(43):First Kiss

87 3 0
                                    


CHAPTER 43:FIRST KISS

***

*Azir Point Of View's*

Wala akong nagawa nang ianunsyo ni Mr.Andrex na sa condo unit nya ako pansamantala.

Ewan ko ba sa lalaking ito nagiging werdo.

Ni hindi ko pa nga siya nakakausap simula kanina ng magising ako sa hospital hanggang madala na nya ako dito sa condo unit nya.

Sumilip ako sa bintana ng kwartong kinalalagyan ko.Madilim na ang gabi,sumasayaw ang dahon sa nag iisang puno dito.

Bumaba ako sa kamang kinalalagyan ko at sinuot ang tsinelas.Nag lakad ako palabas ng kwarto,kwartong gamit ko ay kwarto nya.

Walang asungot akong na abutan sa sopa kaya nag palinga linga ako sa paligid para hanapin sya.

Tumungo pa ako sa kusina pero wala siya,maging ang banyo ay tiningnan ko na pero wala pa rin siya.

"Nasaan na kaya sya?"

Napalingon ako sa pinto.Naisip kong baka lumabas siya ng ganitong oras kaya nag lakad ako palabas.Sumakay ako sa elevator hanggang tumigil na ito sa pinakababa.

"Oyy!Azir."Nilingon ko ang babaeng tumawag sa pangalan ko. Nakangiti nya akong nilapitan.

"Saan ka pupunta?Gabing-gabi na ah?"Usisa pa nito habang nakatingin sa kanyang relos.

"Ha-Hahanapin ko..ko lang...sana..  a-ang b-boyfriend mo?"Utal utal kong wika.Sunod sunod pa akong lumunok ng sarili kong laway baka bigla nya na lang hilahin ang buhok ko at kaladkarin.

Pero iba ang naganap kaysa sa inaasahan ko.Tinawanan nya lang ako na para bang nakakatawa ang sinabi ko.Siguro nga nakakatawa yon?Sino ba naman ako para hanapin ang jowa ng iba?Isa lang naman akong slave na nararapat utusan.

"Grabe ka magbiro."Pigil tawa niyang sabi at tinapik pa ang balikat ko.Napakunot noo na lang ako sa ginawa nya.Hindi ba sya magagalit sa akin?Hindi ba sya mag iisip ng masama na kasama ako ng jowa nya sa loob ng condo nito?Hindi ba sya mag seselos?

"Btw,kong hinahanap mo sya nandon sya sa labas nakaupo sa bangko katabi ng puno."Tinuro nya pa ang puno na mula dito kita ko ang kulay green nitong dahon.

Napatanga na lang ako sa kanyang ginawa.Seriously?Hindi siya magagalit?

Siguro nga ako lang tong nag iisip ng masama tungkol sa kanya?
Baka naman may tiwala siya sa boyfriend nyang hindi siya nito ipag papalit,hindi ako nito papatulan.Sa ganda ba naman niya?may gago pa bang lolokohin sya?Ni hindi ko nga naabot ang kalingkingan niya.

"Your so beautiful!"

Iniwan niyang kataga bago ako iniwan na napatanga na lamang.Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang makapasok na sya sa loob ng elevator.Siguro papunta na sya sa condo ni Mr.Andrex.Isturbo pala ako sa kanilang dalawa.

Pero ano?Ano yong sinabi niya?Para akong nabingi.Siguro malabo na ang kanyang mata kaya nasabi nya yon.

Naglakad na ako patungo sa puno,wala naman kasing mangyayari kong iisipin ko ang sinabi ng babae na sa ikalawang pagkakataon muli kaming nagkita pero ni pangalan niya hindi ko pa alam.

Pagkalabas ko sa building agad ko nga siyang nakita.Nakaupo sa bangko habang may hawak na beer.

"Beer na naman,hindi ba sya nagsasawa dyan?"Naglakad ako palapit sa kanya habang napapailing.

"Mr.Andrex!"Pagkuha ko sa atensyon niya na hindi ko naman ikinabigo.Nilingon nya ako ng walang emosyon.Pupungay pungay na ang kanyang mga mata dala siguro ng alak.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Where stories live. Discover now