngayon dahil hindi lang ito para sa kapakanan ng mga graduating students kundi para sa ating lahat na gustong makalabas sa impeyernong ito ng buhay. Meeting adjourned".

Pinalakpakan namin si Xander matapos masabi yun dahil sa wakas magkakaisa na kami para makahanap ng sagot, mas maraming kaibigan mas maraming magtutulungan mas madaling makahanap ng sagot. Isa rin sa unang misyon namin ang magparami ng members. Mamayang gabi masusubukan ang aming kakayahan, mamaya tuluyan ng magbabago ang aming buhay. Hinatid parin kami nina Sky at Julius, at di ko inaasahang sasabay palasa paghatid si Jeff, masaya kaming lahat na nag dra-drive pauwi kanina. Pero pag dating sa room ko biglang nawala ang saglit na kaligayahan dahil walang kasiguraduhan ang aming kaligtasan simula mamaya pero isang bagay lang ang alam ko hindi magtatagal makakawala rin kami sa letseng impeyernong paaralan nato.

Killer TeachersWhere stories live. Discover now