(15):I.D

79 3 3
                                    


CHAPTER 15:I.D

***

*AZIR POINT OF VIEW'S*

Tulad ng nakasanayan nandyan na naman sila nakatingin sa akin.

Nandito na naman ako tinitiis lahat ng tingin nila.Tingin nilang mapanghusga.

Sa araw araw na pag pasok ko yan na lang palagi ang sumasalubong sa akin.

Walang bago,walang luma.

Miss Shigehara!"Napahinto ako sa pag lalakad ng marinig ko ang last name na iyon.

Tumingin ako sa pinagmulan nito at isang teacher ang nakita ko.Teacher namin sa Hekasi.

Ba-Bakit po?"Hindi ko maiwasang huwag kabahan.Tumatakbo sa aking isipan baka may nagawa akong kamalian.

Bigla naman siyang may inabot sa akin.Takang tiningnan ko ito.
Isang I.D.Tiningnan ko ang leeg ko naninigurado kung sa akin ba yan.

Ngunit ang aking I.D ay nasa kinalalagyan nito.

Bakit nya ibinibigay sa akin ang I.D ng iba?

Ibalik mo ito sa first year collage na si Lander Andrex"Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pangalan na yon.At the same time hindi makapaniwala dahil sa lahat ng taong nandito bakit ako pa ang napili para ibalik ang I.D na yan sa kanya.

Tingin nya pa lang nakakatakot na.Hindi ko magawang tingnan ang nagliliyab nyang mga mata.

H-Huh?"Yan na lamang ang lumabas sa aking bibig.

Kunin muna.Maswerte ka at makikita mo sya"Gusto kung itanong kung saan ba ako swerte don?
Pero ayaw makisama ng bibig ko.Dahil na rin siguro na may respeto akong tao lalo na sa mga gurong katulad nya.

Wala akong nagawa kundi kunin ito sa kamay nya.Nanginig pa nga ang mga kamay ko sa pagkuha nito.

Umalis na ang guro,habang ako'y napatitig na lamang sa hawak kung I.D.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga,tsaka nilakasan ang loob.

Lumakad na ako,pero hindi ang kabilang building ang tatahakin ko.Tatahakin ko ang silid namin.May oras pa naman mamaya para maibalik ko sa kanya ang I.D na to.

****

Azir,tayo ng mag recess"Masiglang pag aaya ni Sy sa akin.Tapos na naman kasi ang tatlong subject.Oras na para mag take ng break.

Pasensya kana Sy ha.Kaylangan ko kasing pumunta sa Collage Building"Napansin ko naman agad ang pagtataka sa kanyang mukha.Marahil ay nagtataka sya kung bakit ako pupunta sa building na iyon.

Bago pa kung ano-ano ang pumasok sa kanyang isipan agad akong nagsalita para siya ay malinawan.

Inutusan kasi ako ni Miss Hekasi kanina na ibalik ko ang I.D ni,Mr.Andrex"Tulad ng inaasahan ko nanlaki ang mga mata nya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

A-Are you ki-kidding,right?"Utal-utal niyang tanong pero umiling ako.Kinuha ko ang I.D at pinakita sa kanya.Sa kanyang nakita ay nawala na ang pagdududa sa kanyang mga mata.

Ano naman ang gagawin ko don?Wala naman.

Ako ng bahala dito.Utusan ko lang ang isang babae dyan agad yan papayag.Marinig pa lang kasi nila ang pangalan ng gagong yon para na silang inasinan na bulati na hindi mapakali.Lakas ng karisma ng lalaking yon wala namang naitutulong sa bansa kundi puro kabulastugan lang"Mahaba niyang wika at kinuha ang I.D na hawak ko.Sa lahat ng sinabi nya wala akong maintindihan kahit isa.
Paspasan na naman kasi ito sa pagsasalita.Daig pang inahabol ng kung ano.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Where stories live. Discover now