Chapter 4

5 0 0
                                    

Tatlong araw na lang pasukan na. Mag-aaral si Danica sa eskwelahan na pagmamay-ari ng pamilya ni Anica. Pareho silang Grade 1. Gayunpaman nag-aral ng Nursery, Kinder at nag-private lesson si Anica, sa madaling salita ay advance ang kaniyang kaalaman.

"Natatakot ako, Heira," wika ni Aire.

"Saan na naman? Umandar na naman ang karuwagan mo," sagot ni Heira.

"Napakarami nang makakasalamuhang tao si Anica. Iba't ibang ugali ang mayroon sila. Nagsimula nang makaramdam ng galit si Anica. Naipon dahil sa pagtatampo niya, nakalimutan mo na bang mahinang seal ang nailagay ni Prinsesa Acesa?" paliwanag ni Aire.

"Kayang-kaya ni Anica, 'yon. Nandito naman tayo para gabayan siya," sagot ni Heira.

Ang totoo ay mas nag-aalala si Heira, lalo na't may sinabi sa kaniya si Angel Cyra. Ngunit kailangan niyang magpakita nang katapangan. Alam niyang mali na ilihim niya ang sinabi ni Angel Cyra tungkol kay Dyen, labag ito sa batas o kasalanan. Ngunit kailangan niyang gawin.

******
Sa Impyerno...

Hindi mapakali si Devriyu, hindi siya sigurado kung ano ang mangyayari kapag nagkita ang dalawang bata. Ang mga batang ang alam niya ay kaniya lamang nilikha.

Ang akala niya, ang dalawang sanggol noon ay hindi talaga bunga ng kaniyang panghahalay kay Prinsesa Acesa. Ang pagkakaalam niya ay obra lamang niya ang mga ito, na lihim niyang inilagay sa sinapupunan ni Prinsesa Acesa. At iyon ang dahilan kung bakit hindi nagtataglay ng kabutihan ang mga ito.

Sa kaso ni Danica, bagama't hindi mabubuting tao ang nasa paligid niya, hindi siya naiimpluwensyahan nang kasamaan, sapagkat napakalakas na seal ang nailagay sa kaniya. Gayunpaman, ang pagiging demonyita niya ay hindi mawawala. Iyon ang dahilan kung bakit nakaramdam siya nang pagkasunog noong tiningnan niya ang imahe ni Panginoong Hesus.

******

Unang araw ng pasukan...

"Ang laki pala ng eskuwelahan, hindi kaya tayo mawala rito, Bez?" tanong ni Eyzi.

Habang ang tinatanong niyang kaibigan ay tulala at parang may iniindang karamdaman.

"Uy! Okay ka lang?" tanong muli nito.

Doon bumalik sa kaniyang ulirat si Danica.

"Aaahhh... O-oo, n-nagulat lang din ako sa sobrang laki ng eskuwelahan. Saan daw ba ang silid natin?" tanong ni Danica upang mabago ang usapan.

Habang naglalakad ay nakakaramdam si Danica nang kakaiba, parang magnet na humihila sa kaniya, pero parang may pumipigil naman dito.

Nakita nilang pinagtitinginan sila ng mga bata. Halatang-halata kasi, ang pagiging inosente nila sa mga nakikitang bagay sa paligid ng eskuwelahan. Dagdag pa ang ayos ng kanilang buhok na halatang probinsyana.

"Akala ko may janitor dito? Bakit may pakalat-kalat na mga basura," maarteng wika ng isang bata.

Ang ganda ng ayos nito, lalo na ang kaniyang mahaba at tuwid na buhok, na nilagyan nang cute na clip habang nakatirintan.

Hindi na lamang pinansin ng dalawa ang pagpaparinig sa kanila.

*****

"O, mamaya, ha? Pagkatapos ng klase mo susunduin ka na namin. Iyong bilin..."

"Shhhh," pigil ni Heira kay Aire.
"Para kang recorder, nasabi mo na 'yan kay Anica kanina."

"Okay lang po, yaya Heira. Salamat po sa mga bilin. Sige po papasok na po ako," paalam ni Anica.

*******
Naligaw sina Danica at Eyzi. Hindi nila namalayan ay bumalik lamang sila sa lugar kung saan nandoon ang batang nangutya sa kanila kani-kanila lang.

