Chapter 23: Double Battle Round

3.4K 124 78
                                    

Author's note:
Para di kayo maguluhan sa chapter na to, ang laban lang ni Jean ang highlight natin. Sino kaya ang kakampi at mga kalaban niya?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jean's POV:

Pumasok na ko sa battle room namin. Apat kaming andito pero di ko alam kung sino sila. May katabi ako at sa harapan namin may dalawang taong nakaupo. Hindi ko alam, pero aura pa lang nila ay kinakabahan na ako. Para akong natatakot na di ko maipaliwanag. Ilang saglit pa habang nakaupo ako, may pumasok na dalawang tao, di ko rin alam kung sino sila. Naguguluhan ako, bakit parang di ko sila makita ng maayos?

"Dear students, kindly blink your eyes twice" Ang boses na yan, very familiar sa akin. Tama!! Si Ms. Jhea!!

Sinunod namin ang utos ni Ms. Jhea, after blinking my eyes twice, ang linaw ng paningin ko. Kita ko agad si Ms. Jhea at Mrs. Barbara sa gitna. Tiningnan ko kaagad ang katabi ko. Sa lahat ng pwedeng maging kasama ko bakit siya pa? Pareho kaming gulat na gulat ang reaksiyon. Kita ko rin ang inis sa mukha niya. Ang naiinis na mukha ni Giana.

Ibinaling ko ang paningin ko sa magiging kalaban namin. Kaso, kahit anong pilit ko, buong katawan lang ang nakikita ko sa kanila, pero ang mga mukha nila ay di ko makita. Katawan lang nila na naka all white ang nakikita ko. Pero base on the body shape, alam kong lalaki at babae ang kalaban namin.

"Students we're very sorry to say this, but we changed some rules and some battle mechanics to give you some surprise hahaha" Sabi ni Ms. Jhea na tumatawa pa. Nakakainis talaga, gandang ganda at hangang hanga pa naman ako sakanya noon.

"Instead of having questions related to your subjects, this time we will have riddles and logic. In regards with the changes of some of the rules and battle mechanics, listen carefully. First, as you can see, you can only see your partner and us. Yes, both of you can't see your opponent only us and you're partner. Now, we added some rules and that is when you hear the voices of your opponents and it seem familiar, you can't mention their names or any names as well as your partner's. Now, if you got to mention a name you'll receive a punishment. The punishment is still the electric chair. One name, one shock in both partners. Second, we remove the life saver so you only have to choose an attack. Your answer must be given 5 seconds after we finish reading the question. There will be a total of 10 questions, if both teams get the correct answer at the same time then they are safe. Now, if one team can't get the correct answer they still have a chance to not get an attack only if they can answer a random question from any subject, 2 seconds after we finish reading the question. That's all for the changes, some rules remain the same" Mahabang explanation ni maam, kung noon mahirap na ang double battle mas mahirap na ngayon. Lalo na ngayon, hindi ko kilala ang makakalaban ko at hindi kami magkasundo ng kakampi ko. Pano na to ngayon? Bahala na, basta gagawin ko na lang kung anong dapat, at kung manalo man kami sana mapatawad kami ng taong masasaktan namin.

Third Person's POV:

Kinakabahn si Jean hindi lang para sa kanila ni Giana, pati na sa mga kaibigan niya. Iniisip niya na hindi rin pala nila magagamit ang plano nila. Paano kung makalaban nila ang isa't isa? Eh di wala silang kaalam alam na kaibigan pala nila ang makakapatay sa kanila. Nagaalala siya dahil paliit ng paliit na ang chance nilang makalabas sa university ng buhay at magkasama. Lalo na ngayon, nawalan na sila ng kaibigan na si Marga at naiba pa ang double battle round.

"So students, good luck and let's start the deadly friendly battle, double battle round." -Mrs. Barbara

"Let's do this together, good luck to us" Bulong ni Jean kay Giana.

Killer TeachersWhere stories live. Discover now