Sa tingin ko ay lumagpas ako ng isang oras sa paliligo dahil nalibang ako sa paglalaro sa mga bula. I put on the prepared robe inside the bathroom for my body and the towel for my hair. Pagkalabas ko sa banyo ay mayroon akong nadidinig na mumunting ingay sa living room. Napakunot ang aking noo at lumapit doon bago dahan-dahang binuksan upang sumilip.

I saw a gay and a woman laughing at each other while preparing things. I saw a lot of make-ups, flat hair iron, hair blower and the likes. My gown was even properly hanged and my shoes were displayed on the top of the center table along with the very expensive handbag.

Muli ko namang sinarado ang pintuan at saka sumandal sa likod nito. For sure, Rojan hired them to help me prepare for tonight. Lubos tuloy akong napapaisip kung ganoon ba kaimportante ang party mamaya para lamang pagka-aksayahan ng ganito.

I gasped when I suddenly felt and heard someone knocking on the door. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Bago ko pa mabuksan ang pintuan ay nadinig ko na ang pagsasalita ng babae sa labas ng kwarto.

"Uh... Ma'am?" nag-aalangan niyang pagtawag. "Tapos na po ba kayong maligo? Kung tapos na po kayo, maaari na po kayong lumabas para maayusan namin."

Even though I was so shy, I didn't want to be rude. Pumikit ako nang mariin bago nagdesisyon na magsalita. "Tapos na ako," sabi ko. "I'll be out in a bit."

"Oh, sige po!" maligalig niyang sabi at nadinig ko na ang kanyang hakbang papalayo sa may pituan.

Tinakbo ko ang aking distansya patungo sa may tukador at nakitang maayos naman ang aking hitsura. I took a deep breath for a few times before I decided to finally let myself out of the room and let the stylists do their work.

"Kapag natural na maganda talaga ang inaayusan, mas lalo akong ginaganahang ayusan," ngiting-ngiting sabi ng bading sa isang pambabaeng tinig habang kinakalat ang kakaunting liquid foundation na inilagay sa aking mukha.

I told him to only put light make-up on my face because I tend to get uncomfortable whenever I wore heavy make-ups. It's a good thing that he told me that it was what he already planned the moment he saw me.

"Bagay na bagay nga sila ni Sir Rojan. Hindi nakapagtataka na girlfriend ka niya, Ma'am," hirit pa ng babae na mukhang kinikilig dahil sa bahagyang pamumula ng kanyang pisngi.

Halos masamid naman ako sa sinabi ng babae. Malanding tumawa ang bading at halatang kinikilig din.

"Uh... Hindi niya ako girlfriend," pagtatama ko sa kanilang haka-haka.

"Oo naman, Ma'am, alam namin na hindi ka niya—"

Napatigil sa pagsasalita ang babae nang may mapagtanto. Sabay silang nagkatinginan ng bakla na nag-aayos sa aking mukha. Parehas silang mukhang hindi makapaniwala sa narinig galing sa akin.

"Hindi ka po niya girlfriend?!" sabay nilang sabi at napataas pa ang boses.

Hilaw naman akong ngumiti at saka tumango. "Sekretarya niya lang ako," paglilinaw ko sa aking posisyon sa buhay ni Rojan.

"Aba't kay gandang sekretarya naman!" Muling bumalik ang bading sa aking harapan upang ako'y titigan pagkatapos kuhanin ang eyeshadow palette. "Tingnan mo ang balat at kutis! Parang alagang mayaman. Ano ba ang skin care routine mo, girl? Baka pwede mo namang ishare sa aking parang pinipig na mukha."

Alam kong biro niya lang iyon kaya nakitawa na lang ako. Dinaldal nila ako nang dinaldal hanggang sa matapos nilang ayusan ang aking mukha at pati na rin ang buhok.

I was satisfied with how my look ended up. I looked simple yet elegant. The make up did a very good job in highlighting my facial features. It was like a natural make up look with a twist.

Lethal AttachmentWhere stories live. Discover now