(44):Actward

80 4 0
                                    


CHAPTER 44:ACTWARD

***

*Azir Point Of View's*

Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa  ingay na aking naririnig mula sa labas ng kwarto.

Hihikab-hikab pa akong tumayo sa kama at lumapit sa bintana sabay hawi sa kulay puting kurtina.Napatakip ako sa aking mukha ng tumama ang sinag ng araw sa aking mukha.Nakakasilaw ang liwanag.Naalala ko tuloy sila manangs.

Patuloy pa rin ang ingay na naririnig ko mula sa labas.May naririnig akong tawanan na nag mula sa tinig nang  babae.
Dinampot ko ang glases ko para suutin ito.Nilinis ko pa ang mata ko baka may muta pa ito.

Naglakad ako palabas ng kwarto.Sa kusina nagmumula ang ingay na naririnig ko na abot sa kwarto.

"Tinamaan kana nga ata ni kupido sa babaeng yon,"Sabi ng babae at hinampas pa ang braso ni Mr.Andrex na naghahalo ng kape.Sinamaan nya naman ng tingin ang babaeng kasama nya,or should i say ang girlfriend nya.Muli na namang natawa ang babae,hindi man lang ito nasindak sa galit na tingin ni Mr.Andrex.

"Ayos rin yong hokages move mo, bentang benta"

Tawa lamang siya ng tawa habang si Mr.Andrex ay halatang naiinis na sa kanya.

"Lumabas kana nga lang dito."Tinulak niya ang babae na hindi naman malakas kaya hindi ito natibag.
Hindi ko alam kong normal lang ba ang kanilang pag uusap.Kong normal lang bang ganyan ang usapan ng mag kasintahan.
Siguro ganyan sila mag bonding?

"Mamaya na pagtapos na kitang kantyawan,"Sarkastik nitong wika.

"Oppps!huwag high-blood."Pigil nito sa nagliliyab na Mr.Andrex.Pero ang pagtawa nito'y hindi maalis-alis.
Tila'y enjoy na enjoy itong pag tripan si Mr.Andrex.

"Pero alam mo maganda sya,kaya nga lang mukhang inosente at ----"Hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin ng mapalingon ito sa direksyon ko.Napatago ako sa pader na katabi nito.Isinandal ko ang likod ko dito sa pader at pinakiramdaman ang paligid.Para akong tangang nagtatago kahit huli na.Ang lakas rin ng tibok ng puso ko,baka magalit na naman siya sa akin at mabulyawang chismosa ako.

"Paano ba yan aalis na ako ng mabigyan naman kayo ng privacy."Naramdaman ko na ang mga yapak niyang papalapit sa akin.

Alanganin ko syang binigyan tingin ng tumigil ito sa paglalakad sa tapat ko.

"Enjoy your meal!"Huli nitong binitawang salita bago ako iniwan.Tatlong beses na kaming nagkikita pero ni unang letra ng pangalan nya hindi ko alam.

"Lumabas ka riyan at lumapit dito!"

Kahit hindi niya banggitin ang pangalan ko alam kong ako ang tinutukoy nya.

Dahan dahan naman akong lumabas,hindi ako makatingin sa kanyang mukha dahil hindi maalis sa aking isip ang kaganapan kagabi.
Hindi ko alam kong alam nya pa ang pangyayari o talagang dala lamang iyon ng alak.

Sana naman hindi niya iyon maalala kahit kinuha niya ang first kiss ko.Sa totoo nyan nahihiya ako sa mga pinag sasasabi ko kagabi.

"Ano pang ginagawa mo dyan?tutunganga na lang ba?"

Nahihiya akong naglakad palapit sa kanya.May nakahain ng pagkain sa mesa.
Tahimik akong naupo sa bangko dito sa tapat nya.Salisi ang aking tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

"Kumain ka na"

Nanginginig kong itinaas ang kamay ko para kumuha ng pagkain.Naiinis ako sa aking sarili dahil hindi ako mapakali.

"Ano ba Azir?Umayos ka nga nagmumukha kang tanga sa harapan niya,hindi ka nya kakainin mukha lang siyang mangangain"

Kahit anong gawin kong iwas sa narararamdaman kong kaba hindi pa rin ito mawala.Binitawan ko ang kutsarang hawak ko dahil sa panginginig ng kamay ko.
Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa halo-halong nararamdaman.

Hindi ako mapakali at naiilang ako sa kaharap ko lalo pa't sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang paghalik nya sa akin.

"Forgot it!Forgot it,Azir!"

Paulit-ulit kong utos sa aking sarili ngunit paulit-ulit lamang nag re-reply sa aking utak ang eksenang yon.

