Chapter 24: After the Activity

3.8K 138 82
                                    

Ms. Jhea's POV:

"So ano na? May lead na ba kayo sa kung sinong posibleng gumawa nito?" Galit na galit na ako.

"Sorry maam, pero hanggang ngayon po wala pa rin. Matalino kasi kung sino man ang gumawa nito kasi pati record ng security cameras na hack at dinelete nila pati na ang ibang records na pwedeng magturo kung sino sila" sagot ng isa sa worker ko.

"How about the power supply kailan pa ba ito mababalik?"

"We can fix it maam, maybe tomorrow tapos na po lahat"

"Just make sure of it, alam niyo na man na electrically powered ang nga machines na nag ooperate kay Dad. At pag may mangyaring masama sa kanya, katapusan na rin ng lahat ng pinaghirapan natin" inis na inis kung sagot. Hindi pwedeng hindi nila ito maayos ng mabilis baka in the next 3 days maaring mamatay si Papa at ayokong mangyari yun, mahal na mahal ko siya at susi rin namin siya.

"Yes maam, don't worry"

"Well then, I have to go. I will do my own ways na rin para malaman kung sino ang may kagagawan nito, malalagot talaga sila sa akin"

"Sige po maam, bye"

Umalis agad ako sa control room. I need to go and check my father Dr. Kenroe. Pagdating ko dun, nakita ko kaagad si Papa. Na miss ko tuloy lahat ng bagay na pinag gagawa namin noon. Sobrang saya namin noon, pati na ang lahat ng tao sa village namin. Kung hindi lang sana talaga nangyari yung mga nangyari noon, siguro masaya at normal pa rin ang pamumuhay namin ngayon.

Kung sino man ang nag hack ng system namin, malalagot talaga sila. Imposible naman na studyante ang gumawa nun kasi lahat sila nasa deadly friendly battle field kahapon. Pero para makasiguro, papupuntahin ko na lang dito si Mr. JR, baka kasi may kinalaman sina Jean at mga kaibigan niya sa mga nangyari kaya siya lang makakasagot sa  mga tanong ko. Wag siyang magkakamaling magsinungaling sakin dahil alam na niya ang parusa niya.

From: Ms. Jhea
To: Mr. JR
[ Mr. JR, pumunta ka sa office ko sa Stavard Main. May paguusapan lang tayo at bilisan mo.]

20 minutes at andito na si Mr. JR o JR na lang para mas madali. Isa sa paborito kong student dito sa Stavard. Buti na lang talaga at natakot siya sakin noon kaya loyal siya, siya nga ang mata ko sa mga aksiyon na ginagawa ng mga students, gaya na lang ng Night Owl Squad.

"Good morning Ms. Jhea" bati niya sa akin.

"So, may paguusapan lang tayo na importante ngayon"

"About what po maam?"

"Alam mo naman siguro kung anong nangyari kahapon diba?"

"Yes po Ms. Jhea, bakit po ba?"

"Good. Well, I just want to ask you kung may kinalaman ba kayo ng kaibigan niyo o ang Night Owl Squad sa nangyari? Meron ba JR? Wag kag magsinungaling sa akin" mataray na sabi ko sa kanya. Mukha naman siyang natakot kaya aamin siya.

"Wala po Ms. Jhea, wala kaming kinalaman sa nangyari kahapon. Lahat po naman kaming students nasa field nung mga time na yun eh, at hindi naman nag plano ang Night Owl Squad nun" sagot niya.

"Are you sure? Malalaman at malalaman rin naman namin ang sagot at kung ako sayo mabuti pang sabihin mo na ang totoo, you know the consequences right?"

"Sure po ako maam, wala po talagang kinalaman ang Night Owl sa mga nangyari. Imposible naman po na mga students ang gunawa nun, lahat kami andun sa field sa mga oras na yun at hindi po naman namin kaya na pumunta dun at lalo nang ma hack ang system ng Stavard" sagot niya.

May point nga naman siya, imposibleng mga studyante ang gumawa nun, pero sino naman kaya? May traydor ba sa staff namin? Well that's for me to find out, lagot sila pag nahuli namin sila. Wala naman akong makukuha pang informations kay JR kaya papauwiin ko na lang siya.

Killer TeachersWhere stories live. Discover now