Chapter 5

4 0 0
                                    

Pagdating ng hapon, sinalubong agad nina Aire at Heira si Anica. Nakita nila na may kasama siyang dalawang bata na sa unang tingin pa lang ay kasundo na niya.

"Mukhang may kaibigan na siya, sabi ko sa 'yo, e," wika ni Heira habang nakangiti.

Pagdating ng mga bata sa harapan nang dalawa...

"Yaya Heira... Yaya Aire..." wika ni Anica noong makita ang dalawa.

Napatingin si Aire sa dalawang bata na kasama niya...

"Ay, sila nga po pala ang mga bago kong kaibigan. Si Eyzi po," wika ni Anica sabay turo kay Eyzi.

"Hello," wika noong dalawang yaya.

"Heto naman po si Danica," pagpapakilala ni Anica sa kumakaway na bagong kaibigan.

"D-Danica?!" nagulat si Heira sa pangalan noong bata.

"Hello po."

Tinitigan ni Heira ang bata. Naghahanap siya ng kahit kaunting pagkakahawig nito kay Anica, ngunit wala siyang nakita. Tinitigan niya ang noo noong bata, umaasang baka may maramdaman siyang kakaiba, ngunit wala talaga. Napansin siya ni Aire. Kinalabit niya ito at pasimpleng bumulong.

"Kapangalan lang 'yan."

"Ahmmn... Danica, Eyzi gusto n'yo isabay na namin kayo pauwi?" nakangiting tanong ni Anica.

Sasagot sana si Eyzi, "Si..."

Pero hindi pa man ito natatapos ay nagsalita na si Danica.
"Huwag na! D-diyan lang ang tirahan namin. Malapit lang kaya naman naming lakarin."

"Kaya natin?" nakakunot ang noong tanong ni Eyzi.

Nilakihan ni Danica ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa kaibigan, "Hehehe kaya natin hindi ba?"

"Ahhhh.. O-oo kaya... kaya namin," naiinis na sagot ni Eyzi.

Bagama't nahalata ni Anica ang senyasan ng dalawa, na halatang nahihiya lamang ay wala na siyang nagawa.

Pagkatapos tumakbo ng kotse ay sumilip si Aire sa bintana, upang bigyan ng huling tingin ang dalawang bata.

Gulat na gulat siya sa kaniyang natanaw. Nakita niya ang itim na usok na bumabalot sa buong hugis ng katawan ni Danica. Kinusot-kusot niya ang kaniyang mata. Pagkatapos kusutin ay nawala ang usok. Gayunpaman, nakaramdam siya ng kakaibang kaba at takot. 'Imposibleng nasa daigdig si Danica. Itinatak na lamang niya sa kaniyang isipan na maaaring napaglaruan lamang siya ng pangalan noong bata kaya namalik-mata siya.

*****
Sa bahay ni Aling Rossy...

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong nito sa dalawang bata.

"Naglakad lang po kasi kami tita," sagot ni Eyzi.

"O, hindi ba't malaki ang allowance ninyo? Bakit n'yo tinitipid? Eyzi, baka sabihin ni Ate ay kinukuha ko ang pera mo," painosenteng tanong ni Rossy.

Tanging si Danica lamang ang kukuhanan niya ng pera. May pagmamahal siya sa kaniyang pamangkin at higit sa lahat ay ayaw niyang masira sa magulang nito. Nakakatulong kasi ang pamilya ni Eyzi sa kaniya lalo na pagdating sa usaping pinansyal.

"Si Danica po kasi ay kailangang magtipid, gusto niya po kasing magpadala ng pera sa probinsya. Sinabayan ko lang po siya," paliwanag ni Eyzi.

"Naku! Naku! Magagalit ang nanay mo, sa susunod ay huwag n'yo nang uulitin ito. Sumakay na kayo sa jeep. At ikaw Danica, kung gusto mong magpadala sa probinsya, magtrabaho ka," nakataas ang kilay na utos ni Rossy.

