(39):Plan

74 4 0
                                    


CHAPTER 39:PLAN

*1st Person Point Of View's*

Akala ba nila ganon lang kadali ang lahat?Yong tipong magpapatalo lang kami sa kanila ng basta basta.Wala ata sa bokabolaryo namin ang salitang talo.

Hinithit ko ang sigarilyo na naiipit ng dalawa kong daliri.Nilaro laro ko pa ang usok habang ibinubuga sa himpapawid.

"Nasaan na ba ang mga batugan nating tauhan?"Nangigigil na hiyaw ng kasama ko na kanina pa inip na inip sa mga batugan naming tauhan.

Maging ako ay naiinip na,lampas na sila sa oras na napag kasunduan.Makakatanggap talaga sila sa akin ng malulutong na batok.

"The heck! "Hinampas nito ang hood ng kanyang sasakyan,masama na nga ang timpla nya mas lalo pang sumama dahil sa kabagalan nila.

"Na i-stress ang ganda ko."Kinuha niya ang kanyang blush on at nag pahid sa mukha.

"Sino bang hindi?Pipili kana nga lang kasi ng mga tauhan mga batugan pa."Tinaas ko ang aking kilay ng irapan nya ako.Siya naman ang kumuha sa mga iyon tapos magrereklamo siya.

Tumagal pa ng ilang minuto ang aming paghihintay,sa awa ng demonyo dumating na rin ang kanyang mga alagad.

Bumaba ako sa ibabaw ng sasakyan ko,printe lang kasi akong nakaupo dito habang hinihintay ang mga batugang ito.

"Mabuti naman at nakarating pa kayo."Nilapitan ko sila at isa-isang kinutusan.

"Pasensya na,Boss"Paghingi ng isa naming tauhan.

"Nababawasan ang ganda ko dahil sa inyo."Nakangiwing reklamo ng kasama ko at pumamewang sa harapan nila.

"Nasaan ang picture?"Hiningi ko ang picture nila dito.

"Nasa kotse kunin mo."Inirapan ko ang gaga bago ako nag lakad patungo sa sasakyan nya.

Madali ko lang naman itong nakuha kaya muli akong lumapit sa tatlong demonyong ito.

"Ito ang pictures nila,as i said kikidnapin nyo sila,"Paliwanag ko sa dapat nilang gawin o sa plano namin.

"Kidnap for ransom?"Sabay sabay tanong ng mga demonyo,sinipa ko naman isa isa ang kanilang mga tuhod.Dahil sa hills ko napasigaw sila sa sakit.

"Nag bigay ba ako ng permisyo para magsalita kayo?"Tiningnan ko sila ng masama isa isa.

"Sorry,boss"

"Hindi natin sila kikidnapin para humingi ng ransom,hindi kami poor para gawin yon.Kikidnapin nyo sila para magtanda at para marunong silang lumugar.In short tuturuan lang namin sila ng leksyon."Gumuhit ang ngisi sa aking mga labi,matitikman rin nila ang bagsik ko,bagsik namin.

"Dalhin nyo sila sa lumang bodega."Mabuti naman at nakapag salita na itong katabi ko na inuuna pa ang pag papaganda sa kanyang mukha.Wala naman dito ang pinapagandahan nya.

"Yon lang,make sure na hindi kayo papalpak at dapat pulido ang trabaho nyo.May tiwala naman ako sa inyo kahit mga batugan kayo.Pero sa oras na pumalpak kayo,kayo ang malilintikan sa akin,"Seryosong pambabanta ko sa mga ito.
Tumango lamang ang mga demonyo.

"Sige na pwede na kayong umalis."Pagtataboy ko.Muli silang sumakay sa pangit nilang sasakyan.Naiwan naman kami dito.

"Kailangan ko ng umuwi baka dumating na ang mga walang kwenta kong magulang."Malamig kong pag papaalam.Nag lakad na ako patungo sa kotse ko.

"Hindi mo ba sya susundan?"Pagtukoy niya sa lalaking nag papatibok ng aking puso,sa lalaking dahilan kong bakit lumalaban pa ako sa buhay.Siya ang dahilan kong bakit ako nagiging ganito.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Where stories live. Discover now