Chapter 9

2 0 0
                                    


Napatingin si Dyen kay Angel Cyra, inaasahang magbibigay ito ng masamang tingin, ngunit matamis na ngiti ang ibinigay nito kay Angel Cyra.

"Ibinibigay ko sa inyo ang aking basbas, maaari ninyong bantayan ang isa pang bata. Angel Cyra ikaw ang magbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa daigdig. Angel Dyen, huwag mong hayaang mawala sa iyong paningin ang bata. Hindi natin alam ang mga nangyari sa kaniya sa loob ng mahabang panahon, subaybayan n'yo ang bawat galaw niya," utos ni Prinsesa Acesa.

Sa totoo lang, hindi alam ni Angel Cyra kung ano ang kaniyang gagawin. Isang taksil na Anghel ang kaniyang makakasama. Siguradong may malakas na kapangyarihan ito.

"Maiwan ko muna kayo, ngayon din ay maaari n'yo nang puntahan ang bata," pagpapaalam ni Prinsesa Acesa.

Naiwan ang dalawa, isang malaking ngiti ang ibinigay ni Dyen kay Angel Cyra. Kumilos ito ng normal, walang bakas ng pag-aalinlangan.

"Masaya ako na makakasama kita sa pagbabantay kay Danica," wika ni Dyen.

"Ako rin," tugon ni Angel Cyra na pilit nagbibigay ng normal na ngiti.

~~~~~~

Sa paaralan...

"Paano ba 'yan, mukhang may bagong magrereyna-reynahan na sa eskuwelahan. Paano na ang trono mo? Malamang wala nang susunod sa 'yo. Nakita na--"

"Tumahimik ka!" saway ni Sheryl sa parang nang-aasar na kaibigang si Dianne.

"Kanino ka ba talaga kampi? Baka gusto mo na hindi na rin tayo bati, wala nang manlilibre sa 'yo!" banta ni Sheryl.

"Syempre, sa 'yo! Sinasabi ko lang naman," pagsisisi ni Dianne.

"Makikita ng Anica na 'yan, pagtatawanan din siya ng mga bata rito. Lalo na ngayon na patay na ang mga magulang niya," wika ni Sheryl na parang may maitim na balak.

~~~~~~~

Araw ng Sabado sa, Karendirya...

Nilagyan ni Dianne ng dumi ang mesa na kalilinis lang ni Danica. Tamang-tama naman na iyon na lamang ang bakanteng mesa. Kaya naman noong nakita ito ng dalawang sana'y customer nila.

"Ano ba 'yan, napakarumi pala rito!" malakas na pagpaparinig noong isa sa kanila.

"Halika na, sa kabilang karinderya na lang tayo kumain," dagdag pa ng kasama nito.

Napatingin ang ilan sa mga kumakain sa dalawa, at sa sinasabing napakaruming mesa.

Tumakbo si Dianne sa loob ng kusina ng kanilang maliit na karinderya. Hinila niya ang kaniyang nanay at ipinarinig ang reaksyon ng mga kumakain doon. Pagkatapos ng mga panlalait na narinig. Halos umusok ang ilong nito sa galit.

Noong dumating ang hapon, pagkatapos isara ang karinderya, nagulat na lang si Danica noong bigla siyang pingutin sa tainga ng kaniyang amo. Pulang-pula na ito sa mariing pagpingot sa kaniya, ngunit parang hindi siya nasasaktan.

Nang makita iyon ni Dianne, binigyan pa niya ng tsinelas ang kaniyang nanay upang ipalo rito. Gusto niyang makitang umiiyak si Danica.

"Patawad po," mga salitang nabigkas ni Danica pagkatapos ng marahas na parusa sa kaniya.

"Kulang pa 'yan!" sigaw ni Dianne.

"Tama na," parang napaawa ang nanay niya sa bata. Bagama't takang-taka dahil sa pagiging manhid nito.

Nasaksihan nina Angel Cyra at Dyen ang ginawa kay Danica.

