(28):Tutube

78 4 0
                                    


CHAPTER 28:TUTUBE

***

*AZIR POINT OF VIEW'S*

Naiinis na ako sa aking sarili dahil kung saan saan pa nagsusuot ang isip ko..

Anong oras na ba?Gising parin ang diwa ko.Wala ata talaga itong balak matulog.

Inis akong naupo sa kama ko at napalingon sa taas ko.Mabuti pa si Sy nahihimbing na sa pagtulog.Ganon din si Freeya na nasa kabilang double deck.

Maging si kuya at Mj ay mahimbing narin ang tulog.Magkakasama kami sa iisang silid,pero natoon ang atensyon ko sa bakanteng kama.

Kama ni,Mr.Andrex.

Dahan dahan akong bumaba sa kama para hindi sila magising.

Sinuot ko ang jacket ko dahil ramdam ko ang lamig nang paligid.

Dahan dahan akong lumabas ng silid,nagtagumpay naman ako na walang nagigising sa kanila.

Nayakap ko ang sarili ko nang tumama ang hangin sa buong katawan ko.

Malamig ang hangin,maliwanag ang gabi dahil kabilugan ng buwan at dahil sa bumbilya na nakalagay sa poste dito.

Nakakita ako ng bangko sa di kalayuan kaya lumapit ako dito at naupo.

Muli na namang sumagi sa aking isipan ang pangyayari kanina,hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari.

Hindi lang naman ako ang namangha,maging sila Sy at Freeya.Nakatanggap pa nga ako ng sandamakmak na kantyaw kaya pulang pula ang pisngi ko kanina.

Pagkatapos rin nang eksenang kasama namin ang kambal ay nawala na naman si Mr.Andrex na parang bula.

Hindi ko alam kong saan sya naglalalagi sa lugar na to.
I admit na napangiti ako sa ginawa nya,nakuha nya ang loob ng bata.Nagawa nya itong pagsalitain at pasayahin.
Bumilib ako sa eksenang iyon,may side rin pala siyang ganon.

"What are you doing here?''Napahawak ako sa dibdib ko ng may bigla na lang sumulpot sa harapan ko.

"M-Mr.Andrex"Napayuko na lamang ako ng mapagtantong siya to.Bakit ba pag sya na ang kaharap ko lumalakas ang tibok ng puso ko,parang may naghahabulang kabayo dito,hindi rin maayos ang paghinga ko,pakiramdam ko ang lapit lapit naming dalawa.Pag sya na ang kasama ko pakiramdam ko ang liit nang mundo para sa aming dalawa.

"Psh!Bumalik kana sa kwarto mo"Malamig nitong utos sa akin.

"M-mamaya-"

''I said bumalik kana!"Madiin niyang wika,diko matukoy kong galit ba sya o nag aalala.Sa tingin ko mainit ang kanyang ulo,para na kasi akong lalamunin ng lupa dahil sa malalim na tingin nya.

"Stupid!"Napatayo ako dahil sa pagsigaw nya.Dali-dali akong naglakad pabalik sa silid.

Bumalik na naman ang dati nyang ugali,mas maayos na ang ugali nya kanina.Akala ko ayos na kaming dalawa hindi pa pala at ang lahat ay akala lamang.

Anong nangyari?bakit ang bipolar nya masyado?Ano yong nakita kong saya sa kanyang mga mata habang nakikipaglaro sa dalawa kanina?

Taranta akong nahiga sa kama ko at nagtalukbong pa.Pinakiramdaman ko ang paligid baka pumasok na sya.

Nakakatakot talaga sya?Maihahalintulad ko ang kanyang mukha sa aswang nang horror movie na talagang kakatakutan ng lahat.

Napahinto ako sa paghinga ng maramdaman ko ang kanyang presensya.Halos hindi ako humihinga habang pinapakiramdaman sya.

Sunod sunod na paghinga ang aking ginawa ng ibalik ko na ang aking paghinga.Mahina lang para hindi ko makuha ang kanyang atensyon.

Sinilip ko sya nang palihim.
Nakahiga siya habang nakade-kwatro ang mga paa at nakaunan pa ang kanyang braso.Seryoso lang siyang nakatitig sa kisame.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Where stories live. Discover now