(2):Nerdy Thinky (Week2)

244 56 148
                                    

CHAPTER 2:NERDY THINKY

***************

*Aya Point Of View's*

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Ahmmmm"Ungol ko at tinakip sa mukha ang unan na nahablot ko.

"Magandang umaga."Napamulat ako ng mga mata ng marinig ko ang boses ni,Manang Han.

At doon nakita ko ang ginagawa nya,kaya pala tumatama sa mukha ko ang sinag ng araw dahil tanghali na at itinaas niya ang kurtina na nakalagay sa binata ng kwarto ko.

"Manang Han,"Pagtawag ko sa pangalan nya at naupo na sa ibabaw ng kama ko.Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko.

"Magandang umaga po,"Pagbati ko pabalik sa kanya.

"Mas maganda kapa sa umaga"Napangiti na lang ako sa pambobolang ginawa nya.

"Bumangon kana dyan"Utos pa nito sa akin.
Ngumuso naman ako dahil don,pakiramdam ko kase hinihila pa ako ng malambot kung kama.

"Sige na ija nang makakain kana ng umagahan.Nag hihintay narin ang kuya mo sa dining area."Wala akong nagawa kundi sundin ang utos nya.

Isang araw ko pa lang silang nakakasama,napalagay na ang loob ko sa kanila.

Bumangon na nga ako at pumasok sa banyo para mag hilamos ng mukha.
Bawat kwarto may sariling banyo,maging ang kwarto nila manangs ay ganon din.
Kung ang ibang katulong natutulog sa isang silid at naka double deck,sila may sari-sariling kwarto.

Hindi narin kasi sila iba kay kuya at maging sa akin kahit hindi ko pa sila lubusang nakikilala.
Malaki naman kase ang bahay nato,kaya nga tinawag na mansyon.

Ano ang magiging silbi ng mga kwarto dito kung hindi naman gagamitin.

Pag katapos ko sa banyo lumabas na ako.Hindi ko na naabutan si Manang Han kaya alam kung nasa baba na ito.

Maayos narin ang ayos ng kama ko.Alam kung si manang Han ang may kagagawan nito.

Kinuha ko ang pink na tuwalya at pinunas sa mukha ko.

Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang repleksyon ko.

Nginitian ko ang sarili ko at sabay bigkas na'Sa likod ng maanghel kung mukha may nakapaloob na hinanakit at galit'

Hinaplos ko ang sarili kung buhok habang nakatitig parin sa salamin.

"Dinadaan ang lahat sa ngiti at pilit kinakalimutan ang masamang nakaraan na nagdulot ng matinding hinagpis,''Muli kung kausap sa aking sarili.

Kinurot ko ng palihim ang sarili ko dahil para na akong tanga na kinakausap ang sarili.

Ginawa ko na lamang ang nakasanayan ko tuwing umaga.

Pagkatapos non ay lumabas na ako sa aking silid.

****

Pag dating ko sa Dining Area naabutan ko sila kuya at manangs na mag kakasama sa iisang table.

"Good Morning,"Sabay sabay nilang pagbati kaya napatawa ako.

"Good Morning too."Pabalik na bati ko at naupo na sa harapan ni kuya.

"Kamusta naman ang tulog mo,ija?"Tanong ni manang Teresa.

"Maayos naman po,"Sagot ko.
Nilagyan naman ni Manang Lolita ng pagkain ang plato ko.

"Sabi ng kuya mo paborito mong pagkain ay sinigang na manok.Kaya yan ang niluto namin,"Paliwanag nya pa.

"Opo,salamat po"Magalang at pasasalamat ko.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon