Chapter 17: Lunch and Love (Julius and Kazumi)

3.4K 103 8
                                    

......nagulat ako ng biglang may humila sa mga kamay ko at niyakap akong bigla sa isang sulok. Nagkatinginan kaming dalawa ng malalim pagkatapos niya akong niyakap. Tapos, ginapos niya ang dalawang kamay niya sa waist ko.

"Sk-Sky?" Nauutal ako dahil sa pagkagulat, bigla niya nalang akong niyakap. Maya maya pa'y nakikita ko na lumuluha ang kanyang mga mata.

"Sky? O-ok ka la-lang ba?" Di ko maiwasang mautal dahil hinila niya ako papalapit sa kanya, konti nalang at magkakadikit na ang aming mukha. Patuloy siya sa pag-iyak, kaibigan niya ako kaya di ako nagdalawang isip at niyakap ko rin siya. Hinagod ko ang kanyang likod para e comfort siya.

"Sky? Ano bang problema? Sabihin mo lang at makikinig ako sayo?"

Nairita ako nang marinig ko ang halakhak niya.

"Sky? Umiiyak ka pa rin ba o tumatawa?"

Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at tiningnan ang kanyang mga mata. Wala na ang luha at parang nakangiti pa siya.

"Hahaha!! Concerned ka pala talaga sa akin Jean, sabi na nga ba at gusto mo rin ako!!" Natatawang sabi ni Sky.

So ibig sabihin, acting niya lang yun?

"Anong ibig mong sabihin?" Naiinis kong tanong.

"Wala, acting lang naman yun at yung luha? May nakita kasi akong eye drop kaya ginamit ko para gumawa ng fake tears hahahhahaha, uy concerned siya."

Naiinis na talaga ako sa kanya.

"Asa ka pa? Kaibigan kasi kita kaya natural lang na mag-alala ako nuh, walang malisya dun." Depensa ko

"Ok, sige maniniwala ako. Pero ang sarap mo palang mayakap Jean."

Namula ang mga pisngi ko ng marinig iyon, tas naalala ko ang mga linya ng mga nauna niya pang sinabi: sabi na nga ba at gusto mo rin ako. Gusto ko rin siya? So ibig sabihin may gusto siya sa akin?

"Oh, bakit namumula yang mga pisngi mo? Kinikilig ka noh?" Pangaasar niya sa akin.

Kinikilig? Medyo. Ano ka ba Jean? Mag focus ka nga. Ewan ko pero gusto ba ako ni Sky?

"Baka ikaw ang may gusto sa akin..."

Di ko alam kung anong idudugtong ko kaya napahinto ako, then he gently grabbed my hands at mas lalo akong napalapit sa kanya. Bumulong siya sa akin.

"Jean, di ba halata?" Ang sarap lang pakingan ang maginaw niyang boses.

Ewan ko pero parang nanginig ako sa sinabi niya.

"Hahahaha joke lang, umasa ka naman agad." Pagbasag niya sa katahimikan.

"Diyan ka na nga!!" Sigaw ko sa kanya at tuluyan na ngang umalis sa kinatatayuan ko.

"Uy easy ka lang...."

Di na niya natapos pa ang sasabihin at hinila niya ako pabalik sa kanya, napaharap ako sa kanya at bigla niyang inilapit ang mukha ko sa kanyang mukha, nagtitigan kami for like 2 seconds at bumulong na naman siya ulit.

"Sabay na tayo Jean."

"O-ok"

Lumabas na nga kami sa sulok, hinawakan niya ang kanang kamay ko pero inalis ko ang kamay niya kasi parang naiilang ako at sinundan namin ang siguradong naghihintay naming mga kaibigan.

Killer TeachersWhere stories live. Discover now