"Psh!"

Napaawang na lamang ang aking labi ng marinig ko ang kanyang pag singhap.
Walang ingay na naririnig mula sa aming bibig,pero pakiramdam ko ang gulo-gulo ng katawan ko.
Halo-halo kasi ang nararamdaman nito.

Naiilang ako sa lalaking kaharap,tapos ang lakas lakas pa ng tibok ng puso ko na nakapagpahingalo sa akin para akong tumakbo ng limang ikot sa oval court,dinagdagan pa ng aking tiyan na sumasakit dahil sa nerbyos pakiramdam ko'y may mga paru-paro dito na nag liliparan.Mula rin sa pagkakaupo ay hindi ako mapakali,para akong inasinan na bulate.

Kong sakali mang maalala nya ito hihilingin ko talagang mula sa pag kakaupo ko sana lamunin ako ng semento.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo kaya nasundan ng mga mata ko ang kilos nya.Tumungo siya sa ref.Napabuntong hininga na lang ako at kinuhang pag kakataon yon para lagyan ng pagkain ang plato ko.Kahit papano'y nawala ang ilang ko at nakagalaw ako ng maayos ng mawala sya sa harap ko.Pero agad rin itong bumalik ng maramdaman ko ang presensya nya.Mabuti na lamang may pagkain na ang plato ko.

Pareho kaming natigilan ng may narinig kaming kumatok.Tatayo na sana siya para daluhan ito ng pigilan ko sya.

"A-Ako na."Hindi siya sumagot pero bumalik siya sa pagkakaupo.Sapat na yon para malaman kong pumayag siyang ako na ang pumunta sa pinto.

Wala na akong inaksayang panahon dali dali ko syang iniwan,habang nag lalakad ako binabawi ko naman ang aking paghinga.

Akala ko ang girlfriend nya ang mabubungaran ko,hindi pala kundi ang nag papanggap na girlfriend lang pala.

"What are you doing here?"Bakas agad sa kanyang boses ang galit kaya napaatras ako mula sa harap nya.Hindi ko sya matitigan sa mga mata na alam kong titig na titig siya sa akin.

"Ang lakas ng loob mong pumunta dito!Because of you hindi natuloy ang laro."Wala akong masabi sa lahat ng paninisi nya.Hindi ko kayang harapin ang nagliliyab nyang mga mata.

"Leya,what are you doing here?"
Biglang sumulpot sa harapan namin si Mr.Andrex at humarang sa harapan ko.

"The heck!anong ginagawa ng babaeng yan dito ha ha?Paalisin mo yan dito!"Histerical nitong sigaw.Napayuko naman ako don.
Ayaw ko naman talagang mamalagi dito sadyang mapilit lang si Mr.Andrex at natatakot ako sa kanya.

"Damn you,Leya!.Ako ang mag dedecide kong aalis sya dito o hindi.Condo unit ko to at hindi iyo, kaya kong sino man ang dapat umalis dito yon ay ikaw!"Nayayamot na sigaw ni Mr.Andrex.

"Aalis na ako!"Ayaw kong magtalo na naman sila dahil sa akin.Mas mabuti ng umalis na lang ako para matapos na ito.

Pero hindi ko pa naman nagagawa ang paghakbang na gagawin ko bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kanya kaya nabangga ako sa malabato nyang katawan.

"Hindi ka aalis."Ramdam ko ang kanyang hininga.Malapit lang ang kanyang mukha sa'kin.

"NOW LEAVE!"

Matigas nitong utos.Hindi ko alam kong sa akin ba o kay Leya.Pero sa tingin ko si Leya ang pinapaalis nya dahil hanggang ngayon mahigpit pa rin ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"BUT ---"

"NO MORE BUTS!"Walang nagawa ang Leyang nag mamaktol kay Mr.Andrex na galit na galit.

"Hmmmmp!Hindi pa tayo tapos."Nayayamot nitong banta sa akin,dinuro nya pa ako bago nilisan ang aming harapan.

"Ano ba?Nasasaktan ako."Pagpupumiglas ko dahil ramdam ko ang sakit dulot ng matitigas nyang kamay.
Agad nya naman akong binitawan at tiningnan ng masama.

"At saan ka pupunta?"Napalunok ako ng sarili kong laway ng tingnan nya na naman ako ng matalim.

"U-uuwe na ako.Hinahanap na ako sa bahay."pagdadahilan ko at nag iwas tingin.

"PUNTA SA KUSINA!"












Made By:KNIGHTKILLER15

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Where stories live. Discover now