Chapter 21

2 0 0
                                    

Pagkatapos kumain ay pinapasok na sina Kung at Den Den sa kanilang kuwarto.

"Kukung, alin ba rito ang kuwarto ni Eyzi?" Tanong ni Den Den, habang litong-lito sa dalawang magkatabing pinto ng kuwarto.

Parehong-pareho ang pagkakagawa sa dalawang pinto. Pati ang dalawang lock nito. Parang pareho lang din nang sukat ang nasa loob ng mga ito.

Mayamaya'y biglang lumapit na ang kanilang nagpapakilalang ina. Parang wala itong nakikita. Dumiretso ito sa katabing kuwarto ng silid.

Bago siya tuluyang magsara ng pinto ay nagsalita muna ito.

"Maaga kayong matulog, ha!? Bukas, mangangahoy pa kayo, maaga rin kayong mag-igib ng tubig sa balon, huwag n'yo ring kalilimutang linisin ang buong bahay. Lalo na ang banyo."

Pagkatapos ay tuluyan na niyang isinara ang pinto, upang makapahinga na siya. Naging sagot naman iyon sa kanina pang tanong ng dalawang duwende. "Kung saan ang kuwarto nila."

Gayunpaman, napalitan naman ang isang tanong na iyon nang napakarami. Paano mangahoy? Paano mag-igib? Paano maglinis ng bahay? Nasaan ang balon?

Nang makapasok ang dalawa sa dating kuwarto ni Eyzi. Nabigla sila nang makita ang isa't isa sa isang bagay na nakadikit sa dingding.

"Kukung... tingnan mo iyon! Kamukha mo!" Wika ni Den Den habang nakaturo ang isang daliri sa bagay na nakadikit sa dingding

Gumalaw si Kukung, "Ha?"

"Uy! Ginagaya ka. Lahat nang kilos mo ginagaya. Tingnan mo." Dagdag pa niya.

"Ikaw rin! Ginagaya ka rin noong nasa tapat mo. Kamukha mo."

Napatingin si Den Den sa isang maliit na frame.
"Uy! Ito naman, kamukha mo. Kaya lang hindi ka nagalaw rito."

Napabuntong-hininga si Kukung.
"Haist... Nakakalito naman, ang hirap maging tao. Hindi ba diyan natutulog si Eyzi. Diyan sa inuupuan mo ngayon?"

"Oo nga! Teka... matutulog... Tayo!? Paano iyon?" Gulong-gulong mga tanong ni Den Den.

Mayamaya'y napatingin si Kukung sa kaniyang bracelet. Pagkatapos ay nagkatinginan sila ni Den Den.

"Siguro naman ay hindi kabawasan kung gagamitin natin ang isang bato. Kailangang-kailangan talaga natin nang tulong." Wika niya.

Ginamit ni Kukung ang isang bato. Hiniling niya na sana'y magkaroon sila nang kaalaman kung paano maging tao. At masagot ang mga katanungan sa kanilang isipan.

Tinupad naman ang kanilang kahilingan. Tama ang panahon nang paggamit nila sa isang bato.

Kaya't nalaman nila kung paano matulog noong dinapuan sila nang antok. Pagkagising ay nagawa nila ang mga bilin ng kanilang ina na si Aling Tekla, na noo'y kasama ang nanay ni Danica sa pagsusugal.

Nang matapos ang dalawa sa nakakapagod na gawaing bahay. Hindi nila maipaliwanag ang dahilan, kung bakit gustong-gusto nilang pumunta sa Dalampasigan.

Natagpuan nila roon si Danica na animo'y naghihintay nang paglubog ng araw.

Mula sa malayo ay napalingon si Danica sa kanila.

"Bakit hindi pa kayo lumapit dito? Kukung, Den Den, kanina ko pa kayo hinihintay." Nakangiting wika nito habang nakaupo sa isang bato malapit sa Dalampasigan.

Nagkatinginan ang dalawa. Hindi naipaliwanag ng bato kung sinu-sino ang mga nakakakilala sa kanila. Ang tanging nasagot nito ay kung paano maging isang tao.

