Chapter 11: The Hidden Place

3.5K 166 6
                                    

Sky's POV:

Nawala sa aming paningin si Jean kaya nagulat nalang kami ng marinig namin siyang humihingi ng tulong. Pinuntahan namin nina Jeff, Julius at Kazumi and direksiyon kung saan nagmumula ang kanyang boses hanggang sa.

"Shit!!". Napasigaw na lang ako ng muntikan nang mahulog sa isang napakataas at madilim na butas more like a trap.

"Baka diyan nahulog si Jean, ano na kayang nangyari sa bestfriend ko?". Pag-aalalang tanong ni Kazumi.

"Hindi natin alam, mabuti pa at sumigaw tayo para malaman natin kung may tao ba diyan". Suggestion ni Jeff wala kaming choice kaya sumangayon nalang kami sa kanya.

"Jeeeeaaaaannn!!! Andiyan ka baaaa??!!". Sigaw namin ng sabay sabay para mas malakas at para mas marinig niya. Sinubukan namin iyon ng paulit-ulit.

Jean's POV:

Nagising nalang ako ng marinig ang aking pangalan di ko namalayan na nahimatay pala ako kanina dulot ng mga nakita kong mga kalansay ng tao. Siguro dito nila nililigpit ang pinapatay nila. Para makalabas na ako sinagot ko sila.

"Guys???!! Oo andito ako!!!!". Sigaw ko ng ilang beses ng napakalakas para marinig nila.

"Wait ka lang Jean, bababa ako para kunin ka!!!!". Tinugon din ni Sky ang sigaw ko kaya naibsan ang takot ko.

"Sige!!!". Dagdag ko pa.

Ilang minuto lang ang nagdaan at may hinagis sila sa aking mahaba at matibay na baging, aakyat na sana ako ng nakita kong pababa si Sky kaya hindi ko nalang itinuloy. Di nagtagal at nakarating din siya sa akin.

"Jean..". Nabigla ako ng bigla niya akong niyakap, ano kayang nangyari dito? Pero ewan ko at sinagot ko din siya ng aking mga yakap, kaya ilang segundo rin kaming nagyakapan.

"Okeeey lang ba kayo diyaaaan???!!". Pangungumusta ni Jeff kaya natigil kami ni Sky.

"Oo!!!". Sigaw pa namin.

"Salamat naman at ok ka lang Jean". Sabi pa niya, kaya natuwa ako dahil nag-aalala rin pala tong mokong nato sa akin kahit parati akong inaasar.

"Oo nga eh". Sagot ko sa kanya.

"Bakit ka pa bumaba dito? Kaya ko naman eh, naabala pa kita at baka tanawin ko pang utang na loob  to sayo noh". Dagdag ko with pabebe tone.

"Ano ka ba ok lang basta ikaw, at baka mahulog ka pa at hindi ako ang makasalo sayo nuh". Matamis niyang sagot.

"Eeeh, concern siya!!! Baka naman ikaw ang may gusto sa akin?". Pangungutya ko pa.

"Sa totoo niyan.....wala noh, concerned lang talaga akong tao". Sagot pa niya akala ko gusto niya ako sayang.

Aakyat na sana kami ng napansin na parang may liwanag na nangagaling sa isang sulok. Pinuntahan namin ito at di inaasahang isa pala itong pintuan. Na curious kami kaya dahan dahan namin itong binuksan. Bumulantad sa amin ang parang isang laboratory pero iba sa laboratory na usual naming ginagamit.

Napaka high tech sa loob nito. Nakita pa namin ang napaka laki at malawak na screen, na sure akong touchscreen. Ilang sandali pa at umilaw ito at dun namin nakita ang mukha ng mga students na nag-aaral sa Stavard at bawat details nila ay nakalagay sa ilalim ng mga pangalan nila. Nagulat kami ni Sky nang makita yung pangalan namin ni Kazumi, Xander, Julius, and Jeff na nakahiwalay sa parte kung saan nabibilang ang ibang students. May nakalagay pa sa ibabaw namin na label "Special Students" hindi ko alam kung bakit kami pa talaga magbabarkada ang nilagay sa special students. Pano naman kami naging special?

Killer TeachersWhere stories live. Discover now