Napalunok-lunok si Danica, naaawa siya sa kaniyang sarili ngunit wala siyang nagawa. Napagtanto niya rin na pati ang kaibigan niya ay nadadamay sa kamalasan niya.

******

Naging malapit sina Danica, Anica at Eyzi sa isa't isa. Bagama't laging hadlang si Sheryl at Dianne sa paligid nila. Mabilis na natututo sina Eyzi at Danica ng mga aralin, ito ang mas ikinainis ni Sheryl. Nakita niya na may potensyal ang dawala at balang-araw ay may posibilidad na mahigitan siya ng mga ito.

"Ang tagal namang matapos ng klase mga bata, ano kayang mayroon," reaklamo ni Aire.

Habang nagsasalita si Aire ay may napansin si Heira. Isang kakaibang liwanag.

"Diyan ka lang, ha? Hintayin mo si Anica, may pupuntahan lang ako," pagpapaalam ni Heira.

Pumayag naman si Aire ng walang pagdududa.

Sinundan ni Heira ang kakaibang liwanag. Nang makarating siya sa lugar na malapit dito, sinilip niya kung saan nanggagaling ito.

Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin si Dyen na nagmamasid sa isang silid-aralan.

Nakumpirma niya, nasa daigdig nga si Dyen at ang batang si Danica ang sanggol na ninakaw noon sa kanila.

******
Lihim sa katauhan ni Dyen...

Noong unang panahon may anghel na nagngangalang Satanas. Nakagawa ito malaking kasalanan, sinuway niya ang lahat ng batas ni Bathala, ipinatapon siya sa Impyerno kasama ang mga anghel na kaniyang kasabwat, sila ay tinawag na demonyo. Ngunit bago mangyari ito, may isang tapat at taksil na anghel ang nagmahalan. Bago pa man maipatapon ang taksil na anghel ay nagbunga ang kanilang pag-iibigan. Ang batang naging supling ng tapat na anghel ay si Dyen. Namili noon ang Reyna ng mga anghel ng apat na maglilikod kay Prinsesa Acesa. Isa sa mga napili ang batang si Dyen. Ginawaran sila ng kapangyarihan ng shield na may kakayanang lihim na makapagprotekta sa mga tao sa daigdig.

Ang batang si Dyen ay lihim na nagtataglay ng pakpak ng liwanag at dilim. Pagkatapos malaman ng Reyna ng mga anghel ang tungkol sa relasyon ng ina ni Dyen sa isang demonyo, ay bigla itong naglaho.

Itinatak ni Satanas sa diwa ni Dyen na pinatawan ng pinakamabigat na parusa ang kaniyang ina. Mas mabigat sa pagpapatapon sa kanila sa Impyerno. Doon sumiklab ang poot ni Dyen at lihim na sumanib sa anak ni Satanas na si Devriyu.

******

"Si Dyen..." wika ni Heira habang nagtutupi ng damit.

"Anong si Dyen?" naguguluhang tanong ni Aire.

"Nasa lupa si Dyen at ang batang si Danica, ay ang sanggol na akala natin ay nasa Impyerno," rebelasyon ni Heira.

"Ano!!?" gulat na gulat na tanong ni Aire.

Sinundan pa niya ng, "Paano nangyari 'yon? Imposible."

"Isang taksil na anghel si Dyen, sinabi na sa akin ito ni Angel Cyra, patawad hindi ko muna sinabi sa iyo," wika ni Heira habang nakatungo.

"Kung ganoon hindi pala ako namalik-mata noong nakaraan. Totoo pala ang itim na usok na nakapalibot sa buong katawan ni Danica," rebelasyon ni Aire.

"Itim na usok? Isang kapangyarihang itim ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Heira.

"Maaari..." sagot ni Aire.

"M-may malakas na seal si Danica, pero kung binabantayan siya ng isang taksil na anghel, hindi malayong mabuksan agad ito. Nasa tamang edad na ang dalawang bata. Kailangan nating gumawa ng paraan para maprotektahan si Danica," nangangambang wika ni Heira.

Angels OF DemonsWhere stories live. Discover now