Sa malayo pa lang ay nakita na ni Eyzi na may lalaking bumubulong sa batang iyon.

"Patirin mo," bulong noong lalaki

Nang malapit na sina Danica at Eyzi sa lugar kung saan nakatayo ang bata. Agad nitong iniharang ang kaniyang isang paa sa daraanan ni Danica. Kaya't nadapa ito.

"Ahhhh!" Sigaw niya.

"Bez!" sigaw ni Eyzi. Pakatapos ay tumungo ito at hinawakan sa balikat ang nadapang kaibigan

"Hahahaha..." malakas na tawanan ng mga bata sa paligid nila.

May batang tumakbo malapit sa kanila.
"Ano ba kayo!?" sigaw noong bata.

Inilahad noong bata ang kaniyang palad, upang tulungang makatayo si Danica.

"Halika tayo ka na," wika ni Anica, ang batang tumakbo at sumaway sa mga batang nagtatawan.

Nang mapatingin si Danica sa nakalahad na palad ni Anica, agad niya itong hinawakan. Nang maglapat ang palad nila ay biglang naging kulay pula ang mga mata ni Danica. Bagay na nakita ni Eyzi. Kinabahan ito at inalis ang kamay sa balikat ng kaibigan. Napailing-iling ito at napaisip. Siya lamang ang nakakita sa pagbabago ng kulay ng mga mata ni Danica.

Nagpakilala si Anica sa dalawa. Pagtapos ay binantaan ang batang pumatid kay Danica na nagngangalang Sheryl.

"Sheryl, kapag inulit mo 'to, isusumbong kita kay tita."

Si Sheryl ay isa sa mga kalaro ni Anica noon, magkaibigan ang kanilang mga magulang at magkasama iisang kumpanya. Lagi niyang pinaiiyak si Anica noon, at dinadaya sa tuwing sila ay naglalaro.

"Sige! Isumbong mo 'ko! Hindi naman ako pagagalitan ni Mama, kasi mahal niya ako. At hindi n'ya ako iniiwan!" pagpaparinig ni Sheryl.

Pagkatapos ay binangga niya sa balikat si Anica, habang naglalakad paalis sa kinaroroonan nila. Sinundan siya ng isa niyang kaibigan na sunod-sunuran lang sa kaniya.

*****
Sa loob ng classroom habang nagtuturo ang kanilang guro, walang patid ang pagpapasikat ni Sheryl. Siya lagi ang taas nang taas ng kamay, palibhasa ay nag-nursery, kinder at private lesson siya kasabay ni Anica. Ipinamukha niya sa dalawang probinsyana na hindi nila malalagpasan ang katalinuhang mayroon siya.

Oras ng recess...

"Tara sa canteen kain tayo," yaya ni Anica kina Danica at Eyzi.

Nagkatinginan ang dalawang mag-bestfriend. Magkukulang ang pangkain nila sa lunch break, kapag nagmiryenda pa sila.

Pasimple pang sinilip ni Eyzi ang kaniyan bulsa. Bagay na nahalata ni Anica.

"Ahhmn... ililibre ko kayo!" nakangiting wika ni Anica.

"Naku! nakakahiya busog pa kami," pagtanggi ni Danica.

Mayamaya'y biglang tumunog ang tiyan ni Eyzi.

"Trrrr..."

"A, e... b-busog siya, hehehe..." nahihiyang biro ni Eyzi.

Nagbigay nang matamis na ngiti si Anica, "halina nga kayo. Tara roon ang canteen."

******
Habang kumakain, dumaan si Sheryl sa mesa kung saan naroon ang tatlo.

"Ang mga pulubi nga naman, kailangang dumikit sa mayayaman," pagpaparinig ni Sheryl, na sinundan ng paghagikgik nang tawa ng kaniyang sunod-sunurang kaibigan, na nagngangalang Dianne.

"Hihihi..."

Pagkatapos ay nilampasan na nila ang tatlo at umupo sa bakanteng upuan.

"Huwag n'yo na lang siyang pansinin. Ganiyan talaga siya, titigil 'yan kapag walang pumapansin," wika ni Anica.

Angels OF DemonsKde žijí příběhy. Začni objevovat