Wala silang nagawa, lumapit na lamang sila kay Danica. Sinakyan na lamang nila ang agos ng kuwento. Marami silang nalalaman tungkol sa bata, dahil sa kanilang mga nabasa.

"Sino ang dalawang 'yon?" Tanong ni Angel Cyra kay Dyen.

Napasingkit-mata si Dyen.
"Ngayon ko lang sila nakita."

Parang pamilyar kay Angel Cyra ang mukha ng dalawang lalaki, ngunit hindi niya maalala kung saan niya nakita ang mga ito. Bagay na hindi niya sinabi kay Dyen. May kakaibang pakiramdam siya sa dalawang lalaki.
~~~~~~~~~~

"So, heto na pala ngayon ang hacienda, infaireness, malinis ang kapaligiran, maayos ang pagkakatanim sa mga gulay. Kaya nakakapagtaka kung paano nangyari iyong nabalitaan ko." Wika ni Jessa, habang hawak-hawak ang maleta nila ni Sheryl.

Sa Hacienda mamamalagi ang mag-ina. Si Sheryl ang mangunguna sa magpapalakad sa taniman ng mga gulay. Maaari pa ring tumulong si Anica, ngunit na kay Sheryl ang otoridad sa mga desisyon, dahil malaki ang investment nila.

Mahirap para kay Anica na magkaroon nang kahati sa kanilang hacienda, sapagkat tinutukan ito ng kaniyang ama. Lalo na noong bago ito mamatay.
"So, baka gusto mo akong ilibot sa buong taniman, at ipakilala sa mga magsasaka. Kailangan na nilang malaman kung sino ang bago nilang amo." Wika ni Sheryl kay Anica na halos mangiyak-ngiyak.

Alam ni Anica na magiging malupit ito sa mga magsasaka.

"Yaya Heira, yaya Aire, kaya na po muna ang bahala kay Tita Jessa." Wika ni Anica.

Walang imik si Anica habang naglalakad sila.

"Hindi ka ba magsasalita? Hindi mo ba ako ipakikilala sa bawat gulay na dinaraanan natin?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sheryl.

Biglang umilaw ang seal ni Anica.
"Hindi na kailangan. Matalino ka hindi ba? Noong dumating ako rito ay walang nagpakilala sa akin sa kanila. Pero maaayos nila akong tinganggap. Habang naglalakad ako rito noon, ramdam ko na nagbibigay pugay sila sa akin. Bakit hindi mo pakiramdaman kung anong sinasabi ng mga gulay sa 'yo?" Paliwanag ni Anica sa malumanay na paraan.

Napasalubong ang mga kilay ni Sheryl. Sa isip-isip niya, "Baliw talaga ang babaeng 'to"

Gusto niyang lumaban nang sagutan, pero nakakaramdam siya nang takot. Parang may pumoprotekta sa kaniyang kasama.

"Malapit na tayo sa mga magsasaka. Ikaw ang magpakilala sa kanila. Hindi ba't ikaw ang magiging batas? Dapat malakas ang loob mong harapin sila. Huwag kang mag-alala, mababait ang mga taga-rito." Dagdag pa ni Anica.

Nagtaka si Sheryl, bakit parang okay lang kay Anica ang lahat?

"O-oo naman! Ako ang top-2 sa class. Sayang at umalis ka. E'di sana hindi ka rin nalamangan ni Danica."

Nagulat si Anica sa kaniyang narinig. "Nalamangan RIN."

"Teka-teka ang ibig mo bang sabihin ay top-1 si Danica at sumunod ka lang?" Tanong ni Anica.

"Well... nakatsamba siya sa exam. Point lang ang lamang niya. So, wala namang kaso, saka paborito siya ng teacher namin, kaya hindi na nakakapagtaka. Sayang, mas gusto ko na ikaw ang nakalaban ko." Taas-noong sagot ni Sheryl.

Napangiti si Danica, dahil sa kaniyang narinig. Masaya siya para sa kaniyang kaibigan.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa lugar kung saan tinipon ang mga magsasaka, upang makilala si Sheryl.

Angels OF DemonsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora