(33):Stolen

93 4 0
                                    


CHAPTER 33:STOLEN

***

*Azir Point Of View's*

Hinihingal akong naupo sa bangkong nandirito.Pagod na pagod na ako dahil sa asungot na yon na magaling mag utos.

Utos dito,utos doon.Hindi ko pa nga nababawi ang lakas ko may panibago na naman siyang utos.

Namumuro na sya,pasalamat sya takot ako sa tingin nya.Sino ba naman ba ang gustong kainin nya ng buhay?

"Hoy Nerd,ibili mo nga kami ng tubig"Ayan na naman po sya.Utos na naman na para bang binabayaran nya ang oras ko lalo na ang pagkapagod ng katawan ko.

"Pagod pa ako"Ngiwi kong ani at tiningnan siya ng nakangiwi.Tiningnan nya naman ako ng masama na talaga namang susunod ka dahil sa mga mata nitong mapagbanta.

"Susunod or else?"Inis akong tumayo mula sa pagkakaupo.
Hindi pa nga ako nakakabawi sa lakas kong nawala dahil sa  pagkuha ng P.E uniform nila sa mga locker tapos ngayon may panibagong utos na naman.
Nananadya na talaga siya?
Gustong gusto nya talaga akong nakikitang nahihirapan.

"Akin na"Inis kong bulalas at pagkuha sa perang pambili.
Ano sya sinuswerte kong ako pa ang magbabayad?

"Galit ka?"Tiningnan nya ako ng matalim.

"Hindi,masaya nga po ako oh"Sarkastik akong ngumiti.Kahit papano'y kaya ko ng makipag usap sa kanya,kaya lamang ay may limit.Sa tuwing titingnan nya ako ng masama tumitiklop ako.Atleast kaya ko na syang kausapin at tirisin sa inis,kaya nga lang sa isip ko lamang siya natitiris.

"Psh"Singhap niya at hinagis sa mukha ko ang limang daang piso.Tinalikuran na nya ako na nakapag pakunot sa noo ko.

Kahit kailan talaga napakawala nyang modo.
Inis kong pinulot ang limang daang piso na nasa semento na.

"Argh!He getting into my nerves"Pabulong kong sigaw at dali daling lumabas ng cover court.
Hindi ko alam kong hanggang kailan nya ako magiging alalay,basta ang alam ko hindi ito maganda.Naiinis na ako at sawang sawa na sa araw araw nya akong pinapahirapan at inuutusan na para bang personal maid nya ako.

Palagi akong hindi nakakapasok sa pang last lesson namin sa hapon dahil sa kanya.Kapag hindi ako nakakarating sa aming tagpuan,which is ang cover court sa oras na napag kasunduan pupuntahan ako nyan sa loob ng aming silid at iisturbuhin ang aming guro na nagtuturo.

Pagkadating ko sa cafeteria agad akong bumili ng mineral water na hinihingi nya.Sinamahan ko na rin ng burger at fries just in case na magutom sila.

Baka mamaya nyan kumalam ang kanilang sikmura at utusan na naman ako.Mas mabuti na yong handa para hindi na ako pabalik balik.

"Campus Nerd,here your order"Hindi na ako nagulat sa ateng tindera na ito.Simula ng bumili ako sa kanya ng mineral water na hiling rin ni Mr.Andrex yan na ang tawag nya sa akin.

Binigay ko ang perang hawak ko.
Hindi rin naman nagtagal ibinalik na nya sa akin ang sukli.

Sariling sikap kong binuhat ang tray na nag lalaman ng kanilang pagkain at inumin.

Kaya lamang ay may tumisod sa akin na hindi ko namamalayan.
Nahulog ang tray na hawak ko kasama ang laman nito,ako naman ay nakadapa sa semento at ngayo'y pinagtatawanan na ng maraming estudyante.

Agad rin naman akong bumangon at inayos ang sarili.Don ko nakita kong sino ang may kagagawan nito.Hindi si Mj o ang dalawa nitong kaibigan na si Leya at Hera na hindi pa nakakabalik sa Campus kundi si Miss Relis na pumalit sa dalawa.

"Oppss sorry"Natatawa niyang turan at muli na naman silang nagtawanan ng mga kaibigan nya.

"Hoy Relis,baka gusto mong padain ko sa pagmumukha mo ang train."Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.Nandyan na naman ang savior ko mula sa kamay ng mga bully,walang iba kundi si,Sy.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon