(36):Indirect Kiss

100 3 1
                                    


CHAPTER 36:INDIRECT KISS

***

*Azir Point Of View's*

"Ano ba?bakit ba ang tagal tagal mo?"Yan na naman siya,mainit na naman ang kanyang ulo.

"Pasensya na nahirapan kasi ako sa paghahanap ng regalo para sa dalawang bata."Nakalimutan kong mainipin nga pala siya at madaling uminit ang ulo.
Nakalimutan ko na dahil isa lang ang nasa isip ko kanina makahanap ng regalo para sa dalawang bata.

"Pwede namang kahit ano na lang diyan."Napatitig ako sa kanyang mukha,nakakunot ang noo at magkasalubong ang dalawang kilay.Halata nga sa kanyang mukha ang pagkainip.

Kahit kailan talaga wala siyang pagmamahal sa lahat ng bagay,wala na nga siyang pagmamahal sa mga tao pati ba naman ba sa mga bagay na ireregalo nya.

"Alam mo mas masayang magbigay ng regalo na galing sa puso mo,"Pangaral ko,sana naman tumatak ito sa kanyang puso kahit alam kong ang isang katulad nya'y walang puso.

"Psh!"Singhap lang niya.

"Pwede bang sumakay kana lang sa kotse ko kong ayaw mong iwanan kita dito."Pagsusungit niya at tatangkain na sanang sumakay sa kanyang driver seat ng pigilan ko sya.
Hinarap ko sya ng buong tapang.

"Ano bang laman nyan."Tinuro ko ang kanyang dibdib.

"Ano bang laman ng puso mo kung hindi ko naman makita ang pagmamahal dyan,"Gusto kong imulat sa kanya ang pagmamahal,matutong magmahal at pahalagahan ang bawat bagay.

"Stop this nonsense topic.Kapag hindi ka pa tumigil hinding hindi kita sasamahan sa Orphanage House na yon."Padabog nya akong tinalikuran at inis siyang naupo sa driver seat.

Kinalimutan ko na lamang ang aming napag usapan.Isinakay ko sa backseat ang mga regalong binili ko para sa mga bata.
Alanganin akong sumakay sa tabi ng driver seat.
Tahimik nyang pinaandar ang kanyang kotse paalis dito sa parking lot ng mall.

Hindi ko sya matingnan ng direkta dahil sa napag usapan namin kanina.Gusto ko syang kausapin,hindi ko naman kakayanin ang manahimik buong byahe lalo na't tatlong oras ito.

"Galit ka ba?"Tanong ko sa kanya,diretso lang ang kanyang tingin sa unahan habang nagmamaneho.

"Zip your mouth your so noisy.Alam mo bang abala ako ngayong araw,malapit na ang laro namin sa TSU,"Natahimik ako sa kanyang sinabi,pakiramdam ko sinisisi nya ako kong bakit hindi siya nakapag ensayo para sa nalalapit na laban ng basketball.
Napakaseryoso nya lang talaga sa buhay.

"Eh bakit ka nandito?Bakit nandito ka kasama ko?Hindi ko naman sinabing sumunod ka sa gusto ko."Bigla nyang naapakan ang preno kaya nauntog ang ulo ko sa salamin.

"Aray!"Hinimas ko ang ulo ko,masakit ito pero mabuti na lamang hindi ko nasira ang salamin ng kotse nya.Ayaw kong masigawan at masermonan nya na naman ako.
Ano naman ba kasi ang problema nya at bigla bigla nya na lang inapakan ang preno?
Sinasadya nya ba ito dahil sa panggigigil sa akin.

Inis ko syang binalingan ng tingin,pero ang inis ko ay nawala ng magtama ang aming mga mata.Hindi ko kayang titigan sya kaya agad kong iniiwas ito.

Walang nakapagsalita sa amin ng mga oras na ito.
Nagkaron lamang ng ingay ng muli nyang paandarin ang kanyang sasakyan.

"Wear your seatbelt."
Wakang kareklamo-reklamo kong sinunod ang kanyang kagustuhan,naiilang na naman ako sa presensya nya.Hindi ko magawang magsalita kahit marami akong gustong sabihin.

Humigop ako ng maraming hangin at isinandal na lamang ng maayos ang aking likod sa rest board.

Inayos ko ang salamin ko dahil hindi maayos ang pagkakalagay nito.Bago ang salamin kong ito dahil nasira ang unang binili ng mga manangs,nasira ito ng umatake ang SG's.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Onde histórias criam vida. Descubra agora