(27):Twin

93 5 0
                                    

CHAPTER 27:TWIN

***

*Azir Point Of View's*

"Azir,halika ipapakilala namin sayo ang mga bata dito"Nakangiting sulpot ni Sy sa aking double deck na higaan.

Nasabi kasi sa amin ni Mrs.A na magpapalipas kami ng isang gabi dito.So,bukas pa ang balik namin sa aming mga bahay-bahay.

"Mamaya na,"Tanggi ko.Kasalukuyan ko kasing inaayos ang iilang piraso kong damit.Naupo naman siya sa kama ko.

"Alam mo nagulat talaga ako na for the first time sumama si L.a dito"Napatigil ako sa ginagawa ko at napalingon sa kanya.

"Nakakapanibago ba talaga ang pagsamang ito ni,Mr.Andrex?"Usisa ko.Gulong-gulo talaga ako sa sinasabi nya.Ganon ba talaga kamangha ang ginawa nya.

"Oo,si L.a kasi yong tipo ng taong hindi sumasama sa ganito.Eh walang puso ang lalaking yon"Natahimik ako sa winikang yon ni,Sy.

"Baka naman may dahilan"Wika ko at tinapos na ang pagtitiklop ng jacket ko.

Umupo ako ng maayos katulad nang sa kanya.Inilaylay ko ang paa ko sa double deck na ito.

"Ay anong chismis?''Sulpot ni Freeya.Ang hilig nya talagang umeksena.

"Para kang kabute"Pamumuna ni Sy sa pasulpot-sulpot nya.

"Alam nyo naman malakas ang ear ko pagdating sa chismis''Napailing iling na lang ako sa ugali nya.Kahit kailan talaga napakadaldal nya.Dinaig nya pa ang bata na palaging umiinom ng Nido sa subrang aktibo nya pagdating sa chismis at balita.

"Mukha nga,kahit pinakaiingatang balita nalalagap mo.Daig mo pang detective"Nakangusong wika ni,Sy.

"Hala jusko!,sa ganda kong to magiging detective lang ako.Pwede namang Miss Universe"Natawa kami pareho ni Sy nang mag model pa ito sa aming harapan.

"Pero speaking off balita.May bago akong chika sa inyo tungkol sa Leon nating kasama"Kunot noo ko syang tiningnan.Leon?Parang wala naman kaming kasamang Leon.

"Leon?"Sabay naming tanong ni,Sy.

"Leon,si L.a Leon"Freeya said.

"Shhh baka may makarinig sayo"Pagpapatahimik ko sa kanya.Kong ano na naman kasing sinasabi nya.Mahirap na baka marinig nya pa.Aminado naman akong para itong Leon dahil sa mga tingin niyang nakakatakot.
Para bang anumang oras kaya ka nyang lapain gamit lang ang kanyang mga mata.

"Ano ka ba naman,Freeya"Saway naman ni Sy sa kanya.

"Ano ba kayo?Wala pa rito ang Leon.Hindi ko nga nakita sa labas"Napaisip ako sa sinabi nya,maging ako ay hindi ko pa ito nakita.Ang huling nakita ko sya nong nasa bus pa kami.Pagkatapos non ay hindi ko na sya nakita.

"Ano ba yong chika mo?"Ineteresado kong tanong.

"Ayon na nga girl,kaya pala siya sumama dito para sila ang makalaro sa labanan"Pag dedetalye niya.

"Labanan nang ano?"Wala akong ideya kong anong labanang ito.

"Hindi mo ba alam na may larong basketball sa isang buwan.BHU laban sa TSU"Napatango-tango ako sa sinabi nya.Naalala ko tuloy ang ginawang panenermon ni Mr.Andrex sa limang lalaki nong nag e-ensayo sila.Kaya pala ang init init ng ulo niya dahil may pinaghahandaan silang matinding laban.

Ang Tekleyush Star University o mas kilala sa tawag na TSU ay matinding kalaban ng BHU.
Hindi nalalayo ang kasikatan ng parehong eskwelahan.
Mas lamang nga lang ang aming eskwelahan dahil sa basket ball team na hindi pa natatalo kailan man.Bukod pa don ay maraming lumilipat sa BHU para makita sina,Mr.Andrex.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Where stories live. Discover now