(4):New Profile (Week4)

226 41 145
                                    

CHAPTER 4:NEW PROFILE

CHAPTER 4:NEW PROFILE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

********************

*AYA POINT OF VIEW'S*

"Manang Han, naman eii"Reklamo ko ng magising na naman ako dahil sa sinag ng araw.Hinawi nya ang kurtina ng kwarto ko kaya tumama ang sikat ng araw sa mukha ko.

"Bumangon kana."Utos nito sa'kin at hinila ang kumot ko para tiklupin.

Napatingin naman ako sa Cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa.

9:34 in the morning na pala.Late na naman ako ng gising.

Habang inaayos ni Manang Han ang kama ko bumangon na ako at nag tungo sa salamin para ayusin ang itsura ko.

Wala namang muta,kaya kinusot ko na lamang ito at nag suklay ng buhok.

Sa araw araw na pag gising ko si Manang Han ang palagi kung nabubungaran,dahil sa paghawi nya sa kurtina na nakaharang sa bintana .Ilang araw narin kasi ang nakakalipas ng makarating ako dito sa Pinas.

"Ang ganda mong bata ka,Hindi kaba naaalidbadbaran sa gagawin mong pag papanggap"Napalingon ako kay Manang Han na kasalukuyan ng nakaupo sa ibabaw ng kama ko.Tapos na nya kasi itong ayusin.Napansin ko pa ang maayos na pagkakatiklop ng kumot ko at ang pantay pantay na pagkakaayos ng lima kung unan.Maging ang teady bear ko na malaki ay nakalagay na ng maayos sa lalagyan nito.

"Sa totoo nyan po sanay na ako.Matagal ko na itong ginagawa"Napansin ko naman ang panlalaki ng kanyang mga mata.

"Anong ibig mong sabihin,ija?"Paninigurado nya pa.Ngumiti ako ng matamis bago humarap sa kanya ng maayos.

"Simula po ng mapunta ako sa Hongkong nag panggap na akong nerd dahil sa takot.Hindi yon alam ni kuya dahil ayaw ko syang mag alala"Paliwanag ko para malinawan sya.

Napansin ko naman ang pagtango tango nya.

"Han,Aya lumabas na kayo handa na ang agahan"Pareho kaming napalingon sa pinto ng marinig namin ang boses ni,Manang Lolita.

''Nandyan na"Sagot naman ni Manang Han.Nagkatinginan kaming dalawa at parehong natawa.

"Tayo na nga,ija.Baka mapagalitan na naman ako ni,Mayora"Pag tukoy niya kay Manang Teresa.Napailing iling na lang ako sa sinabi nya,pero sinunod ko ang nais nya.

***

"Good Morning"Masigla kung pagbati kila kuya Cl na nag sisimula ng kumain.

"Bakit ang tagal mo,Han?.Akala namin natabunan kana"Panenermon ni Manang Lolita.Napansin ko namang napakamot batok si Manang Han kaya napatawa ako ng mahina.

Umiiling iling akong naupo sa harapan ni kuya Cl.

"Hala Aya,Cl kumain na kayo"Sambit ni Manang Teresa at nilagyan ng pagkain ang plato namin ni, kuya Cl.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Where stories live. Discover now