Mabuti na lang at napigilan ko ang aking sarili sa paghalakhak. I tightly pursed my lips to keep myself from laughing. Nilingon ko na lang din ang bintana sa aking gilid habang iniisip ang sinabi ni Rojan.

Paano siya hindi magiging mailap sa babae, eh, ikaw lang naman ang gusto niyang makita, makasama at makausap, Rojan. Grabe! Hindi ako makapaniwalang talagang napaniwala ng bading na 'yon si Rojan. Nagawa niyang maitago ang kanyang totoong pagkatao sa loob ng halos na dalawang taon. Kahanga-hanga talaga ang pagtatago ni Laurel.

Pakiramdam ko ay biglang nahulog ang aking puso nang naging mabilis ang pagliko ng sasakyan patungo sa parking lot ng isang mamahaling mall. Nilingon ko si Rojan at kitang madilim lamang ang kanyang titig sa harapan at mahigpit ang hawak sa manibela.

We're still almost an hour away from Resorts World if my estimation was correct. I didn't know why he suddenly pulled the car in this mall. Maybe he has another unscheduled meeting with someone.

"Uh... Do you have another unscheduled meeting, Sir?" I formally asked Rojan when he already parked the car on the top floor of the parking lot.

"No, I don't," he simply answered before pulling his car keys from the ignition and going out of the car without any other word.

Alam ko namang dapat akong sumunod sa kanya kaya nagmamadali na rin akong lumabas ng sasakyan. Nang makitang nakalabas na ako ay pinatunog niya ang kanyang sasakyan upang mailock at saka nagsimulang maglakad papasok sa building.

He was walking with full confidence while both of his hands were slid inside his pants' pockets. On the other hand, I followed him with my head down and keeping a huge amount of distance between us. He, then, suddenly turned to an expensive boutique which was full of formal dresses and gowns with various designs and colors.

I remained standing outside the boutique and watched Rojan being flocked by the staffs. Ang tingin sa kanya ng mga kababaihan doon ay tila isang pagsamba. Their eyes were filled with adoration and amusement as they stared at him but his eyes were busy scanning the racks before looking back at me.

He briefly cocked his head on one side as a sign that he wanted me to go inside the boutique. The staffs immediately followed Rojan's line of vision and found me in the end of it. Hindi ko na ngayon maintindihan ang kanilang mga tingin. Pakiramdam ko ay sinusuri na ako nila ngayon nang mabuti dahil kasama ako ng lalaking kanilang tinitingala.

Nang hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa ay lumapit sa akin si Rojan. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at saka hinila papasok sa loob ng boutique. Nalipat ngayon ang tingin ng mga staffs doon sa kanyang kamay na nakahawak sa akin. Bago pa ako kumawala sa kanyang pagkakahawak ay binitawan na niya ako at saka pinaunlakan ng tingin ang mga kababaihang handang magsilbi sa kahit anong iuutos niya.

"Can someone please assist her in choosing a gown?" Rojan asked in a polite manner.

Not just a mere staff of the boutique, but the manager immediately stepped forward with her head slightly bowed. "It'll be my pleasure to assist her, Sir."

"Thank you," Rojan courtly said before turning to me. "Mamili ka na ng isusuot mo mamayang gabi. I'll wait for you."

Bahagyang nalaglag ang aking panga dahil sa kanyang sinabi. Wala sa sarili kong hinawakan ang kanyang braso bago pa siya tumungo sa couch dito sa loob ng boutique. Agad na dumako ang kanyang mata sa aking kamay na nakahawak sa kanyang braso kaya walang salita ko iyong binitawan.

Slowly, he lifted his gaze back to mine and his brows shot up. "What?"

"Hindi ko naman na kailangan pang mamili ng isusuot para mamaya. Ayos na itong suot ko o kaya ay uuwi na lang muna ako para magpalit kung ayaw mo sa suot ko," sabi ko sa kanya bago inilibot ang tingin sa mga mamahaling damtit na nakadisplay. "Paniguradong mamahalin ang mga ibinebenta rito."

Lethal AttachmentWo Geschichten leben. Entdecke jetzt