Chapter 18

5 0 0
                                    

Nang makarating kay Anica ang balita, agad siyang bumisita sa taniman. Nakita niya ang mga ibinalik na gulay at ang lugar na pinagkunan ng mga ito.

"Paano nangyari ang mga ito? Kahapon lamang ay maayos ang mga pananim, wala akong nakitang problema sa mga ito." Nasambit nito habang takang-taka.

Itinaas niya ang isa sa mga upo. Tinitigan niya ang isa sa mga ito. May kauting pag-ilaw sa kaniyang noo. Pagkuwa'y biglang siyang nagsalita.

"Hindi kemikal ang dahilan ng mga ito. Nakakapagtaka, anong ginamit ng mga kalaban natin upang masabutahe ang ating mga pananim?" Tanong ni Anica sa harap ng mga magsasaka.

"Ma'am, ang totoo po bago po itaas ang mga iyan ay nakita pa namin ang mga gulay. Magaganda at malulusog po ang ating mga ani." Pagbibigay alam noong isang tagasuri.

"Ma'am, hindi po kaya, may nagpalit ng ating mga ani noong nasa bagsakan na?" Hinala noong isa pang tagasuri.

"Imposible! Nandoon ako sa taas ng truck at binantayan ang mga gulay hanggang sa ibagsak ang mga ito. Bigla na lang naging ganiyan ang itsura noong nandoon na." Pagsalungat noong isang magsasaka.

"Posible lamang mangyari iyon kung kemikal ang dahilan. Pero walang bakas ng kahit anong kemikal sa mga gulay. Sigurado ako." Wika ni Anica.

Nagkatinginan sina Heira at Aire na noo'y batid naman na si Danica ang may kasalanan ng lahat. Hindi nila alam kung anong gagawin. Pagtatakpan ba nila ang bata at aalisin sa taniman? Ngunit ano ang kanilang idadahilan?

~~~~~~~~~

Nagpunta sa Paraiso ang tatlong anghel kasama si Dyen. Ipinagtapat nila ang lahat ng kanilang ginawa sa daigdig.

"Ano?!" Gulat na gulat na pagkukunpirma ni Prinsensa Acesa.

Tanging pagtungo lamang ang naisagot nang apat.

"Bakit kayo sumuway sa mga Utos ni Bathala? Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng kapangyarihan kapag nasa anyong tao, bakit kayo nagsisinungaling? Bakit n'yo pinakikialaman ang mga bata?" Mga tanong ni Prinsesa Acesa.

"Patawad po." Paghingi nang paumanhin ni Angel Heira, ang anghel na madalas sumuway sa mga Utos ni Bathala.

"Ipinadala kayo upang bantayan ang mga bata. Maaari n'yo silang itama sa kanilang pagkakamali sa pamamagitan ng mga payo. Nasa kanila iyon kung susunod sila o hindi. Kahit sa mismong laban nila ay hindi kayo maaaring makialam. Ang laban ng mga anghel sa mga demonyo ay sa atin lamang. Ang laban ng mga nasa lupa bilang tao ay sa kanila lamang." Paliwanag ni Prinsesa Acesa.

"Prinsesa Acesa, paano po ang laban ng liwanag ng kalikasan at dilim?" Tanong ni Angel Cyra na siyang ikinatunghay ni Dyen mula sa kaniyang pagkakayuko.

"Iyan ang bagay na tanging ang libro ni Bathala ang makakasagot. Kaya naman sumunod kayo sa mga batas. Dahil kailangan tayo ng mga anak ko sa katapusan ng kuwento." Dagdag impormasyon ni Prinsesa Acesa.

~~~~~~~~~

Lalong naging interesado si Dyen sa pagkuha ng aklat. Kailangan niyang makita muli ang mga duwende at malaman kung paano maiintindihan ang mga lenguwahe ng mga ito. 
~~~~~~~~

"Nasaan si Eyzi?" Tanong ni Den Den pagkatapos nilang lumitaw sa mesa ng lampshade ni Eyzi, na nagsilbi na nilang lagusan mula pa noong una. Babatiin sana nila ng Maligayang Kaarawan ang bata. Labing-dalawang taong gulang na ito.

"Napakaaga pa, saan kaya siya nagpunta?" Tanong ni Kukung.

Hindi nagtagal ay biglang may ibon na pumasok sa nakabukas nang bintana sa kuwarto. Lumipad ito palapit sa mga duwende, mayamaya'y umikot ito nang lipad at akmang lalabas na muli ng kuwarto. Nang hindi ito pinapansin ng dalawang duwende ay tumigil ito sa paglipad.

Angels OF DemonsWhere stories live. Discover now