(16):Perfect Place

82 3 2
                                    

CHAPTER 16:PERFECT PLACE

***

*AZIR POINT OF VIEW'S*

Mula sa masarap na pagkain at katahimikan ay biglang tumunog ng pagkalakas lakas ang phone ko.

Nagulat ako,maging tong kasama ko at ang malapit sa table namin.

Muli kung naramdaman ang hiya,bakit palagi na lang ako gumagawa ng ingay o gulo na pwede kung ikahiya?

Dali-dali kung kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag na ito.

H-Hello"Utal kung pagbati sa kabilang linya.

Infairness naka oppo sya'

Ang sabihin mo galing yan kay,Sy.Wala namang maipangbibili yang dukha na yan'

Rinig kung usapan ng dalawang babae na malapit sa table namin

Hello,Aya!"Nawala ang isip ko sa dalawang babae na yon ng marinig ko ang boses ni,Kuya Cl.

Bakit po?"Mahinang tanong ko.Nakatingin kasi sa akin si Sy maging ang ibang tao sa paligid.

Pumunta ka ng Garden magkita tayo don"Utos niya.

O-Opo"Lumabas na lang sa aking bibig at agad nya naman akong binabaan ng phone.Alanganin akong humarap kay Sy at ngumiti ng mahinhin.

Kuya mo?"Usisa niya na sinagot ko lang ng tango.

S-Sy,magbabanyo lang ako saglit"Paalam ko.Kabado pa ako dahil hindi naman talaga don ang punta ko.

Pero malapit ng matapos ang oras"Ngiwi nyang paalala sa akin.

Naiihi na talaga ako.Wag mo na akong hintayin dito.Kita na lang tayo sa room"Nakangiting paliwanag ko.

Sige"Inayos ko na ang gamit ko ng marinig ko yon mula sa kanya.

Dali-dali akong nag lakad palabaas at hinayaan ang mga matang nakatingin sa akin.

*3rd Person Point of View's*

Kuya/Aya!"Sabay na pagtawag ng dalawa sa pangalan ng isa't isa.

Bakit po?"Agad na tanong ni Aya at naupo sa tabi ng puno.

Wala lang.Gusto lang kitang makausap.Hindi na kasi tayo nakakapag usap ng personal dahil sa lihim natin.Hindi naman ako makauwe sa mansyon dahil palaging nasa condo ko si,L.a"Mahabang alintana niya at pagsabi sa dahilan kung bakit hindi nya nagagawang umuwi sa mansyon.

Ayos lang,kuya Cl.Maayos naman ang takbo ng buhay ko sa mansyon with manangs"Nakangiting paliwanag ni,Aya.Ayaw nya rin naman itong umuwi sa mansyon.Hindi dahil ayaw nya itong makita dahil ang totoo nyan miss na miss na ni Aya ang mga nakagawian nila pag mag kasama sila.Ayaw nya itong umuwi sa mansyon dahil ayaw nyang mabuko sila sa lihim nila.Tanggap nya narin na maging dito sa Campus ay walang puwang para magkausap sila ng malaya,tanggap na nya na kapag nakakasalubong nila ang bawat isa,isang makahulugang tingin na lang ang maibibigay nila sa isat isa.

Kamusta ka naman,bebe Aya?"Ngumuso si Aya sa pag tawag sa kanya ng kanyang kuya na 'bebe Aya' may kasamang pang paghaplos sa kanyang buhok kaya nagulo ito ng kauntian.

Kuya,naman eii"Reklamo niya habang nakangiwi.Ayaw na ayaw nyang tinatawag sya sa pangalang iyon lalo na pag may kasamang 'bebe'dahil mahigit isang buwan na lang magiging ganap na syang dalaga.

Malapit na ang ika-18th birthday mo,Ano bang gusto mo para sa araw na iyon?"Pag iiba na lamang sa usapan ni Cl habang napapatawa na lang sa kanyang sarili.Ibang iba na kasi ang kapatid nya ngayon,hindi na ito yong babaeng binababa nya pa noon,hindi na ito yong batang iyakin lalo na pag nadadapa at nagkakaron ng sugat sa tuhod.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Where stories live. Discover now