"Kawawa pala ang batang ito sa kamay ng mga nakapaligid sa kaniya. Gumawa kaya tayo ng paraan, upang makaalis siya sa lugar na ito. Baka mabuksan ang seal ng hindi natin namamalayan," Suhesyon ni Angel Cyra.

"Hindi puwede!" nabigkas ni Dyen na ikinagulat ni Angel Cyra.

"B-bakit?" nagugulugang tanong nito.

"K-kasi... ano, mahirap ang gusto mong mangyari."

Alam ni Cyra kung bakit hinahandlangan ni Dyen ang kaniyang suhesyon, pero kailangan niyang sakyan ang lahat ng desisyon nito, upang makakuha siya ng clue sa kung anuman ang binabalak ng taksil na anghel. Nais din niyang malaman kung paano nahahati-hati ni Dyen ang kaniyang oras, kapag napunta sa Paraiso, Impyerno at daigdig.

~~~~~~~

"Inutil! Paano mo magagawa ang lahat ng plano natin kung nandoon ang anghel na 'yon!?" sigaw ni Devriyu.

"Patawad po Master, hindi ko po inaasahan na gagawin ni Angel Cyra 'yon," nakatungong paghingi ng tawad ni Dyen.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang humingi nang pahintulot na bantayan ang batang iyon bilang isang walang kuwentang anghel?! Malaya mo naman itong nagagawa!?!" nanggigigil na tanong ni Devriyu.

Napasingkit mata si Dyen, dahil sa sunod-sunod na panlalait sa kaniya, sanay na siya noon ngunit mula noong napagtanto niya na hindi magtatagumpay si Devriyu kung wala siya ay lumakas ang kaniyang loob, at nawala ang kaniyang takot sa nasabing Demonyo. Unti-unti siyang tumunghay at nang magtama ang mata nila ay nagbigay siya nang masamang tingin kasabay ng pag-ilaw ng kaniyang mata. Naging pula ito, taas noo niyang sinabing, "Dahil iyon ang mas makabubuti... MASTER."

Nanlaki ang mga mata ni Devriyu, dahil sa nakitang reaksyon ng mukha nang itinuturing na alipin.

"Master, magtiwala po kayo sa akin. Alam ko ang aking ginagawa," mapangahas na wika niya.

Napabuntong-hininga si Devriyu at napailing-iling. Hindi niya maintindihan ang nangyayari, mula sa pagiging tapat at lampang alipin ay naging mapangahas ito. Sumibol din ang pag-aalinlangan niyang magbato ng ilan pang mapanlait na salita.

"S-sige! Pero... Siguraduhin mong magtatagumpay ka!" sagot ni Devriyu na nagkukunwaring hindi naapektuhan sa kaniyang nakita.

~~~~~~~

Sa daigdig....

Naghihintay ng hudyat si Angel Cyra kung kailan aalis si Dyen. Ngunit buong araw ay hindi ito natitinag sa pagbabantay sa bata. Normal ang mga ikinikilos nito, parang walang mali. Ang totoo pa nga ay siya ang nais umalis upang makipag-usap kina Heira at Aire.

~~~~~~~~

Habang nagluluto ng hapunan si Heira...

"May balita ka na ba?" tanong ni Aire.

"Nakakapagtaka nga, inaasahan kong pupunta si Angel Cyra rito ngayon. Ano na kayang nagyayari?" naguguluhang tanong ni Heira.

"Sandali, si Anica ba anong ginagawa?" dagdag na tanong pa nito.

Biglang nalungkot si Aire, "Nasa kuwarto niya, nakita ko na tinitingnan ang mga larawan nila ng mga magulang niya noong mga oras na hindi pa abala ang mga ito sa trabaho."

"Kawawa naman si Anica, nag-aalala ako sa seal niya, hindi pa nabalik sa dati. Hindi puwedeng magpatuloy ito," wika ni Aire.

Nang dahil doon ay nakaisip ng paraan si Heira.
"Alam ko na! Makakatulong ang kapatid niyang si Danica at ang kaibigan nito."

Napakunot ang noo ni Aire, hindi niya maintindihan kung ano ang binabalak ng kaibigang anghel.

Angels OF DemonsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